Chapter 1: That's mine

232 11 3
                                    

Chapter 1: that's mine

Glydel Pov

NAKAHIGA ako sa kama ko ngayon habang nakikinig ng kanta,nag iisip ako sa pwedeng mangyari dun sa libro na nawala ko. Eh kay beshy ko kasi yun patay na! Habang nagiisip ng paraan ay nakarinig si glydel ng busina ng kotse sa labas. Luh? Sino yun? Si mommy? Napatayo naman sya sa kama at sumilip sa bintana. Tinanggal nya muna yung earphone nya at hinagis iyon sa kama,ng makita nya kung sino..Yay! Si mommy? Dali dali syang bumaba at sinalubong ang nya ito sa pintuan.

"Oh bat ka natakbo?" Sabi naman ni kuya habang nanonood sa salas.tinignan ko lang sya at sinalubong na si mommy.

*Ding Dong*

"Kuya! Si mommy naandito na"
Nakita ko syang buisy sa panonood ng basketball,nagtatalon pa ng malaman nyang nananalo ang ginebra-___- ang adik nya dyan!psh. Bahala sya

Binuksan ko yung pintuan at nakita ko si mommy na may kasamang lalaki, sino sya? Kasing edaran nya din ee.

"Good afternoon mommy" nginitian naman ako ni mom,at niyakap ako .

"Kamusta ka anak? Kumain kana ba?" Nagpritensya sya na paupuin ang lalaking kasama.

"Opo mommy. Kasabay ko si kuya" Nilapitan ako ni mommy.

"Anak? Favor?pwede?"

"Ano po yun?"

"Bumili ka lang ng libro na kakailanganin ko sa office ko bukas, ililista ko nalang"

Bigla naman naalala ni glydel na kailangan nya rin pala bumili ng librong nawala nya,isasabay nalang nya. Ay! Yung libro nga pala no beshy!

"Sige po mommy,tamang tama kasi bibili ako sa bookstore!" Umakyat na ako sa taas para magpalit ng damit.

"Faster anak"




NAGSUOT ako ng dress at nag laser na itim,pababa nako ng hagdan ng biglang dumaan si kuya. May hawak na namang potchi?! Ang daya ni kuya! Sinimaan naman nya ako ng tingin,habang nginunguya dahan dahan yung kendi.

"Ingit ka?" Lakas topak neto talaha kahit kailan. Siniringan ko lang sya.

"Hoy kuya! Don't me!" Bineletan ko lang sya "bibili ako nyan sampung balot pa! Di kita bibigyan bleh" napailing naman si kuya sa sinabi ko .

"Bibilhin ko factory nila. Haha " umakyat na sya sa taas habang kumukuha na naman ng panibagong potchi sa bulsa nya. Kahit kailan talaga oh! Oo! Mapangasar talaga.

Pagbaba ko,nakita ko si mommy na kausap yung lalaki,napatingin naman sya sakin at nginitian ako nginitian ko lang din.

"Nak oh,yung volume 3 ang bilhin mo ha. I just keep the money on your bag yesterday kaya kunin mo nalang diyan" tinignan ko yung listahan na ibinigay sakin ni mommy. Tatlong klase.

"Alis na po ako"







Habang naghahanap ako ng libro,napaisip ako dun sa lalaking kasama ni mommy. Kasi parang may pinagplaplanuhan sila about marriage eh..Di kaya..oh my ghod mommy!napatakip naman ako ng bibig sa naisip ko. Eh..malay mo? Maya balak silang magpakasal? Tapos nahihiya silang sabihin sakin..na baka magalit ako..ghoddddd! Diko keri itech! Tinapik tapik ko yung pisngi ko para mawala ang ulirat ko.

Ng mahanap ko na yung libro ni mommy,sunod ko namang hinanap yung kay beshy ko.
Sino bang author nun?...nakalimutan ko..dahan dahan akong tumitingin isa isa sa mga libro.

"William..william? William ano ba yun?!" Napakamot tuloy ako ng ulo. Alam ko yung title kaso..wala eh!
Diko makita halos dalawang oras nako dito. Kainis. Tanong ko kaya sa counter?

"Miss? Meron po ba kayong mga libro ni william...william...? Smith bayun? Y-yung..yung..yung legend of the blue sea?" Meron naman sana dito oh! Kailangan ko talaga magagalit si beshy sakin kapag diko naisoli sa kanya yun. Love na love nya daw yun ee.

"Uhm..ay miss. Naunahan kana nung isang lalaking bumili kaninang umaga dito" nilabas naman ni ate yung libro yay! Yan nga yun.!

"Eh? Ate? Pwedeng ako nalang bumili nyan? Kailangan ko kasi talaga ee. " Pagmamakaawa ko dun kay ate,naiilang pa syang sagutin ako at nagkamot pa ng ulo.

" sorry miss pero nabayaran nato e. Naunahan kana ni mr.pogi"

"Mr.pogi? Sino naman yun? Sigurado akong panget yun! "

Bigla namang napailing si ate ng marinig ang sinabi ko. " naku miss hinde, mali ang akala mo. Sobrang gwapo nya! Nikikilig nga ako eh!" Nagsititili naman si ate. Luh! Nabaliw na haha!

"Nye? Akin nalang po kasi ate..kailangan na kailangan ko na kasi..dadagdagan ko nalang po yung bayad"

"E-eh maam..di talaga p-pwe---"

"Get out"

Bigla namang nagulat si ate.
"Ayy mr.pogi ikaw pala"
Humarap naman ako sa nagsalita

"Nauna ako"

"Oo alam ko pero mas kailangan ko naman, Ibigay mo nalang sakin" sinamaan lang ako tingin at dumerecho dun sa counter at kinuha ang libro. Aba'y! Napaka isnober ng lalaking to ah! Ako di nya pinansin?sa ganda kong to? Psh.
-___-

"Hoy! Hoy kumag ka! Ibigay mo na yan sakin!"  Humarap naman sya sakin habang naka salubong ang dalawang kilay nya.

"A-anong sabi mo? K-kumag ako?" Ang sama naman ng tingin nya sakin humakbang syang para lapitan ako.

Oh no! Di nya ata nagustuhan yung sinabi ko! Umatras naman ako ng bahagya sa kanya. Baka ano pa gawin sakin eh!

"Niloloko lang kita! Ang uto-uto mo naman!" Nakanguso kong sabi sa kanya..pero ang tigas nya!lumalapit parin sya dahan dahan sakin.

"Di lahat ng bagay joke,wag kang patawa kekok" tumigil naman sya at tiniianan naman nya ang noo ko.

"Aray! Ano ba? "

"Tss"

"Masakit yun ah! Tsaka..anong..kekok ka dyan?!" Nakakaasar to! Sabing niloloko lang eh! Binelatan ko naman sya.

"Pandak. "

"Ano?!"

"Pandakekok. In short kekok" ngumisi naman sya ng nakakaloka! Yay! Nakakainis to! Anong karapatan nya?

"Kumag ka naman! Bleh"
Tinignan ko naman yung librong hawak nya..luh bess sorry nasa kanya eeh. Naunahan nako ng kumag nato. Siniringan ko naman sya. 

"Gusto mong sayo nalang to?" Itinaas naman nya ang hawak nyang libro. "Oo! Akin nalang plsss!"

"Krung krung ka talaga. -__- "

"Aish! Ano? Akin nalang?" Pagmamakaawa ko.sinubukan kong abutin yung libro kaso mas lalo nyang nilalayo. Hayysh.
"Kumag ano ba!".

"Bakit ko naman bibigay sayo to?eh..akin na TO" pumuwesto syang kumuha ng pera sa wallet nya,kaagad naman nya sana itong ibabayad sa cashier ng bigla kong hawakan ang kamay nya at pinigilan ko.

"Teka saglit! Wag mo munang bayaran!" Inalis naman nya ang kamay ko,at tinignan ako ng what are you doing look.

"Kung gusto mo makuha to,bumili ka ng sayo" rumihistro na syang lumabas ng store,ng mapansin kong naiwang nya yung panyo nya,hahabulin ko sana para ibigay sa mokong nayun pero nakaalis na.

Napatingin naman sya sa panyong hawak nya.." Kyle yohan.." ito ang pangalan nya?
Napatingin naman ako kung saan sya lumabas..

Ikaw pala si yohan..



------
A/N : haha. Ngayon lang ako nakapag update! Super buisy ko kasi tsaka di madaling mag type at magisip! Haha. So hinabaan ko talaga tong chapter one! Bilang pambawi ❤ bukas nalang uli ang update:) labyah! ❤

The 2 Cold Hearted-Guy [ON-GOING]Where stories live. Discover now