1.

11 2 0
                                    


Brianna's POV

"Hey rian! Ano ba? Hatak ka ng hatak!" iritang sabi ni Jessy, my bestfriend.

"Dalian mo nalang kasi kesa magtanong ka pa! Baka hindi na natin maabutan ang iniirog ko." Biro ko, pero totoong hinahabol or should i say hinahanap ko si Brett! I wasn't able to see him since the class was started. Ang alam ko magkaklase kami pero hindi siya pumasok.

"Baka naman hindi pumasok si Brett! Gutom na ko kaya umuwi nalang tayo!" maktol niya.

"Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakita! Please, samahan mo muna ko. Hindi naman nakakamatay ang malipasan ng gutom ng ilang oras no! Tsaka kakakain lang natin kanina." sabi ko habang patuloy padin sa paghatak sa kanya.

Last day na ng pasok ngayon dahil Christmas break na. Baka ilang linggo kong hindi makita si brent kahit na magpunta pa ko sa bahay nila. Hindi naman kasi ko pinapapasok sa gate nila. Nakakaiyak!

"Dalawang oras rian! Dalawang oras na tayong naghahanap at paikot-ikot sa malaking school na to pero wala akong nakikita na Brett! Jusko lang puro kalyo na nga paa ko, ginugutom mo pa ko!" sabi niya, bakas ang inis, galit at irita sa boses niya.

"Tama!" halata namang nagulat siya sa biglaang pagharap ko at pagsigaw. "Tara! Bibili tayo nang pagkain." sabi ko, nagningning naman ang mata nito at nauna pang maglakad papunta sa parking area.

---

"What? You mean, isasama mo pa ko sa pag-aantay sa labas ng bahay nila para lang makita siya? Mygulay! Kaya ba bumili ka ng sandamakmak na pagkain?" gulat na sabi niya. Tatango-tango naman ako habang nakangiti. "Ayoko!" dagdag niya sabay pinagkros ang braso, napasimangot naman ako.

"Best friend naman! Sige na, suportahan mo naman ako. Imagine i am not able to see him for 2 weeks, naiisip ko palang na hindi ko na nga siya makikita sa loob ng dalawang linggo tapos hindi ko pa siya makikita ngayon parang nadudurog na ang puso ko." malungkot na sabi ko.

"Hay!" malakas na buntong hininga niya, pilit ko naman pinipigilan ang pagngiti ko kasi mabubuko ako na umaarte ko. "kahit naman kasi ako si brent at katulad mo ang stalker ko baka hindi na rin ako magpakita sayo. Nakakatakot ka na kaya. Kulang nalang pati pag tae niya alam mo!" sabi niya sabay irap.

"Actually alam ko." ngiting-ngiti na sabi ko.

"alin?" takang tanong niya.

"Ang oras nang pagtae niya." sabi ko sabay tawa ng malakas

"Yuck! Tara na nga! basta huwag kang kakain nitong pagkain ah!" sabi niya pa.

"oo na po! Ang takaw mo talaga, kaya ka tumataba ng husto eh!" promise, ang taba niya talaga. May waves na nga sa tyan niya eh, umaalon kahit naglalakad lang.

"Aba! huwag nalang kaya kita samahan?" taas-kilay na sabi niya.

"biro lang, ito naman. Ang sexy kaya ng bestfriend ko!" biglang bawi ko. Ismid lang ang tinugon nito sakin kaya napatawa ko.

---

"Briana! Hanggang anong oras ba tayo dito?" tanong ni jessy. Almost 10 pm na din kasi pero ni anino ni brent hindi pa namin nakikita. Nakakalungkot talaga.

"gusto mo na bang umuwi?" mahinang tanong ko.

"Oo!" singhal niya kaya napabuntong hininga ako. "tsaka girl malay mo naman um-attend sa christmas party si brett bukas." bawi niya. Napangiti nalang ako ng tipid.

"Sana nga jess." i said.

Hinatid ko muna si jessy sa condo niya bago ko dumeretso nang uwi sa bahay namin. Agad naman akong sinalubong ng cute na cute kong alaga.

Stalking A Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon