Ayumi's POV
Unti unti kong minulat yung mga mata ko. Teka ? Nasan ba ako?
Oo nga pala .
Nandito nga pala ko sa clinic ng school namin after the 'ridiculous' incident. Ang sakit pa din ng ulo ko, kumikirot pa din kahit may benda na.
Naalala ko tuloy yung nangyari kung bakit ako napunta dito. Kung papatulan ko pa sya lalo pang magiging malala yung sitwasyon saka siguradong mag aalala sakin sila Mommy pag nabalitaan nila tong nangyari sakin. Baka umuwi pa sila dito at maistorbo ko pa yung business nila.
Inikot ko yung mata ko sa loob ng silid. Nasa private room pala ako . Sosyal yung school namin ah , di ko alam na may mga room pa pala dito. Akala ko mga kama lang para sa pasyente at kurtina lang yung nagsisilbing taga hati.
Pipikit ko na sana ulit yung mata ko ng marinig kong bumukas yung pinto ng Private Room. Automatic na lumingon ako para alamin kung sino yon pero wrong move pala. Dapat pala nag tulug-tulugan nalang ako kesa makita ko yung hambog na asong to.
Siguro naman alam na nya yung nangyari at alam na din nyang siya yung dahilan kung bakit nangyari sakin to. Pero sabagay wala din naman syang kasalanan sa mga nangyari pero di ko padin maiwasan ang mainis. Isipin nyo dahil sakanya LANG kaya ako nagka ganito. Siya LANG naman ang dahilan kung bakit ako nagka ganito. Di ko maisip na dahil LANG sa isang tao na pinaka kinaiinisan ko pa ang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Paulit ulit ba ?
Paulit ulit din kasi nag pa flashback sa utak ko yung nangyari eh . Di ko tanggap. Pero syempre dahil ako naman ang bida sa istoryang ito. Papatawarin ko na sya . Mabait naman ako eh
"Hoi Ayumi? Kanina pa ako salita ng salita dito nakatulala ka lang dyan." reklamo nya sakin na lukot pa yung mukha. Grabe mukha pa din syang anghel .. *^^*
AH NO!!!
Scratch that ..
Mukha pala syang aso . Hambog na aso. Antipatikong aso .. TAMA !
"Demanding mo naman. May naisip lang ako." sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin. Kung anu-ano kasi na i imagine ko dito. Pwede na din ako maging writer ng lagay na to eh XD.
"Ano ka ba naman Ayumi ! Nandito na nga ako iniisip mo pa din ako. Ikaw talaga oh" eto nanaman ang kakapalan ng mukha nya >.< Ok na sana yung usapan . Matino na eh
"AYA----" magsasalita na sana ko ulit ng pinutol nya yung sasabihin ko. Bastos talaga to !
"Hep hep ! Pinapatawa lang kita. May benda na nga yang ulo mo bungangera ka pa din. TIGRE ka talaga !"
"Alam mo kasi, pinipili ko lang yung mga taong kinakausap ko ng matino. At sa kasamaang palad eh HINDI KA BELONG SA MGA TAONG YON!" madiin na sabi ko sakanya sa may mataray na tono. Dapat sa lalaking to tinatarayan lagi ng magtanda.
"Pero seriously i just want to say sorry. Kung hindi dahil sakin hindi ka naman magkakaganyan eh." sincere nyang sabi sakin.
Nakaka touch naman yung sinabi nya. Kahit pala pano eh may puso pa din naman pala tong lalaking to. Ngumiti ako sakanya. But this time hindi na plastik yung ngiti ko sa kanya . Totoong ngiti na talaga .
Nagiging malambot kasi ako pag sa ganitong sitwasyon eh. Malambot talaga yung puso ko . Ayieh haha
"Di ko alam na sobrang lakas pala ng appeal ko. Masyadong obsess yung mga babae sakin kaya nangyari sayo yan. Well di mo din naman kasi masisisi yung kagwapuhan ko. Di ko naman kasalanan na gwapo talaga yung lahi ko." Nakayuko pa nyang sabi sakin na akala mong sincere na sincere. Hinayupak na taong to ! May talent pala sa pagiging artista. Ala Jose Manalo nga lang .