Game?

69 0 0
                                    

-SHORT UD LANG 'TO :) -

**nagstart na ang game ng LS pero wala pa ding kinakausap si Tin. Nag-aalala na sila Luz at Gian sa kanya kasi sila lang ang nakakaalam ng nangyari.**

Starting 5 for La Salle:

Gian, Luz, Jessey, Lorr at Gail.

(off the bench si Tin na ikinagulat naman nila)

Gian: Coach, bakit po hindi starter si Tin?

Coach: Masama daw pakiramdam niya. Titignan pa daw niya kung kaya niya maglaro.

Gian: Ahh. Okay po Coach.

**nagstart na ang laro.. Malaki ang lamang ng LS sa kalaban nila. Si Tin naman hindi pa nakakapag-decide kung maglalaro siya. Hindi nagtagal, naabutan na ng kalaban ang score ng LS. Nagtime out si Coach Tony**

Coach: Girls. Anong nangyari? Diba kanina lumobo na yang score?!!? Bakit ngayon dikit na?! Luz at Lorr, umupo muna kayo kung magbabangayan lang kayo!!

(si Gian naman lumapit kay Tin)

Gian: Tin, maglaro ka na please? Hindi namin kaya kapag nagpatuloy na magaway sila Lorr at Luz.

Coach: Mai, get in. Luz, out. Tin kaya mo ba?

Tin: (tumingin kay Gian na nag-nod sa kanya) Yes Coach.

Coach: Good. Get in, Lorr out. Mag-usap kayo ni Luz. Ayusin niyo yang away na yan.

**back to the ball game. Halata naman kay Tin na wala siyang gana sa laro.. Lumamang na ang kalaban. Pagdating ng halftime, galit na galit na ang coach nila dahil sa pinapakita nila sa game. Natapos ang game at natalo ang LS na hindi naman inaasahan ng Team Bene.**

Coach: Mukang sayang lang ang binyahe natin ng malayo dahil nagpatalo lang kayo. Lor at Luz, diba sinabi ko na ayusin niyo yang away na yan?! Simula ngayon partner na kayong dalawa sa lahat ng drills. Ikaw naman Gian, sa susunod, ayusin mo naman yung pagboxout! Kapag wala kang bantay, go hard!! Gail, anong nangyari sa rebounds? Jessey at Mai! Kayo yung shooters diba? Bakit hindi kayo pumupukol?? Ikaw Tin? Diba sinabi mo kaya mo? Eh bakit pati pagtakbo para sa defense hindi mo magawa? Dapat sinabi mo na lang na hindi mo kaya.

**tahimik lang ang LS habang pinapagalitan ng coach nila**

(umalis na si Coach at tahimik lang sa dug-out)

**pagka-alis ng coach nila, nagbihis na sila at nagready na para umuwi**

**Sorry sa short UD, writters block eh :( anyway, Happy Birthday to the one and only Ara Galang! <3 "

Stranger Than Fiction. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon