Ang Basbas ni reyna Mine-a

935 28 2
                                    

Ch 2

Napaisip ng malalim habang nasa balconahe ang bagong halal na reyna ng Lireo habang tinatanaw ang malawak nitong kaharian. Lubos na ikinalulungkot niya ang nangyari sa kanilang ina at kanyang apwe na si Alena. Mali nga bang umibig sa isang encantadong mababa ang estado? Ano nga ba ang kapahamakang maidudulot nito sa kanilang kaharian? Tama nga ba ang desisyon ng kanilang inang si Mine-a na ipakasal si Alena sa isang taong hindi naman niya iniibig? Ito ang mga bagay na tila bumabagabag sa isip ng Hara Amihan.

"May gumugulo ba sa isip mo anak?"

Napalingon si Amihan sa kanyang likuran at napangiti sa kanyang nakita.

"Wala ito ina." Mahinang sambit ni Amihan.

"Kilala kita aking anak. Dahil ba ito sa napipinto mong pagsilang?" Wika ni Mine-a.

Napaisip si Amihan ng malalim. Sa kanyang pag-iisip ukol kay Alena ay tila nakalimutan nito na may sanggol na palang naipunla sa kanyang sinapupunan. Napangiti si Amihan sa ideyang iyon. Na malapit na niyang mahawakan at mahagkan ang kanyang tagapagmana. Ngunit hindi iyon ang bumabagabag sa kanya.

"Ina, hindi naman reyna si Alena. Ang tanging pinangarap lamang ng aking apwe ay isang simpleng pamilya. Isang encantadong mamahalin niya at iibigin siya. Hindi nga ba pwede iyon? Wala bang ibang paraan ina? Lubos na naaawa lamang ako kay Alena." Wika ni Amihan habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Anak..." Wika ni Mine-a habang papalapit ito sa anak upang yakapin. "Ito ay isang kasaganaang hindi natin kailan man makakamit. Bilang mga pinuno ng Lireo kahit na hindi man reyna si Alena ay isa pa rin siyang sang'gre. Isa sa matataas na uri ng diwata. Kung hindi natin kayang sundin ang pamamaraan at batas ng ating lahi, ay pano na lang susundin ng mga diwata ang ating batas?" Wika ni Mine-a.

"Ngunit ina..." Mahinang sambit ni Amihan.

"Ito ang pakatatandaan mo Amihan, walang sino man ang mas nakakataas sa batas." Wika ni Mine-a.

"Opo ina." Wika ni Amihan.

Nakita ni Amihan na mukhang nasiyahan si Mine-a sa kanyang sagot dahil napangiti ito.

"Anak, may gusto akong pag usapan natin." Habang tinitigan ng masinsinan ang kanyang anak.

Napatanong si Amihan sa kanyang ina.

"Ano po iyon ina?"

"Ang iyong napipintong pagsilang, anak." Wika ni Mine-a ng may bakas ng ngiti sa kanyang mga mata.

Nagulat si Amihan ng matanong ito ni Minea. Kung tutuusin, iniiwasan ni Amhiang isipin ito. Alam nitong ang panganganak ay hindi biro. Marami na siyang narinig na kwento. Mga diwatang namatay dahil sa pagsilang nito sa kanilang mga anak. Ngunit hindi ito ang kinatatakutan ni Amihan. Ang kanyang takot ay nagmumula sa kapakanan ng kanyang anak. Alam nitong manganganib ang buhay nito sa pagsilang pa lamang nito. Si Pirena at si Hagorn ang pinakamalaking banta sa kanyang tagapagmana.

Napansin ni Mine-a na tila nagbago ang wangis ng anak ng matanong niya ito.

"Amihan----"

Nang makita ni Amihan ang wangis ng ina na tila nag aalala para sa kanya ay ayaw na nitong makadagdag pa sa suliranin ng kanyang ina kung kaya't pinili na lang niyang ikubli sa kanyang sarili ang nararamdaman.

"Wala ito inay." Mahinang sambit ni Amihan.

"Amihan, tungkol ba ito sa pagdadalang diwata mo? May gusto ka bang sabihin sa akin?" Wika ni Mine-a.

Alam ni Amihan na hindi siya tatantanan ng kanyang ina sa pagtatanong kung kaya't pinili na lang nitong magsinungaling.

"Masaya lamang ako inay. Sa napipintong pagsilang ko. Alam kong hindi ito madali at aaminin kong kinakabahan ako." Wika ni Amihan.

Napangiti ng labis si Mine-a.

"Anak, ang panganganak ay hindi biro. Nung ipinanganak ko ang iyong ideya Pirena ay akala ko'y ako ay mamamaalam na patungong Devas. Ngunit lahat ng sakit na iyon ay mapapawi sa oras na makita mo ang iyong anak." Masayang sambit ni Mine-a.

Napangiti si Amihan sa mga wika ng kanyang ina. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan. Tila ba'y may gumagapang ng init na nagmumula rito.

Natutuwang pinagmamasdan ni Mine-a ang kanyang pangalawang anak, ang anak niya sa yumaong prinsipe ng Sapiro. Si Raquim. Ang encantadong nakabihag ng kanyang puso.

"Anak?"

Napatingin si Amihan sa kanyang ina at lumapit.

"Maari ko bang bigyan ng basbas ang aking magiging apo?" Wika ni Mine-a.

"Lubos ko pong ikakagalak iyan ina." Masayang wika ni Amihan.

Ipinatong ni Mine-a ang kanyang mga palad sa sinapupunan ni Amihan at winika ang mga basbas na:

"Mahal kong Amihan, bilang dating reyna ng Lireo ay binabasbasan ko ang magiging anak mo na magkaroon ng busilak na kalooban at tatag ng puso tulad ng kanyang inang reyna." Malinaw na sambit ni Minea ng enkantasyon.

Habang binibigkas ni Mine-a ang kanyang enkantasyon ay muling nakaramdam ng init mula sa sinapupunan niya si Amihan na tila ba'y sinasabi ng kanyang anak na natutuwa ito.

"Avisala eshma, ina." Wika ni Amihan.

"Walang anuman anak." Wika ni Mine-a habang hinaplos ang mga pisngi ng anak.

Minabuti ni Amihan na magtungo sa kanyang silid upang doon ay magpahinga. Habang nakaupo ito sa kanyang silid ay di pa rin nitong maiwasang maisip ang kanyang apweng si Alena. Papaano nga ba niya ito matutulungan sa kanyang suliranin. Napaisip si Amihan. Nakapagpasya na siya. Pupuntahan niya ang mandirigmang iniibig ni Alena.

Tagapagligtas ng Encantadia (YbraLiraMihan stories)Where stories live. Discover now