Final Dream

647K 27.4K 42.9K
                                    

Final Dream

"Gustong-gusto mo talaga ang mga cherry blossom 'no?" nakangiting sabi sa akin ni Caleb habang naglalakad kami sa gitna ng hile-hilerang mga cherry blossom tree.

Malamig ang panahon pero hindi ko maramdaman ang ginaw. Siguro dahil mahigpit niyang hawak ang kamay ko.

"Ba't kasi wala nito sa Pinas," sabi ko sa kanya.

"Okay lang, meron namang isang Caleb sa Pinas," pabiro naman niyang sagot sabay kindat.

Hinampas ko siya sa braso.

"So ganun? Pwede kang i-sight seeing ng mga tao?"

"Ng mga girls," at kumindat ulit siya.

Sinimangutan ko siya.

"Joke lang!" hinila niya ako papalapit sa kanya at inakbayan niya ako. "Hanggang tingin lang naman sila eh kasi ikaw lang ang pwedeng humawak sa akin. Ikaw lang, wala nang iba."

"Drama mo."

"I love you too."

At bago pa ako makasagot, naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

Para akong kinukuryente. Parang bumilis bigla ang pag-ikot ng mundo ko. Parang may fireworks na sumasabog sa puso ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

Ang saya.

...

...

...

Bigla akong napadilat at napabangon.

Panaginip lang.

Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang palad ko.

Nakakainis naman.

Inalis nga ni Dream Goddess ang kakayahan kong makapag-lucid dream, pero gabi-gabi naman si Caleb ang nasa panaginip ko.

Iba-ibang lugar.

Iba-ibang sitwasyon.

Sa loob ng anim na taon, lagi niya akong dinadalaw sa panaginip ko.

Oo. Anim na taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng 'yun.

Ayokong paniwalaan ang side effect ng curse ni Dream Goddess. Pagkagising ko, agad akong pumunta sa ospital kung saan naka-confine si Caleb. Pero wala na siya roon. Nakaalis na sila ng mommy niya.

Sinubukan ko siyang hanapin sa social media pero hindi ko siya makita.

Lagi akong nag-iikot at umaalis mag-isa. Umaasa na baka makasalubong ko siya sa daan. Na baka makita ko siya. Pero wala. Hindi nangyari 'yun.

Kasi totoo talaga. Hindi na pwedeng magtagpo ang mga landas namin. Hindi na kami magkikita kahit pa hanapin namin ang isa't isa.

At mukhang hindi rin naman mangyayari na hahanapin ako ni Caleb dahil burado na ang existence ko sa alaala niya.

Ilang beses kong sinubukang mag-move on. Sinubukan ko pang pumasok sa isang relationship pero hindi nag-work out.

Paano kasi, gabi-gabi kong napapaniginipan si Caleb.

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon