Ang talulot sa palad ni Reyna Amihan

1.7K 31 2
                                    

"Ades! Ades!" Tila pasigaw na sambit ni Amihan kay Ades nang magulat itong may marka ng talulot sa kanyang palad.

"Mahal na reyna?" Pag aalalang wika ni Ades nang makarating ito sa kanyang tabi.

"Ades? Bakit may ganitong marka sa aking palad?" Nag aalalang sambit ni Amihan kay Ades.

"Nasaksihan ko na ito ng ilang pagkakataon sa inyong ina. Palatandaan ito na may tagapagmana nang anak na sa inyong sinapupunan!" Masayang pagpapaliwanag ni Ades.

Hindi maintindihan ni Amihan ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kasiyahan na may halong takot.

"Mag... magkakaanak na ako?" Mahinang sambit ni Amihan na tila naguguluhan sa mga pangyayari.

"Oo... Binabati kita sa napakagandang balitang ito. Natutuwa ako para sayo at para sa buong Lireo." Masayang wika ni Ades.

Hindi maikakaila ang saya sa mga mata ni Amihan nang malaman niya iyon. Tila ba'y gustong sumabog ng kanyang puso sa sobrang saya at kaba nang unti unti niyang ipinasok sa kanyang isipan ang ideyang may tagapagmana na siya sa kanyang sinapupunan ng mga sandaling iyon.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang kasiyahan, biglang naisip ni Amihan ang panganib na maaring maranasan ng kanyang anak.

Tila napansin ni Ades ang pagkunot ng ulo ng kanyang reyna.

"Ano po ba ang problema mahal na reyna? Bakit po biglang nagbago ang inyong wangis?" Pag aalalang wika ni Ades.

"Wala ito Ades. Tila nabigla lamang ako sa mga pangyayari." Wika ni Amihan.

"Mukhang kailangan niyo na pong magpahingang muli mahal na reyna upang maging malusog ang tagapagmana ng Lireo."

"Siyang tunay Ades. Maraming salamat." Mahinang wika ni Amihan.

Nang makaalis ng silid si Ades ay sinubukan muli ni Amihan magpahinga.

Nakarinig si Amihan ng iyak ng isang sanggol at biglang napalingon sa kanyang likuran. Laking gulat niyang makita si Hagorn at Pirena hawak ang isang sanggol. Nang malapitan niya ito'y kitang kita ng kanyang dalawang mga mata ang pagpaslang sa sanggol. Labis na hinagpis ang kanyang naramdaman nang inihagis na parang isang hayop ang sanggol matapos itong paslangin ni Hagorn. Agad na pinuntahan ni Amihan ang sanggol upang tingnan kung ito'y humihinga pa. At nang kanyang makita ang sanggol tila may sumaksak sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang duguan nitong wangis. Puro dugo ang nakita ni Amihan at natitiyak itong wala ng buhay ang sanggol.

"Hindi mo ba siya nakikilala Amihan?" Kutya ni Pirena.

"Mukhang puro hangin lamang ang laman ng kanyang utak, Pirena" Patawang wika ni Hagorn.

Nang binusisi ni Amihan ang wangis ng sanggol ay tila bang unti unti niyang napagdugtong dugtong na ang sanggol na iyon ay walang iba kundi ang kanyang anak.

"Aaaaaaaaahhhhhhh!"

Nang magising si Amihan mula sa bangungot na iyon ay di niya mapigilang umiyak. Doon lamang niya napagtanto ang mga maaring maranasan ng kanyang anak. Isang sanggol na walang kamuwang muwang sa napakagulong mundo. Labis na takot ang kanyang naramdaman na tila wala ng katapusan. Napaupo siya mula sa kanyang pagkakahimbing at napagpasyahang dumungaw sa napakalaking bintana ng kanyang silid upang makapag isip.

"Mahal na bathalang Emre... Wag niyo sanang pababayaan ang aking anak." Mangiyakngiyak na sambit ni Amihan habang hinahaplos ang kanyang sinapupunan na tulad ng paghaplos ng isang ina sa kanyang sanggol.

Nang makaraan ang ilang minutong paghaplos sa kanyang sinapupunan ay tila may naramdaman si Amihang init sa kanyang sinapupunan. Hindi niya maintindihan ngunit lahat ng kanyang takot at pangamba ay tila nawala.

Napatawa si Amihan ng maramdaman ito. "Ito ba ang iyong paraan mahal ko upang ipadama sa akin na magiging ayos lang ang lahat anak?" Tuwang tuwa na sambit ni Amihan sa kanyang sarili. Kung may nakakakita lamang sa kanya noo'y aakalain talaga nilang nababaliw na ang reyna. Sapagka't kinakausap na nito ang kanyang sarili. Habang hinahaplos ni Amihan ang kanyang sinapupunan, lalong kumakalat ang init na kanyang nararamdaman papunta sa kanyang puso.

"Marahil nga anak. Iyan ang iyong paraan upang ipadama sa akin na magiging ayos lang ang lahat... Avisala Eshma." Tuwang tuwa sabi ni Amihan sa kanyang isip.

Nang makaramdam ng antok at pagod ang reyna sa mga sandaling iyon ay naisipan nitong magtungo sa kanyang higaan upang mamahinga at habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan ay di nitong maiwasang masambit sa hangin ang mga katagang...

"E correi diu, anak..." at doo'y nakahimbing ang reyna Amihang may matamis na ngiti sa kanyang mukha.

Tagapagligtas ng Encantadia (YbraLiraMihan stories)Where stories live. Discover now