"Oy! Si Tyler may crush na, at kilala ko!" - Vannessa
"Oh? Sino? Sino?" - Ako
"Uhm, katabi ko." sabi saakin ni Vannessa habang nakangiti ng malapad
Weird.
Ay! Hello, ako nga pala si Chloe Sparks. Grade 6 sa Chuckie University. (wala ako maisip na pangalan. =_____=) Sakto ang height, sakto lang rin ang complexion ng skin, simpleng ganda lang, medyo mahaba ang buhok, at medyo mapayat. 11 years old ako. May crush, pero walang lovelife. Hanggang tanaw lang ako sa crush ko eh. Higit sa lahat, ako ay SINGLE.
Si Vannessa Sparks, siya ang bestfriend-pinsan-truefriend-kapatid-kung ano ano pa ko. Pero to sum it all up, siya nakakaalam lahat ng meron sakin. LAHAT. Mapalovelife yan o kung anoman. 13 years old na yan, pareho kami ng school na pinapasukan. Matangkad yan, sakto rin lang ang complexion niya, simpleng ganda, pantay kami ng buhok, at medyo mapayat rin. Sabi nga ng iba, para daw kaming kambal.
Nandito pala kami ngayon sa tindahan namin. May sari-sari store kasi kami.
"Si Kaye?! Ooooooooooh." manghang mangha kong sagot.
Siguro iniisip niyo na si Tyler yung sinasabi kong crush ko no? Well, hindi.
"Gga. Sino katabi ko ngayon ha?" sabay tingin saakin.
"Ehhhh? AKO?"
"Sino pa ba?"
"Uhm, wala na.. unless.. Oy! sino yang nasa tabi mo?"
takot na tumingin si vannessa sa gilid niya pagkatpos, sinapok niya ako.
"Aray! Grabe ka naman."
"Ikaw kasi eh! ugh, nakakainis."
"Tseeee!"
"Pero seryoso, ako talaga? weh? di nga?" ako. di parin ako makapaniwala.
Di ko akalaing magkakaron ng crush si Tyler. Weirdo yun eh. Pinakatahimik sa klase. Lagi lang din yun asa sulok ng room minsan tulog, minsan nakatunganga lang.
"Oo nga. Katext ko siya eh" Vannessa.
"Ah, okay." eh ano tong naramdaman ko? Weird ulit.
"Gusto mo bigay ko number mo sakanya?" Vannessa.
"Huh?" sabi ko kay Vannessa habang medyo gulat talaga.
"Malay mo! Start na to ng lovelife mo.." aba at may kilig kilig motions pa tong pinsan ko ha
"Eh.. ikaw bahala" sabi ko naman. Malay mo nga eto na yung start. Di masamang umasa.
--
Kinagabihan..
*beep beep* 1 new text message
From: 0922*******
Hi
Huh? Sino to? Mareplyan na nga lang.
To: 0922*******
Sino po sila?
From: 0922*******
Si Tyler to. ^^
