Last

10.4K 479 37
                                    

"Wow..."

Ngiti ang isinagot ko kay Andie kahit na hindi naman sa akin nakatuon ang attention niya. Maghang-mangha niya kasing nililibot ang mata sa malawak at malaking Knight University. Who wouldn't be amaze, lalo na kung masyadong high class at mitikuloso ang pagkakagawa sa bawat gusaling narito.

I squeezed her hand gently. Maang naman na napatingin siya sa akin. Namula. "So-sorry, natuwa lang," nahihiya sabi nito.

I chuckled. Maingat ko siyang hinila palapit at masuyong hinalikan ang noo niya. "Okay lang 'yan." Nagsimula na kaming maglakad? "Halika, dadalhin kita sa Student Council. May mga ipapakilala ako sa iyo."

"Sino?"

"My friends."

"Sam!"

I was warmly welcomed by the twins pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto. Inaamin kong nakaramdam ako ng kaba nang una at medyo naninibago rin pero nang makita ko sila...kaagad nawala yung hesitation ko.

Napangiti ako nang mahigpit akong niyakap ng kambal. Para pa rin silang bata kung mangunyapit sa braso ko.

"Na-miss ka namin ni Len!" Rin pouted at me.

"Hm-mm," Sang-ayon naman ng isa.

Sa sobrang aliw ay ginulo ko ang mga buhok nila sa kanilang ikinahagikhik. "I missed the both of you, too. Baby ko kayo, eh."

"Welcome back."

I looked at Adrienne and smiled, nakaupo siya ngayon sa puwesto ko ng pormal but her uniform said otherwise dahil wala man lang kaayu-ayos. Ano kayang ginawa niya?

"Yeah." Maybe I'm going to thank her later for convincing me na bumalik. Bumaling ang tingin ko kay Diamond na as usual, nakatambay pa rin malapit sa bintana. Itinaas niya lang isang kamay para ikaway sa akin, acknowledging me. I just shrugged my shoulder and chuckled.

My gazed turned to Asha. Para naman itong batang naglakad papunta sa akin at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi. She pouted and mahinang tinapik ako sa balikat. "Ang tagal mong nawala!"

"Sorry na." I kissed her forehead and smiled sweetly. Bumitaw na siya sa akin. And lastly... "Elisse."

Mula sa couch na kinauupuan ay tumayo siya at lumapit. I tried to observe myself but I felt nothing special. Hindi na tulad noon. Maybe because someone already took her place. Napangiti siya sa akin na sinuklian ko ng mas matamis pa. Sa kanilang lahat, si Elisse lang ang nanatiling pula ang mata.

"How are you?" she asked. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. Sobrang tagal na rin pala. Yumakap siya sa akin nang mahigpit, showing how much she missed me.

"I'm definitely fine." masayang sagot ko, "May ipapakilala nga pala ako." Excited kong nilapitan ang kasama ko na hanggang ngayon ay nakatayo lang malapit sa pinto at nangingiting napapatingin sa lahat. Pero nang matuon ang attention namin sa kaniya ay automatic itong namula. I held her hand and possessive na inakbayan siya. "She's Andie."

Naunang lumapit at animo'y close na close na yumapos ang kambal sa kanya. Para namang biglang nataranta si Andie at patuloy na namula.

"Hello, Andie! I'm Rin, color blue ang mata ko. Tsaka, look, oh," Ipinakita nito ang buhok. "May blue highlights yung hair ko."

"Ako naman si Len," Bati ng isa at humagikhik pa. "Cute mo naman! Almost violet na po mata ko. Tsaka I have pink hair highlights. "

"N-nice to meet you, Rin at Len." nahihiya ngunit masayang sagot naman niya, "Andie na lang.

"Adrienne." Pakilala naman nang babaeng nag-o-occupy ng puwesto ko. "And she's my girlfriend," Itinuro niya si Elisse na nasa harapan ko lang din. "She's Elisse."

Coffee With Samantha West (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon