Mahal mo sya, mahal nya ay iba

3 0 0
                                    

"MAHAL MO SIYA,PERO MAHAL NIYA AY IBA"

Simula pa lang pero ang sakit na di ba?
itutuloy mo pa ba?
Umpisa pa lang tinatamaan ka na,babasahin mo pa ba?Baka naman para sayo nga talaga,kaya idiretso mo na naumpisahan mo na rin lang ang pagbabasa 😝..

Once upon a time there was a princess who met a handsome prince and they fell inlove with each other...ooops sa fairytale yun, sb nila sa fairytale dreams  do come true pro sayo hindi, kasi hindi fairytale ang lovelife mo(ito lang naman) kya your dream did'nt come true..(oooouch)

Oo ikaw,nagmahal ka sa taong iba ang mahal di ba? Masakit? Oo naman kasi umaasa ka, aminin mo, umasa ka na mamahalin ka rin nya. In love what you give isn't always equal to what you get. Pero hindi naman kita masisi kasi baka pinaasa ka din nya na pwede ka nyang mahalin kaya nagbigay ka ng higit sa sobra. Pero mali ba yun kung ang alam mong tama ay higit pa sa sobra. Baka nga naman mahal ka din nya kaso MAS MAHAL nya yung isa.Masakit ba ulit? Oo naman masakit kasi may mas mahal syang iba. Pero ok lang yan di ka naman nag-iisa, marami tayong nakaranas nyan. Yung iba nga paulit-ulit pa pero di pa rin nadadala nagmamahal pa din sila.Kasi masarap naman talagang magmahal. Di naman ibig sabihin na pag nagmahal ka at nasaktan eh masamang tao ka na.Maaring ngkamali ka lang, nagkamali ka lang ng taong minahal!

Wag kang matakot magmahal muli,malay mo yung susunod mong mamahalin eh mas mahal ka na din 😊💪 ☝😇💖
Kung kailan? Ikaw lang ang makakasagot nyan. Maaring bukas, sa isang buwan o sa isang taon, wag kang magmadali, maghintay ka lang. Maari kang naman magpahinga, maybe you need more reasons to justify why you are not meant to be 😢💔.

Hindi lang ikaw ang naiwan. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Lahat ng nagmamahal ay dumaraan sa estado na yan. Yan ang rason kung bakit ako naniniwala na kaya mong magmahal muli. Sa tamang tao, sa tamang panahon. 💖💕💗💓

" HINDI MALI ANG MAGMAHAL, ANG MALI AY YUNG TAO NA IYONG MINAHAL "

💖 MamAlphie

RealizationWhere stories live. Discover now