Michael's POV
On the way kami sa Moa ngayon. Oo, nagskip kami ng lunchbreak ni Dom para magpunta sa Skating rink. Pero wait.. May nag text!
From: Leigh
Mike! Sorry! Nadulas ako! Nasabi ko kay Mere yung plano mo.. Pero ang nasabi ko lang sakanya na gaganapin yung panliligaw ko sa skating rink.. Hindi yung mismong tao.. Feeling ko iniisip nya ngayon may iba kang gusto. Nako sigurado gumuguho na yung mundo nun ngayon!
Whoa. Nasabi ni Leigh... tsktsktsk. Pero its fine. Okay na yun para may extra thrill yung surprise para kay Mere.
To: Leigh
Oh? Its okay! Wag ka na mag sorry :) Its perfectly fine. Para hindi halata na para talaga kay Mere yung surprise! Extra thrill na rin. Ako dapat mag thank you sayo! Haha! Sige.. Eat well with Mere ;)
Nakarating na rin kami ng Moa tapos dumiretso kami sa skating rink. Pumunta ako sa Coach ko tas kinausap ko sha.
Mike: "Coach Eric!"
Coach Eric: "Oh? Michael! Wala ka bang pasok ngayon?"
Mike: "Lunchbreak po namin. May itatanong lang po sana ako :)"
Coach Eric: "Ahh.. Ano yun?"
Mike: "Paschedule po ako ng Zamboni.. Short Program ko po yung ipeperform. Ah, tsaka Coach.. Pwede po ba after ng Zamboni ko, pwede po ba mag hold ng maliit lang na surprise para sa friend ko? Please Coach? :)"
Coach Eric: "Oo naman! Sige ba.. Teka.. Anong klaseng surprise ba yan?"
Dom: "Panliligaw po."
Mike: "Nako Dominic singit singit lang pag may time? Uhm.."
Coach Eric: "Oh! Tama ba narinig ko? Michael Martinez, mangliligaw?"
Dom: "Opo!"
Mike: "Ah.. eh.. uhm."
Coach Eric: "Alam ba to ng Mama mo?"
Mike: "shempre naman po! :)"
Coach Eric: "Ayos! Teka.. Sino ba yung 'The one'? Wait.. hulaan ko. Yung kasama mo last time?"
Dom: *nods* "ooopooo"
Coach Eric: "Goodluck jan Mike! Don't worry.. Buong rink staff guaranteed tutulong sayo without Meredith knowing. Sige.. Ipapaschedule ko na. Next 2 weeks ba? Sabado para walang classes. Sige. Bumalik na kayo sa UST baka ma late pa kayo sa classes nyo"
Bumalik na kami ng UST pero as usual.. Tapos na classes ko. Sila Dominic nalang yung may class pa. Nagdecide akong pumunta nalang ng QPav.
Habang naglalakad ako, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.
*BOOGSH*
Babae: "AY BUTIKING PALAKA KA!"
Wth. Mukha ba kong butiking palaka?!
Mike: "Uy! Jasmine! Ikaw pala yan.."
Jas: "Mike! Kamusta na?"
Mike: "Okay lang naman.. May classes ka pa? Kain tayo!"
Jas: "Katatapos lang. Di mo ba ko nakita? Haha! Kakalabas ko lang ng building actually xD"
Mike: "Haha! I wasn't actually paying attention sa dinadaanan ko."
Jas: "Well.. Ako rin naman eh hahah!"
Mike: "So ano? Mcdo?"
Jas: "Sure.. Wait a sec. Let me text Mikee muna"
