Minsan naiisip ko, sana ako nalang yung nakipag-break sa kanya. Yung pwede kong palabasin sa tao na sya yung dahilan, sya yung nagkulang, sya yung may kasalanan. Yung ako naman yung magmumukhang nang-iwan at sya ang nagbigay ng dahilan para iwanan. Yung hindi ako yung iiyak habang sinasabi ko sa kanya na, “It’s over.” Yung sya naman yung masasaktan ng sobra at mag-iisip kung saang punyetang parte ng relasyon nyo ikaw hindi nagging sapat. Yung sya naman yung dehado.
Minsan, no, scratch that, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba yung naramdaman nya nung sinabi ko sa kanyang “Wala na tayo.” I’m always wondering that. Hindi ko matanong sa ibang babae, kasi iba sya eh… I know she isn’t like any ordinary girl na iiyak lang ng iiyak, kunyari naka-move on na pero deep inside, pinapaniwala lang nila ang sarili nila na nakausad na sila. At once na makita nila ang ex nila na masaya na sa iba, ay iiyak nalang ulit hanggang sa umikot na sya ng umikot sa konsepto ng moving on. She’s not like that. She’s one hell of a woman. She’s brave. And that’s the first thing that made me fall inlove with her.
We were happy. Masaya kami sa isa’t-isa. Oo, alam kong isa lang ang meaning ng masaya pero nagkakaroon ng bilyong-bilyong kahulugan bilyong-bilyong kahulugan yun pag kasama ko sya. Tangina, ba’t ko ba binabalikan pa? Binabalikan na ba agad pag ganun? Di ba pwedeng… inaalala lang? So yea, happy times were when I’m with him, eons ago. These days, the only happy time is eating time.
Pucha, ako lang ata ang nag-iisang lalaking naa-attract sa babaeng mahilig video games, brutal movies, maingay at hindi sweet. Aminin na nating lahat, na mata ang unang umiibig. Alangan namang makakita ka ng mukhang kuto dyan sa tabi-tabi, eh mahal mo na agad. Hindi ganun diba? Pero she’s different. May something sa kanya na wala sa iba, no exaggerations. Classmates kami, but we don’t really talk too much. Kahit ganun sya kaingay, tiklop kami sa isa’t-isa.
Just because I don’t start the conversation, doesn’t mean that I’m not dying to talk to him. Naiinis ako sa kanya kase feeling ko may nakikita sya sa akin na sya lang ang nakakakita. I was freaking paranoid lalo na pag may group projects na ka-group ko sya. It’s like he’s scrutinizing me and picking up all my flaws. Basta! Nakakabwisit syang tumingin! Ang sarap nyang hamunin lagi ng suntukan. Sarap nyang tirisin.
Sarap nyang inisin. Tuwang-tuwa ako pag alam kong naiirita sya sa mga remarks ko. She’s fuming red! Inaasar nga ako ng mga kaklase kong lalaki (na lahat ay na-tropa zoned nya) sa kanya. Gusto sya ng mga kabaro ko dahil wala syang arte at masaya kausap. So one day, English period nun, nanghihingi sya ng ¼ para sa isang graded recitation, napagawi ang mata nya sa katabi ko. “Penge paper, Tinoyyy…” She asked, completely ignoring me. Eto namang seatmate ko ay itinuro ako (dahil sakin galling ang paper nya). Sininghalan nya akong bigyan sya ng papel na sinaktuhan naman ng pang-iintriga ng teacher namin sa Literature 4.
Dahil sa papel. One-fourth love story. (Ang corny talaga) At ang ever intrigero naming Lit. 4 teacher nayan. Punyemas! Dahil sa kanya, pinagtatabi kami lagi, every English! God! Can you imagine the horror? Nakakairita talaga! Sana hindi nalang ako humingi ng ¼. Sana hindi masyadong ‘nosy’ ang teacher namin (to the point na, naamoy nya lahat) para hanggang ngayon normal parin ang buhay ko. Puchang ¼ yan! Kundi dahil dyan, edi sana walang nasasaktan? Edi sana isa lang akong normal graduating student na walang pinoproblema kundi baby thesis at symposium?!
Doon nagsimula ang lahat. Naging magkaibigan kami dahil natalo ko sya sa paborito nyang videogame. Though iritadong-iritado sya sa pagkatalo nya, she still shook my hand. Akala ko nga pagpasok ko kinabukasan binobogus nya lang ako at galit parin sya. But no, kung paano sya makitungo sa mga kaklase kong lalaki ay ganun na din sya sa akin. Saka ko lang na-realize na ayoko ng ganun. Ayokong ma-tropa zoned lang din nya.