Mine-a POV
"Mahal na Reyna!"
"Anong nangyari sa Reyna?" wika ni Ades.
"Kawal! Tawagin mo ang inang reyna Mine-a at sang'gre Danaya! ENA-I!
"Hitano! Halika't magtungo tayo sa silid ni reyna Amihan."
Nagulat ang inang reyna Mine-a nang makarating ito sa silid ng kanyang anak na si Amihan. Nakita nitong namumutla at tila nanghina ito. Sa kung anumang pangyayari ay mas maiibsan ang takot ni Mine-a. Ngunit sa pagkakataong ito, takot na nagmumula sa kailaliman ng kanyang puso ang kanyang nararamdaman. Sapagkat si Amihan ay nagdadalang diwata. Hindi lamang isang buhay, ngunit dalawa ang nakasalalay.
"Danaya, ang iyong kapatid." Lumingon si Mine-a kay Danaya.
"Masusunod ina." Wika ni Danaya
"Brilyante ng lupa, nawa'y bigyan mo ng lunas ang anumang karamdaman ang aking kapatid na hara at ang sanggol sa sinapupunan nito." Sambit ni Danaya.
Unti-unting lumiwanag ang brilyante ng lupa at nagkaroon ng kulay ang mga pisngi ng hara. Napansin nilang tila nawala rin ang sakit na tila nararamdaman nito na nagmumula sa kanyang sinapupunan.
Nang huminahon ang lahat. Minabuti ni Mine-ang busisiin ang mga nangyari.
"Hitano, magpaliwanag ka. Saan kayo nanggaling ng reyna Amihan?" Sambit nito.
"Nanggaling po kami sa kuta ng mga mandirigma inang reyna Mine-a." Wika ni Hitano.
Nagulat ang lahat ng marinig iyon.
"Ngunit ano ang ginagawa ng aking hara roon?" Sambit ni Danaya kay Hitano.
"Hindi na kailangang itanong pa iyan Danaya. Alam ko ang rason kung bakit siya naparoon." Wika ni Mine-a
"Bakit mo hinayaang magtungo roon ang reyna Hitano? Na alam mo at ng buong Lireo ang kanyang kundisyon." Sambit ni Danaya.
"Patawad mahal na sang'gre ngunit ang mahal na reyna mismo ang nagutos na kami ay magtungo roon." Wika ni Hitano na may pagsisi sa kanyang wangis.
May hinala na si Mine-a kung ano ang nangyari sa kanyang anak ngunit kailangan lamang niya makasigurado.
"Ano ang paraan ng inyong paglalakbay, Hitano?" Patanong ni Mine-a kay Hitano.
"Evictus po inang reyna. Nang magtungo kami sa kuta ng mga madirigma ay napansin kong namumutla ang mahal na reyna pagdating doon at walang sinabi. At dali dali rin naman kaming bumalik sa Lireo gamit pa rin ang evictus niya." Wika ni Hitano.
"Sinasabi ko na nga ba." Wika ni Mine-a.
"Bakit ina? Anong koneksyon ng pag gamit ni Amihan ng evictus sa kalagayan niya ngayon at ng kanyang sanggol sa sinapupunan." Wika ni Danaya.
"Ito ay magdadala ng panganib sa isang nagdadalang diwata dahil sa pwersang magagamit nito. Sa kaso ng inyong apwe mahal na sang'gre, mabuti sana kung siya lamang ang gumamit ng evictus. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Umabot sa sampu ang dala niyang kawal at ito marahil ang dahilan ng kanyang pagkapagod." Wika ni Ades.
"At kung hindi ito na agapan ay marahil nawalan na tayo ng reyna at diwani, Danaya." Wika ni Mine-a habang inaayos ang posisyon ni Amihan sa kama.
Napansin ni Mine-a ang pag alala sa wangis ng kanyang bunsong anak kung kaya't naisip nitong paga anin ang loob nito.
"Ngunit wag kang mag alala Danaya, nailigtas mo ang iyong apwe at hadiya. Alam kong pahinga na lamang ang kulang nila." Wika ni Mine-a.
"Marahil ina. Kasalanan ito ng mandirigmang iyon. Siya ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang reyna at ang dahilan ng kasawian ni Alena." Malungkot na tugon ni Danaya sa kanyang ina.
Walang masabi si Mine-a sa mga sambit nito. Upang pagaanin ang loob ng kanyang bunsong anak ay hinagkan niya na lamang ito.
"Magiging maayos din lahat Danaya." Wika ni Mine-a.
A/N: Such a short chapter but I wanted to explore what happened when Amihan returned to Lireo.
As far as I remember, the next scene she was with Alena she looked sick and tired. ( Baka dahil kay Ybarro)
On the other note, I came to the conclusion that Amihan probably exerted too much energy on herself using her evictus from going back and forth from the mandirigma's camp to Lireo because of the 2 scenes in enca that will support this.
1. During the scene where Amihan needs to rescue Ades and the other damas, Ades told her that she cannot carry everyone as it would exert more effort and energy making her drained further. Imagine if she has to take 10 or more soldiers with her using her evictus back and forth while pregnant?
2. While Lilasari was training the warrior women during her pregnancy she felt dizzy and Hitano came to aid her. Maybe after Hitano saw what happened to Amihan, he had a better idea on how to deal with pregnant diwatas.
Just wanted to explore that scene. Nacurious kasi ako. Overall, this chapter depicts Amihan's possible miscarriage.
Let me know what you think in the comments and if you guys still want me to continue the story.
Thanks for reading!
YOU ARE READING
Tagapagligtas ng Encantadia (YbraLiraMihan stories)
FanfictionYbraLiraMihan Oneshots. This is my first story. (Wag po sana tayo harsh. hehehe) I really hope you guys will like it. Just give me your feedbacks and comments. Been an Ybramihan shipper since 2005.