" Ui ! Sagutan mo naman to "

767 35 20
                                    


 May pasok na naman. Nakakatamad pumasok. Dapat nga matuwa ako kasi makikita ko na naman sya. Pero unfortunately ayoko. Ayoko syang makita. Ayokong makita silang magkasama lalo na't next week is February 14 na, and it means Valentines Day na.

Ang balita magkaibigan lang daw sila pero kung mag turingan akala mo sila. Nakakakainis. Magkaibigan na nga lang sila wala paring progress sa amin. Hay! Kailan kaya ako mapapansin ng crush ko. It almost 5 years ko na sya crush.

Yes 5 years. 5 years of stupidity to him. Simula elementary kilala ko na sya, magkaklase pa nga kami minsan nagiging seatmate ko pa sya and unti unting nagugustuhan ko sya dahil sa ugali nya and nadevelop ng tuluyan ang feelings ko nung grade 6 hanggang sa tumagal na, na kahit ngayong Senior High na kami o 4th year high school kami.

 Progress? Hahahaha. Ni ha, ni ho. Walang pagbabago. Kamusta naman sya? Ayun hindi ako pinapansin dahil busy sya sa kaibigan nya. Ay! Mali pala. Pinapansin pala ako tuwing may pinapasagutan sya sakin. Kawawa naman ako diba? Pinapansin nya ako dahil lang sa isang bagay.

 Alam nyo kung ano? Mga MATH equations lang naman, mga math problems basta all about math. Magaling naman sya sa Math pero ewan ko kung bakit ba sya nag papatulong sakin. Baka gusto nya talagang ipamukha saking nerd ako? Hahaha. Yes nerd ako pero hindi ako yung nag susuot ng mga glasses and braces. Sadyang mahilig lang ako mag basa ng kung anu-anong libro. Kaya napagkakamalan akong nerd.

 Oo matalino rin ako sa Math. BEST in MATH pa nga ang naituturing sakin . EVERY YEAR . HAHAHA -____- Pero ganun rin sya -- especially ngayon dahil ako ang nagsasagutan ng mga kailangan sagutan para sa kanya. Pero nung elementary sadyang best in math na talaga kami.

 Pero ang isang tanong lang sa Math na hindi ko masagot is anong equation ng PUSO nya para maitugma ko sa PUSO ko at para PERFECT MATCH na kami diba? Kahit value man lang ng x para sa kanya ako ng bahala kung anong value ng y. Para alam ko narin kung y nya ako hindi napapansin? or mas chance bang mapansin nya ako? Pero wala lahat nagawa ko na. Hindi talaga pwede magsama ang apoy at tubig, kahit ang aso at pusa. Wala na talagang pag-as. Haaay!

 " Iniisip mo na naman sya no? "

 " Ay! Kabayo. Ano ba bat ka ba nang gulat ? " tanong ko sa kaibigan ko na si Alex. Alex is my friend, no, my TRUE FRIEND since nung pinanganak ako at pinanganak sya. Magkama na kami mula bata palang kaya alam na namin at kilala na namin ang isa't isa.

 " Sus . Iniisip mo na naman ang Prince Charming mo. " asar na sabi ni Alex sakin. Kilala nya rin at kilala ko rin ang mga crushes namin. In short no secrets kami sa isa't isa.

 " Ewan ko nga sayo. " nasabi ko nalang sa kanya at kinain ko na ang sandwich na binili ko sa canteen kanina. Hindi kasi ako kumakain sa bahay namin. Masyadong kasing nagmadali kanina tapos malalaman ko nalang pagdating ko sa room na walang teacher kasi absent? Nakakainis diba.

 Lamon lang ako ng lamon habang si Alex kinokopya ang sagot ko sa assignment sa Math ng hindi man lang nag papaalam. Pero nasanay na ako sa kanya na ganyan. Hahahaha. Mag kaklase kami nyan --- obviously magkasama nga kami sa room diba. Nasa unahan ko sya pero minsan  nakikipagpalit sya ng pwesto sa mga katabi ko, kung minsan naman ay natalikod talaga sya pero pag labas na labas ang guro at paglapat ng paa ng guro sa sahig para syang transformer dahil sa isang iglap nakaharap na sayo anv upuan nya at nagsisimula ng nagkuwento.Then ang katabi ko ay yung crush ko na si -----

 " SHARLENE " rinig kong sigaw sa magandang pangalan ko.Sino naman kaya yung natawag sakin? At ang lakas pa ng boses ha.

 Hindi ko pinansin yung sigaw. Basta ako kain lang ng kain dito. Yum Yum. Hihi. Baka kasi pinag tri-tripan na naman ako. Hay naku!

Ui ! Sagutan mo naman to! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon