Chapter 2

19 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko yung transferee, nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Pagkapasok ko ng classroom, "Hi clare! Good morning!" Maligayang bati ni kaye, tinawanan ko siya at binati rin.

Napansin kong nag-kukumpulan ang mga kaibigan ko sa likod tila may tinitignan sa phone, "Hay nako. Kanina pa yang mga yan, tinitignan nila yung fb nung transferee, mukang type ata ni ethan". Hindi na ako nagulat dahil binanggit din naman kahapon.

Nang lumapit ako ay narinig ko ang pinaguusapan nila, "Type ko talaga siya tol" sabi ni ethan.

"Pormahan mo na tol, tulungan ka pa namin eh" sagot ni dom.

Biglang kumirot yung dibdib ko. Hala? Bat naman?

Napansin kong natigilan sila at natulala si Ethan, sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Jamaika na kapapasok lang.

Lalapitan sana siya ni Dom nang biglang dumating ang teacher namin kaya naman nagsibalikan kami sa mga pwesto namin.

"Okay class magkakaroon tayo ng activity ngayon, by pair to pero ako pipili ng partner niyo. Understood?" Sambit ng teacher namin.

"Yes ma'am!"

Nagsimula na siyang mag-announce ng pair.

"Mr. Villanueva and Ms. Santos"

Pakiramdam ko na ayaw ko ang pairing ngayon.

"Okay class go to your partners and start your activity. I'll be back." Sabi ng teacher namin.

Tumabi naman sakin ang partner ko, si Jayce. Sinimulan na namin ang worksheet. Hindi ko mapigilan na mapatingin kela Ethan, nagtatawanan sila. Damn.

"Alam mo kanina ko pa napapansin na tumitingin ka kela Ethan. Ano bang meron?" Sabi ni jayce.

"Ah w-wala" sagot ko.

Nang nadismiss ay dumeretso na kami ng canteen. Pagkaupo namin, "Grabe ang bait pala ni maika! Nakakainlove talaga siya!" Maligayang sabi ni Ethan.

Aray. Kumirot nanaman yung dibdib ko. Ano ba yan, napapadalas na to ah.

"Sinong maika?" Tanong ni Cailene.

"Si Jamaika, yung transferee" sagot ni Ethan.

"Ahhh." Sagot nila.

"Speaking of maika, ayun siya oh!" Biglang sabi ni ria, kaya naman napalingon kami at tama nga siya, meron si maika na tila naghahanap ng mauupuan.

"Maika!" Tawag ni ethan.

Lumingon naman siya sa gawi namin nang nagtataka.

"Halika dun ka nalang makitable saamin, ipapakilala na rin kita sa mga kaibigan ko" nakangiting yaya ni ethan.

"Ha? Uh okay lang ba sa kanila?" Nahihiyang sagot ni maika.

"Oo naman! Tara!" Agad naman silang bumalik dito.

"Ah guys! Si maika nga pala. Maika mga kaibigan ko. Si dom, kaye, clare, dan, cally, ria, cailene, vince, rence, at jayce." Pagpapakilala ni ethan samin kaya naman binati namin siya.

Nagsimula na silang kumain pero wala akong gana. Magkatabi si ethan at maika na mukang naguusap.

"Oh clare bat di ka kumakain?" Tanong ni cally.

"Busog kasi ako eh. Punta muna akong library ah" pagpapaalam ko.

Pagdating ko sa library ay pumwesto ako sa pinakadulo. Bigla kong naisip ang madalas na pagkirot ng dibdib ko, bakit kaya? Magpapacheck up nalang ako sa susunod.

Nagulat ako ng may umupo sa harap ko, "Bat ka umalis?" Tanong ni kaye.

"Ewan ko. Hindi ko lang talaga feel na magstay dun" dismayadong sagot ko.

"Ngayon ka lang naman nagkaganyan, ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Hindi ko rin alam kaye" malungkot kong sabi.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa yayain ko na siyang bumalik sa classroom dahil malapit na mag-time.

"Oh san kayo nanggaling?" Salubong ni dom.

"Sa library lang" sagot ni kaye.

Ang labo din ng dalawang to, minsan sweet pero minsan parang wala lang, di ko sila maintindihan.

Pero nawalan nanaman ako ng gana na magklase.

Magkatabi si ethan at maika sa pinakaharap. Damn! Ano ba tong nararamdaman ko?

Hindi ko nalang pinansin at umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula na ang klase.

Naging tahimik ako hanggang uwian na siya namang ipinagtaka ng mga kaibigan ko.

Nang dismissal na, nagpaalam na kaagad ako na uuwi dahil masama ang pakiramdam ko.

Pagkarating ko sa bahay ay nagkulong ako sa kwarto ko, nagiisip ng mga nangyari.

Ano bang nangyayari sakin?





Far away from youWhere stories live. Discover now