Sa isang tingin ako'y nahuhumaling.
Sana ay mapagbigyan ang aking hiling.
Na maging masaya na sa iyong piling.
At 'yong mahalin di man ganun kagaling.Ang pagmamahal ko sayo'y patago.
Masaktan ma'y wala paring magbabago,
At di to mararamdaman ng 'yong puso.
Sana'y lahat sa isang iglap magbago.Pagmamahal ko sayo'y di malimutan.
Nararamdaman ay hindi mapigilan.
Pagmamahal na hindi masusuklian,
Ng tulad mo na iba ang tinitignan.Ang mahalin ka'y hindi naging madali,
Ngunit lagi ko 'yong isinasantabi.
Sa'yong ngiti, puso ko'y nakikiliti,
Na nagbibigay ngiti sa aking labi.
YOU ARE READING
Far away from you
Teen FictionSeeing you love someone else breaks my heart, but I still love you with all the pieces.