Briana's Pov
"Nay naman, kailangan ko ng umalis talaga!" reklamo ko kay nanay elen. Nandito pa kasi ko hanggang ngayon sa bahay at kamusta naman dahil alas-singko na nang hapon at nandito padin ako sa bahay.
Peste naman kasi talaga, ang pagbe-beauty rest ko ay nauwi talaga sa mahabang tulog. Alas-tres na ko ng hapon nagising. Natagalan pa ko sa pamimili ng susuotin ko at pag-aayos sa sarili.
"Kumain ka muna kasi, kaninang umaga hindi ka na nakakain at hindi maganda ang ganyan. Akala mo ba maganda sa babae ang payat? Mukha ka ng poste sa payat mo anak." hindi ko alam kung iniinsulto ko ni nanay o ano. Naiiyak na ko sa inis kasi kahit gusto kong umalis nalang basta ay hindi ko magawa, respeto nalang kay nanay elen kung gagawin ko yon no.
"konti lang nay ah, ayoko naman magmukhang butete dahil sabi mo nga ang payat ko tapos baka pag niramihan ko kain ko baka lumaki tyan ko." nakangusong sabi ko. "Tsaka nay sexy ako! Sexy! Can't you this curve?" dagdag ko pa habang hinahagod ang bewang ko pababa sa balakang ko, tinawanan niya lang ako kaya napasimangot ako.
Dali-dali akong umupo at humarap sa pagkain na nasa lamesa para makaalis na ko agad. Mygulay! Alas-dose pa ng tanghali nagsimula ang christmas party pero ano ng petsa ngayon? Sana lang talaga may abutan pa ko, pero kahit wala na kong party na abutan basta makita ko lang si brett ay masayang-masaya na ko.
Inabot ako ng sampung minuto sa pag-ubos ng pagkain na hinain sakin ni nanay elen at muntik ko pa ngang makalimutan uminom ng tubig dahil sa pagmamadali, buti nalang at pinaalala sakin ni nanay na uminom muna.
---
Mabilis lang ang naging byahe ko papunta ng university dahil wala namang traffic at gusto kong lumuhod sa parking lot sa sobrang pasasalamat dahil nakita ko sa parking lot ang sasakyan ni brett.
Nilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si jessy ng marinig ko ang boses nito sa di kalayuan. Agad naman akong lumapit dito.
"Waaaa jess---buti nalang nandito ka pa. Napahaba ang tulog ko." naiiyak na sabi ko.
"Ang o.a mo talaga besfren! Pasok na tayo at para kahit sa kainan manlang ay makaabot ka!" mataray na sabi niya, nakasunod naman ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Hindi ko mapigilan ang magpalinga-linga dahil isang tao lang naman ang gusto kong makita kaya ako pumunta ng party na to eh.
"jess" tawag ko sa kaibigan ko.
"Bakit?" tanong nito ng hindi parin lumilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Did you see him?" tanong ko sa kanya.
"yea." kaswal na sagot niya, hindi niya naman kailangan itanong kung sino ang tinutukoy ko dahil malamang kilalang-kilala na niya kung sino ang hinahanap ko. Tatanungin ko na sana siya kung nasan si brett ng humarap siya sakin. "There they are!" sabi niya at may inginuso sa gilid malapit sa kinatatayuan namin. I froze for a moment when i saw him, His smile makes my lips parted.
'Ang gwapo mo lalo! But wait did she just said they? His with someone, but who?'
nangingiting usal ko sa isip. Pero kasabay ng pagtingin ko sa mga taong kaharap niya ay ang pagkawala ng ngiti ko. May kaharap siyang lalaki at masayang-masaya silang nag-uusap, katabi nito ang isang matangkad, maputi at sexy'ng babae---si trisha.
I saw a smile forming to his lips while looking at her. Halatang masaya siya dahil sa taong kaharap. Hindi naman pwedeng yung lalaki ang dahilan ng ngiti niya dahil nakatutok sa mukha ni trisha ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Stalking A Cold Guy
RomanceStalking is hard. She'd been a stalker for 5 years. Is a cute girl would be notice when there's a lot of hot and beautiful girls around him? Will she be able to make him fall for her? We better find out.