New day :)

6 0 0
                                    

 Umaga nanaman. Bumangon na ko para gumayak na ng hindi na ko araw araw hinihiyawan ng kuya kong abnormal .

 Malamang babangon na ko . Haler kaya nga ako gumigising o ginigising ng maaga eh para bumangon at para ikalat sa sanlibutan yung binigay saking kagandahan.

 Kung nagtataka naman kaya kung bakit good mood ako ngayon sa kabila ng nangyari sakin kahapon , eh syempre naman di ko naman didibdibin yun no. Bakit may mapapala ba ako ? Saka new day ngayon , kalimutan na ang lahat ng bad na nangyari , move on na tayo ..

 Naligo na ko sa mini banyo ko dito sa kwarto.

 Ganun talaga dito sa wattpad , gagawa ka nalang ng fictional story eh lubuslubusin mo na . Mangarap ka hanggang gusto mo , para kahit sa watty land lang eh maging isang mayaman, sikat, maganda, matalino at kung ano ano pang katangian na wala sayo pero pilit na hinahangad mo ..

 Tandaan: LIBRE lang mangarap, wag lang AASA ;D

 After kong maligo sa mini banyo ng room ko eh pumunta na ako sa salaminan para mag ayos ng sarili ko. Syempre naglagay muna ako ng face powder saka ko pinusod yung buhok ko . Nakakairita kasi kapag dumidikit yung buhok ko dun sa batok ko. Nagsuot din ako ng kwintas saka hikaw at syempre yung relo na binigay ng bestfriend ko dati.

 Syempre bago umalis eh nag major major pose muna ako sa salamin. Ngiti dito , dila jan , pa-cute dito, wacky dyan .

 Umikot ikot pa ko sa salamin para siguraduhin kung gusot ba yung uniform ko , kung palipit ba or whatsoever.

 Oh Girls and Boys relate ba ?

 Nag final pose muna ako sa salamin bago lumabas ng kwarto ko. Saka ko kinuha yung bag ko at nag model palabas ng room .

 Iba nanaman yung trip ko ngayong araw. Minsan kasi serious type , minsan berat, minsan kikay, minsan sobrang grade concious na todo aral at kung anu-ano pang mga kakaibang trip./

 Wag na kayong umangal sa trip ko at nakikibasa lang naman kayo . XD ..

 Naabutan ko si kuya saka si ate na nagtatawanan sa kusina , nakahanda naman na lahat pati yung food. Ako nalang siguro hinihintay ..

 "GOOD MORNING KUYA ! GODD MORNING ATE !" masayang bati ko sa kanila with super sweet smile . Ganado ko ngayon ba't ba ! Hahah

  "Hello bunso good morning din. Ganda yata ng gising natin ah?" ate . Yes naman kasing ganda ko :)

 Himala at nandito pa si ate . Usually di ko na sya naaabutan pag ka gising ko e.

 "Haha syempre naman ate. Maganda tayo kaya dapat ginagamit natin ng maayos ganda natin. Di yung laging naka busangot." sabi ko sa kanya pagkatapos ay hinila ko yung upuan para maka upo na din ako . Nangangawit kasi ang ganda ko XD

 "True sis. Always smile , wag isipin yung mga bagay na nag papa bad vibes satin" sabi pa ng maganda kong kapatid sabay ngiti . Ang ganda talaga namin :'D

 "Himala at maaga kang gumising lil' sis . Himala himala himala." kuya

 "Nagsasawa na kase ko sa araw araw na paghiyaw mo kuya nakakarindi. Tsaka paulit ulit ba talaga kaylangan sabihin yung himala? Kuya kalma lang."  me

 "Ganda nga ng boses ko. Oo paulit ulit talaga para damang dama mo. Tama na muna dakdakan, kaen na muna tayo." kuya

 Sumandok na agad kami ng pagkain. Nakalimutan kong kumain kagabe kaya nagugutom ako ngayon. Dami ko kasing iniisip kagabi tapos sasabay pa yung pagod kaya ayun pagkahiga ko sa kama ko bagsak agad ako ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinity CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon