Mysterious Music Part II

4 0 0
                                    

-Red's POV-

"Hay!!! Bro naman eh... Alam mo namang kakarating ko palang galing Japan, pinapunta mo pa'ko dito ng pagka-aga-aga. Di ka din pala makakarating. Aishh!" Inis na inis ako kay kuya. Sino ba naman ang hindi? Pinapunta ako ng 7:30am na kakadating ko palang galing sa Country of Anime and white people nung 5 am. Are you kidding me?

"I'm sorry little Yuno! I'm so so sorry!!! Emergency kasi kaya hindi kita natawagan kanina na cancelled yung plano naten. Pero don't worry Yuno, Lykah's there. She's practicing for something school related. May kasama siya kaya keep it decent." Sabi niya saakin ng para bang ineexpect niyang mananakit ako.

"Kuya, yung totoo... kriminal ba tingin mo saakin??? -_-" Napa-poker face nalang ako sa sarili kong tanong.

"Minor criminal, pwede. 'Mr. Kazuki! Please pay attention!!!' 'Yes, ma'am.' Bye bro." Binabaan niya ako ng telepono. -_- Saya magkaroon ng nakatatandang kapatid na napapagalitan ng secretary niya.

Itinago ko na ang cellphone ko baka manakaw pa... Wala na ata akong magagawa. Sayang ang pagpunta ko dito kung hindi man lamang ako makaka-enjoy. Maka-explore na ngalang. Hanapin ko na rin si Lykah while I'm at it.

Naglakad ako papasok ng building at pinabayaan lang ako ng guard, he knows me. I mean, kami naman ang may-ari diba kaya papapasukin din naman ako anytime.

Paikot-ikot lang ako sa building nang may nadaanan akong isang room na napakaingay sa loob. Party music? Hindi naman 'to nakareserve ngayon ah... Sino kaya ang gumagamit? Hn. Baka si Lykah lang naman... Tingnan nga natin baka naman may magnanakaw diyan na nagpaparty-party. Malay mo diba? Pero may 70% chance na masyado lang talagang wild ang imagination ko.

Binuksan ko ang pinto at sumilip ng konti. May nakita akong isang babae sumasayaw-sayaw at nagtatalon-talon. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman diyan ah. Okay sana ang boses niya kung hindi siya nagtra-trying hard bumirit sumasabit na sumisintunadong hindi mo maintindihan. Hahalakhak na sana ako kung hindi lang biglang nag-stop yung music.

Sinarado ko ang pinto at tumakbo sa medyo malayo-layo. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa punto na gumugulong na ako. Buti nalang carpeted yung sahig. Pero kung aalahanin yung pangyayari magagandahan ka sa pagsayaw niya. Napakagraceful at lambot niya gumalaw.

Pero kung aalahanin din yung pagkanta niya, madidistract ka. Kumanta ng Clarity habang sumasayaw at tumatalon?! Sino ba naman ang hindi masisintunado doon?!

"Hello Little Red Riding Hood!" Yinakap ako ni Lykah na nakasalubong ko sa hallway.

"Hindi ka parin maka-get over dun sa costume party kung saan pinilit mo akong mag-bra at magdress na may kasamang pulang hoodie para landiin yung lalaking nanapak sayo noong grade 3 ka?!!!?" Horrible experience!

"Nope. Masyadong priceless yun para makalimutan ko. Ang landi mo mag acting. Este ang galing mo mag acting!"

"You owe me a drink." Inabot ko ang kamay ko sakaniya na para bang hinihingi ko na ang bayad ko.

"I owe you a lot of things but I never really pay any of them so wag ka nang umasa."

"-_-Ngumiti siya at dumiretso doon sa dinaanan ko kanina. Lets go peeeeeeee!!!

Pumunta ako sa banyo at nag 'you-know-what' (wag green minded!) habang iniisip kung babalik pa ako ng Japan o dito lang ako sa Pilipinas. Naghugas ako ng kamay at may pumasok na isang lalaking napakagwapo. Hindi ako bakla pero alam ko kung ali ang mga kalahi ko.

Wala tayong magagawa diyan, gorgeous lang talaga ako!!!

Lumabas ako at naglakad-lakat ulit. Nadatnan ko ang isang bukas na pintuan kung saan may nag uusapang mga babae.

Hmm?? si Lykah at yung girl na nagpapakatanga doon sa isang room kanina. Hehe.

"Di kaya may multo dito?" Nanginginig na tanong nung babae.

"Boo!!!" Tumalon ako mula sa may pinto at hinawakan ang likod niya ng madalian.

"Ahhh!!!" Napasigaw siya ng napakalakas to the point na nagulat din ako sakanya. Napadapa siya. Yung feeling na parang masisira yung wooden floor dahil dun sa pugsh sound nung napadapa siya.

"Kalma bata! Red! Ano bang pumasok sa utak mo?!" Pinagali-galitan ako ni Lykah dahil sa pagpalaro ko. Hmph. Di ko naman kasalanan na hindi nakapunta si kuya Blue ah!

Hinila ko patayo yung ginulat ko na mukhang inis na inis pero hilong-hilo parin.

"Kyaa!!" *pugsh

Nawalan kami parehas ng balanse at nahulog. Ang masaklap dun, ako yung nasa ilalim. Hinimas niya ang dibdib ko na para bang sinisigurado niyang totoong tao yung nadaganan niya. Umungol ako para malaman niyang baka patayin niya ako sa bigat niya.

Tinulungan siyang tumayo ni Lykah. Hindi din ba ako tutulungan? Ahhh!! Ang sakit ng likod ko! Bigat naman nito ni girly.

"Sorry...?" Tiningnan ko si girl nang para bang tinatanong kung 'bakit patanong' yung sorry niya. Pero kasalanan ko din lang naman eh.

Nagtitigan lang kami. Come toi think of it, maganda din pala siya, magaling din sumayaw , marunong kumanta pero kelangan ng major help.

"Staring contest ba ito?" Tanong ni Lykah na nakapamewang at nakataas ang kilay. Hay! Grabe nanaman ang makukuha kong sermon dito eh!

Kinabahan ako at tumalon na ako patayo para mag-sorry bago pa ako masermonan. Pari lang ang peg?

"Sorry, girly! I just had to! Mahilig lang talaga akong mang prank. Forgive me?" Nag puppy dog eyes ako kasi alam ko namang napakacute ko at hindi ako matatagalan...

*pak "Aray!!!" May sumampal saakin at may burning sensation pang natira sa pisngi ko.

"Sa tingin mo ba porket nagpacute ka papatawarin na kita?!" Sinigawan ako ni girly habang tawa lang ng tawa si Lykah. First time kasi 'tong nangyari saakin. Never pa ako nasamapal intentionally. Wala naman kasing nakakaresist ng looks ko in every way eh.

"Listen up red head, no matter how handsome you are, how cute you are, how smart, how cool, how talented, or how rich you are, you better learn that in this world you can't fool some people by your little act."

Nabighani ako... walang kahit sinoman ang nakasampal saakin. Except kay Lykah. exemption talaga siya sa pananakit saakin.

"Go on a date with me tomorrow. 8am. You are one heck of a woman. Meet me up here at the studio. Magsuot ka ng comfortable for anything. Gotta go." napatulala lang siya habang naglalakad ako palayo. I know I'm hot.

Ezzellynn's POV

What the fuck just happened? Seryoso ba siya. Jinojoke lang ba niya ako? Most probably. Hay! Boys...

Tinapik ako ni Lykah at ngumiti siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy I met on the RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon