Chapter 3

17 0 1
                                    

"Ano ba talagang meron?" Tanong ni Cally.

Biglang tumawag si Ethan at sinabing magkita kita kami dahil may sasabihin siyang importante saamin ngayon, kaya heto kami.

"Hindi ko rin alam, pati nga ako nagulat sa biglang tawag niya eh" sagot ni Dom.

Napalingon naman kami sa biglang pumasok na si Ethan.
Umupo siya sa tapat ko at nagsimula nang magsalita, "Guys I need your help" diretso niyang sabi.

"Anong klaseng tulong? At saan?" Tanong ni Dan.

"It's about Maika" nakangiti niyang sagot.

Nagkatinginan kaming lahat na tila nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Mukang gets ka na namin" sabi ni Vince.

"Ano bang plano mo?" Agad na tanong ni Ria.

"Liligawan ko si Maika" proud na sagot ni Ethan.

Parang piniga ang puso ko.

"Agad? Hindi ba't parang ang bilis naman?" Tanong ko.

"Sa apat na buwan ko siyang nakasama, hindi ko maipagkakaila na nafall na ako sa kanya" nakangiti niyang sagot.

Natahimik ako sa isinagot niya. Kumirot ang aking dibdib. Nagpatuloy siya sa pagsabi ng detalye ng plano niya pero hindi ko na iyon nasundan pa, natauhan na lamang ako nang magpaalam na siya.

"Sige guys alis na ako, magdidinner kasi kami ni Maika ngayon eh. Basta bukas ah?" Pagpapaalam niya.

"Sige tol maaasahan mo kami" sagot ni Dom.

Umalis na siya at nagsiuwian na rin kami. Liligawan niya si Maika? Hindi ko alam pero ayaw ko sa kanya para sa kaibigan ko.

---

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok dahil iyon ang bilin ni Ethan.

Sa ngayon ay inaayos namin ang garden dito sa school, dahil dito daw gaganapin ang pagamin ni Ethan kay Maika.

Nang natapos na kami ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng ginawa namin. Para akong nasa fairytale, tulad ng mga napapanood ko noong bata pa ako.

Naudlot ang pagiimagine ko nang sumensyas na si Ethan, ibig sabihin ay nandyan na si Maica, kaya naman pumwesto na kami.

Nang dumating si Maika ay nagulat siya sa ayos ng lugar at sa dami ng taong nakapaligid ngunit naagaw ang atensyon niya ng taong nasa gitna. Nilapitan siya nito.

"Gusto kita" matipid ngunit makahulugan na sabi ni Ethan.

Hindi kaagad nakasagot si Maika, dala na rin siguro ng gulat. Isa isa naming itinaas ang mga letra na ginawa namin kanina, isa itong tanong, ang tanong na muling pumipiga sa puso ko.

C A N  I  C O U R T  Y O U?

Maluha luhang binasa ni Maika ang tanong bago siya tumingin kay Ethan.

"Yes Ethan, I like you too and I'm allowing you to court me" maligayang niyang sagot.

Sa sobrang tuwa ni Ethan ay niyakap niya si Maika. May sinabi siya habang magkayakap sila na siyang ikinawasak ng puso ko at nagpaluha sakin.

I love you maika.

Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko kaya naman umalis na ako at pumunta sa likod ng school, kung nasaan ang secret garden. Hindi ko na napigilan ang umiyak.

Aaminin ko, nasaktan ako. Pero bakit? Bakit ko to nararamdaman? Hindi ako dapat nasasaktan.

Hindi ko nga ba alam? O sadyang hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko?

Napapikit ako nang sumagi siya sa isip ko at ang mga alaala na kasama ko siya, napakasaya ko sa mga panahong iyon.

Napatigil ako nang may narealize ako.


Am I inlove with Ethan?

Far away from youWhere stories live. Discover now