Fourth

6.6K 353 2
                                    

"Bakit ang sarap lagi nito?" nakangiting tanong ko kay Andie. Nandito kami ngayon sa labas ng mansiyon, having breakfast. Nakailang pilit pa nga ako bago siya pumayag sa sabayan ako. Matigas talaga ang ulo. "Kailan kaya papalya ang lasa nito?" I raised a brow teasingly. I'm obviously pertaining to her coffee.

"Na-natural na sa akin ang magtimpla kaya malabong pumalya." Medyo nauutal na sagot niya sa kabila ng pagiging pormal ng expression.

I took a sip at kumagat sa sandwhich na siya rin ang naghanda. Nakakarami na yata ako. Ang sarap, eh. I could kiss her right now, kung wala lang kami sa labas. Mas gusto ko kasing kaming dalawa lang. I feel like I'm keeping something precious dahil kami lang ang nagkakaintindihang dalawa.

"Smile naman, Andie," I smiled and pabirong sinundot siya sa tagiliran. Mabilis naman siyang nag-react. "Uy, may kiliti siya, oh..."

"S-Samantha naman, eh." Kumunot ang noo ko nang iusod niya ang kanyang upuan palayo sa akin.

"Hey, come here," agad na sabi ko. Hindi naman siya gumalaw. "That's an order."

Wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. Napangiti naman ako ng matamis na ikinaiwas niya ng tingin. "Kumain ka lang." I said.

Nanahimik naman siya at naging busy sa pagkain. Ako naman ay nagbasa na lang muna. Pero siyempre, panakaw-nakaw pa rin ako ng tingin kay Andie. Kapag napapatingin ako sa kanya ay parang naka-program na sa utak ko ang ngumiti at makaramdam ng kakaibang warmth.

I felt like I'm under some spell. Hindi ko na naman maalis ang tingin ko as her lips move. I mentally smacked my head at pilit tinutok ang sarili sa librong binabasa. Was I already turning into some crazy pervert? Why did I feel like I have to kiss her?

"Samantha?"

"Y-yes?" Mabilis na napatingin ako sa kaniya. "Bakit?"

"A-ayos ka lang?"

Dumako ang tingin ko sa mata niya, pababa sa ilong...sa labi. "I want to kiss you."

In a second ay mas naging pula pa siya sa kamatis. Bakit feeling ko ang sama ko for making her uncomfortable? For getting so dominant? But I can't seem to stop myself.

"P-pero l-lagi mo akong..." Naging magalaw ang tingin nito, natataranta.

"Hmm?" Ugh! Just how long will she going to be this cute? Pigil na pigil akong huwag siyang sugurin ng halik at yakap dito. I'm going insane because of her!

"A-ano...w-wala." Halos nanginginig niyang hinawakan ang tasa ng kape at maingat na ininom. She sighed slowly pero hindi naman nagbabago ang bilis ng heartbeat niya. She bit her lower lip hard. "Andie, relax," mahinang bulong niya sa sarili pero rinig na rinig ko naman.

Nakuyom ko ang sariling palad. "Andie, stop doing that."

I've been kissing her now and then simula nang sinabi kong walang pwedeng ibang humawak sa kanya maliban sa akin. I should have enough, but why was I still craving for her lips? Why I want her more than her lips?

"Sorry." Mahinang usal nito nang ma-realize ang ginawa.

Napahinga ako nang malalim. Nakagat ko na rin ang ibabang labi. "Andie."

"Hm?"

I looked at her. Alam ko naman ang sagot kung bakit nararamdaman ko ito. Pero hindi ako makuntento. "Do you like it when I'm kissing you?"

"H-ha? Ah, eh..." Mabilis ang pagpula ng mukha nito na umabot hanggang tainga. Wala rin sa sarili na nakagat niya ang ibabang labi. Napapikit ako saglit nang mariin, pilit hinahabaan ang pagpipigil na meron ako. She nodded shyly. "O-oo." Nahihiyang nagbaling siya ng tingin sa akin. "G-gustung-gusto."

Coffee With Samantha West (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon