Mysterious Music

5 0 0
                                    

8 years ago, 6 years old palang ako, sumama ako kay ate sa school nila. 1st year palang si ate noon, Siblings Day sa school nila. Sa pagtapos ng araw, idinala muna ako ni ate sa rooftop.

"Dito ka muna ah. 15 minutes lang si ate. Halika na Wendy." Sinamahan siya ni ate Wendy at iniwan ako, kasama ng pinsan ni ate Wendy. Only child kasi siya, pag Siblings Day kasi kung only child ka, pinsan ang pwede mong dalhin.

"Hi!" Nakangiti yung batang lalaki, ang gwapo, mukhang mabait, walang mata.

"Hello!" Ngumiti ako. Hindi mo mapipigilan ang ngumiti dahil sakanya.

"Laro tayo!"

"Sige."

"Habulan tayo. Sinong taya?"

"Ikaw." Bigla akong tumakbo at hinabol niya ako. Paikot-ikot lang kami sa rooftop.

"Ahhh!" Bigla akong nadapa at umiyak.

"Oi! Wag ka nang umiyak. Okay lang yan. Konting sugat lang yan." Ngumiti siya. Tumahan na ako. Bumukas ang pinto at tumakbo papunta saakin si ate.

"Anong nangyari?!"

"Nadapa ako. Obvious naman siguro noh?" Yes, kahit nung bata ako, inaaway ko ang kapatid ko.

"Gaga. Halika na nga. Dalhin kita sa nurse."

Pinuntahan ni ate Wendy ang batang lalaki. Nagpaalam siya saakin at nginitiian ko na lamang siya.

Dumiretso na kami ni ate Ahnya sa nurse. "Ate! Gusto ko ng Ice Cream!"

"Tse! Mauubusan ako ng pera sayo."

"I don't care. Ice cream!!!"

"Bayaran mo ako pagbalik sa bahay."

"Fine. 6 years old hihingan mo ng bayad."

""""""""""......."""""""""

At doon na ako nagising. Now you know why I hate my sister dear.

3am palang. Pero bakit ganoon? Simula last week, yun ang panaginip ko. May sinasabi ba sakin 'tong panagainip na toh. Naiinis na'ko.

Nagready na ako. Wala naman akong choice diba. *yawn

8am na at yun nagpahatid na ako. Bumabaa ako sa may music building. Pumasok ako at nag-ikot-ikot.

"DJ Batoo! D-D-DJ Batoo!" Kumanta ang cellphone ko...

"Hello?"

"Oi Ezzellynn Janiz Maqxamaury P. Morillo!" Yes, pangalan ko yan. Mahaba pero okay lang yan.

"What's your problem Angelykah Mhay S. Soomi?" At yan yung full name ni Lykah. Pagpronounce ng first name niya ay Angelica pero nickname niya pronounced as Laika.

"Medyo male-late ako ha. Bet ko nasa may Music Building ka. May mga instruments diyan. Sabihin mo nalang na kaibigan mo ako, bibigyan ka nalang ng V.I.P Card." Yes! For the first time! Siya yung late! Usually kasi ako.

"Ginayuma mo yung guard?"

"Loka! Kilala ni Mom yung may-ari ng building."

"At ginayuma mo yung guard."

"Ayusin mo. Baka hindi kita siputin diyan!"

"Joke lang naman."

"Bye! Remember..."

"Remember what?"

"Hindi ko maalala yung sasabihin ko."

"Bye Lykah." Binabaan ko nalang siya.

The Guy I met on the RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon