Matapos naming magbonding na hindi ko man lang na enjoy dahil sa pang-aasar sakin ni demonyong mokong ay umuwi na kami at mag gagabi na rin.
-
Nandito na ako sa bahay. Hinatid ako ni manong, driver nila ma'm.
Pagpasok ko sa pinto may nakita akong envelope . Kaya pinulot ko ito baka importante eh. Mamaya ko nalang babasahin at maliligo muna ako
-
Tapos na akong maligo. Naka jogging pants ako ngayon at naka jacket ganito talaga sinusuot ko pag matutulog nako dahil ang lamig eh.
Kinuha ko agad ang envelope sa drawer ko. Lah ano kaya to. Pagkabukas ko. O_O
-
Gomez Residence
Cyril POV
Bakit tuwing nakikita ko si pangit may iba akong nararamdaman. Bwiset! Bat ko ba siya iniisip eh mangkukulam yun.
Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng basketball . Pinapanood ko kasi yung mga moves nila dahil magagamit ko ito bilang isang captain ball.
At kasama ko naman si Ashley na bising - bisi sa pagbabasa . Para ngang baliw eh mag isang tumatawa habang nakatingin sa cellphone .
"Hhahahahahahahha! Kyahhhh! Ang sweet! " bwiset naman oh! Hindi ako makaconcentrate sa panonood nito.
Kanina pa kaya siya maingay. Mahal ko lang kasi kapatid ko kaya hinahayaan ko nalang. Diyan siya masaya eh.
"Waaahhhh! Bastos naman ni Jovann! Hmmmmfft"
Ano!? May boyfriend siyang bastos! Ayaw ko siyang may boyfriend dahil ang bata bata pa niya para sa ganyan.
"Hoy! Ano sabi mo? May boyfriend kaba ha Ashley!?"
Nagulat naman siya sa sinabi ko at natakot dahil ngayon ko nanaman siya nasigawan ng ganun.
"K-kuya, p-pinagsasabi mo. Wala akong boyfriend ah"
"Anong wala! Sabi mo kanina ang sweet naman may pasigaw-sigaw kapa, tsaka ano yung bastos ha !"
"Pfffttttttttttt! Hahhahahahahaha! Para kang bakla kuya. Hahhahahaha. Wala akong boyfriend dahil takot ko lang sayo. Oh! Tignan mo tong cellphone ko. " kinuha ko naman yung cellphone niya. At tinignan ko ano to! Hindi naman pala message to ah at saka ano ba to!. Ang raming sulat.
"Wag kang mag-alala kuya, wattpad lang yan. Apps yan "
"Ganyan dapat, wag kang magboboyfriend ah susuntukin ko yang lalaking yun. "
"Opo kuya ^_^" sabay yakap niya.
Okay ka lang ba? Tahan na, wag ka nang umiyak sige ka papangit ka niyan . Susunduin nalang kita diyan okay?. Diyan ka lang ha steff, hintayin moko diyan.-mom
Ha? Bakit anong nangyayari? At bat may umiiyak sa kabilang linya. Nandito din kasi si mom sa sala kaya narinig namin ang kausap niya.
Sige bye, ingat ka diyan ha. Okay
"Mom, sino yun? " tanong ni Ashley
"Si steff nak, dito na siya titira may nangyari kasi sa bahay niya eh"
What the fuck! Bat dito titira yung pangit na yun. Kainis! At ano ba yung nangyari. ?
" bakit mom? Anong nangyari Kay ate? Okay lang ba siya mom? " alalang-alala na sabi ni ashley
