December 14, 2012
Christmas Party na namin mamaya. Naeexcite na ako! Naka simpleng jeans at class shirt lang naman ako. Mas okay na to. Kesa yung maglalaro ka ng nakadress or what.
Tungkol nga pala kay Tyler. Ayun, ilang buwan niya na rin akong nililigawan. Kaso, hindi alam ng parents ko. Patago lang. Hahayaan ko munang ganito hanggang sa makahanap ako bg tyempo. Strikto kasi parents ko eh.
At sa feelings ko sakanya. Ewan ko ba pero napakasweet niya kasi at nahulog na ako sakanya. At alam niyo ba? Sikreto lang to ha. Pero.. balak ko na siyang sagutin mamaya. Pero hanggang MU lang muna. Kasi ayaw ko yung talagang relationship kaagad. Hindi pa ako ready.
-------
Bigayan na ng gifts. Binigay ko na yung akin sa nabunot ko at sa mga kaibigan ko.
Nagulat ako ng bigyan ako ni Tyler ng isang pink na teddy bear. Ang cute cute!! Itatabi ko to sa pagtulog ko. Yayakapin ko sana siya para magpasalamat kaso nahiya ako eh. Dibale, itetext ko nalang siya mamaya.
"Chloe, will you be my girlfriend?"
"Oo Tyler. Pero MU muna ah?"
"Okay lang. Yes!! I love you Chloe. Thankyou."
Biglang tumunog yung phone ko kaya muntikan na ako mahulog sa kama
Tyler calling..
"Hi baby. Wala lang. Sasabihin ko lang na ingat ka. Mahal kita."
pagkatapos nun binaba niya na kaagad. Nakakainis di niya manlang ako pinasagot pero kahit na napangiti parin ako dun.
"Ingat ka rin Tyler. I love you too."
First time ko yun ireply sakanya kaya ayan. Kinikilig na pati yung cells ko.
Matapos nun natulog na kami ng may mga ngiti sa labi.
