"Aliyah... Lasing ka na naman." sabi ko sa asawa ko na madaling araw na umuwi. Ngunit hindi niya ito pinansin at pagewang-gewang na naglakad sa sofa upang umupo.
"Tigilan mo na yan mahal. Hindi mabuti sa kalusugan mo yan." At sa wakas, tinignan niya ako ngunit bakas sa mata niya ang galit at lungkot.
"Wag na wag mong didikatahan ang lahat ng mg gusto kong gawin! Tandaan mo na wala ka ng silbi sa pamilyang ito, Andrew. Manahimik ka na lang! Pwede ba?!!" sigaw nya at tsaka umalis papuntang kwarto. Kung sa bagay, simula naman nang magyari 'yon ay nawalan na ako ng silbi rito. Kung kaya ko lang sana ibalik ang lahat, baka sakaling isa kaming masayang pamilya ngayon.
Naglakad ako papuntang kwarto at nakita ko si Aliyah na mahimbing na natutulog sa aming kama. Napakaganda n'ya talaga. Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihang pinakasalan ko siya. Nagsimula akong bihisan siya at inayos ang pagkakahiga.
"Mahal na mahal kita, Aliyah. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." Hinalikan ko siya at tuluyan na akong nahiga sa tabi niya. Nakaramdam ako ng antok at unti-unti ay pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog.
Kinabukasan, ganun ulit ang nangyari pero hindi ko na inaasahan ang ginawa niya sa akin. Sinampal niya ako ng malakas at pinagsusuntok.
"Kulang pa yan sa ginawa mo sa akin Andrew!!!" sigaw nya.
Nasasaktan na ako ngunit hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil baka sakaling mabawasan ang galit niya sa akin. Umiyak siya nang matapos niya akong saktan. Matalim niya akong tinignan at tsaka siya naglakad papunta kwarto.
Palagi nalang ganoon and nangyayari sa amin. May mga pagkakataong dinuduraan niya ako o binabasa ng tubig. Hinahayaan ko na lamang siya kasi naniniwala akong magiging maayos din ang lahat.
Kinaumagahan, wala na siya sa aming bahay. Panigurado ay pumasok na siya sa opisina. Dahan-dahan akong tumayo. Medyo masakit ang katawan ko pero kaya ko pa naman. Naglakad ako papuntang salamin, at nakita ko ang isang maputsa at puno ng galos na Andrew. Ito ang resulta ng pagtitiis ko sa pang-aabuso ni Aliyah dahil mahal ko siya. Masokista? oo. Pero ganun ang kaya kong gawin para sa relasyon namin.
Hindi ko namalayan na may mga luha nang pumapatak mila sa aking mga mata habang inaalala ang mga nangyari dati.
Nakaraan..
Naglalakad ako palabas ng gusaling ito dala ang lahat ng aking mga gamit. Oo, nasisante ako sapagkat matagal na pala akong sinisiraan ng mga kasama ko sa aming Big Boss at inaangkin din nila lahat ng mga designs na pinaghirapan ko. Ipinaglaban ko pero dahil marami silang koneksyon, natalo ako. Ang mas inaalala ko ngayon ay ang kalagayan ni Aliyah. Buntis pa naman siya sa aming magiging panganay na anak. Alam kong magagalit siya ng husto kapag nalaman niya ito.
Tinawagan ko si Aliyah na agad naman niyang sinagot.
"Hello, mahal? Tapos ka na ba sa trabaho mo?" ani ko.
"Hindi pa." matipid niyang sabi. Sana naman hindi siya sobrang magalit sa oras na malaman niya.
"Okay sige hintayin kita matapos at sabay na tayong umuwi. Ipagluluto kita." maligaya kong sabi.
"Sige. Bye." sabay baba niya ng tawag.
Buti na lamang daw ay normal dawsa kanya ang maging matipid at masungit sabi ng doktor. Ganun daw pala talaga pag nagbubuntis ang babae. Kakaiba.
Sinundo ko siya at sabay kaming umuwi. Pagdating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para magluto at siya naman ay sa kwarto para magbihis. Nang makaluto ako ay sabay na kaming kumain. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan, at naisip kong ito na ata ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang nangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
Mapangabusong Pag-ibig (ONE SHOT)
General FictionIsang istoryang kakaiba sa ating mga kinagisnan. "Masakit magparaya, pero mas masakit ang magpaabuso."