Hi! Itago nalang natin yung totoong pangalan ko sa Meridith. 16 years old and 4th year High School. Kakastart ko lang mag figure skating. Alam ko late na pero,to be a figure skater is my dream. Since 3 years old palang ako, nanonood na ko ng mga performance nila Michelle Kwan, Tonya Harding, Nancy Kerrigan, Denise Biellmann, at Kristi Yamaguchi.
Dati ayaw ako pag figure skate-in ni mommy kasi baka daw mabalian ako or something. Mapayat lang ako pero matangkad at malakas. Di rin nila ineexpect pero mabigat ako kapag binuhat :). Kaya eto ako ngayon.. Late na nakapag start.
---
September 2012
Nanonood ako ng mga random videos sa youtube. Hanggang sa naisipan ko na magsearch ng figure skating videos na filipino figure skater or whatever. At last nakakita rin ako. Michael Christian Martinez, 16 years old (nung 2012). Nagustuhan ko yung performance nya. Hanggnang sa tinext ko si mommy about sakanya.
Hanggang sa makalipas ang 5 months
Nagustuhan ko sha. I know its weird, alam nyo yung parang fan girl na crush chuchuchu. So hinanap ko sha sa facebook. At first nag d-doubt pa ko na i-add sha kasi wala lang. Nahihiya lang ako. Pero inadd ko rin sha haha!
Hinayaan ko muna na friends kami sa fb. Hindi ko sha china-chat kasi grabe na talaga yung hiya na nararamdaman ko. Haha! soweirds.
---
October 2012
Yay! Birthday ko na! Nagcelebrate ako ng birthday sa SM Moa with friends and family. Nag Ice skating kami. Sobrang kinakabahan ako nun at muntik na ko mag backout ng last minute. Pero naisip ko.. Try ko lang.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa yelo..Naranasan ko yung passion ko mula nung 3 years old palang ako. Grabeng saya ang naramdaman ko nung araw na yun. Nag text ako kay mommy at tinanong sya kung pwede na ba akong mag skating lessons. At last, pumayag na rin si Mommy!
At dahil nagustuhan ko ang pagsskate, Nakasanayan ko na mag skate every sunday pagkatapos namin mag simba. Natuto ako mag isa.
---
November 2012
Nationals 2012.. Gustong gusto ko manood nun kaso lang tinamad ako. Sobrang gusto ko manood nun live laong lalo na nung nabalitaan ko na magcocompete si Michael dun. Sobrang excited ako nun nung nalaman ko na nandito si Michael sa Pilipinas.
Kahit hindi ko man napanood yung performance nya, ni-congratulate ko sha at dun na nag simula ang pag chchat namin. Haha emegerddd
Hindi masyadong madalas yung pag chchat namin kasi palagi syang nasa states. Either magkaiba yung timezone namin or sha nasa training at ako nagiintay lang here. So sad nga lang..
Hindi ko rin akalain na mommy will support me here.. Mas close pa nga sila Michael and Mommy kesa sakin eh. Wala, nakakatuwa lang. To know na tinutulungan ka ng magulang mo blabla whatever haha!
---
December 2012
Yay! Malapit na matapos yung taon.. Malapit na rin kami mag 4th year. Excited na ko kasi sa summer na yung lessons ko. Yun nga lang may kasabay na mga review center at advance lessons.
Nagpursige ako na magskate ng mag skate para madalian na.. Ginawa ko talaga shang inspirasyon sa pagsskate ko. Gustuhin ko man na maging kasing galing nya pero parang imposible na yun. Pinagsisisihan ko talaga na hindi ako nag skate nung 9 years old ako. Pero pasalamat parin ako ngayon kasi nakakapag skate na ko.
---
January 2013
Yay!! Bagong taon na naman. Dedicated na talaga ako na matupad yung dream ko na maging figure skater at isang doctor. Dati gusto ko lang maging nurse pero napaisip rin ako bakit hindi nalang doctor. So ayun.