•••Aliajh’s POV•••
Pagkauwi ko, dali-dali akong kumain ng hapunan, kahit 3 pa lang ng hapon. Naligo na ako ulit (iba ito sa ligo ko sa umaga :D) at dumiretso nasa aking kwarto. Binuksan ko na rin agad yung laptop ko.
“Badtrip! Ang bagal naman bumukas!” sigaw ko. Nakakainip naman kasi eh! Maya maya pa ay bumukas na rin ang laptop.
Clinick ko kaagad yung google chrome at clinic na rin yung facebook.
“Watda? Bakit ang bagal magload ng page?!!”
Biglang wala pa lang internet connection!!! Parang ayaw talaga ng tadhana na masaktan ako at pinipigilan niya ata na manyari ito.
“Ma?!!! Wala bang internet?”
“Nako anak! Sorry ha? Inaayos pa yung kable ng telepono”
“Wala ring dial tone?!”
“Wala eh, pasensya na. Malapit na rin naman silang matapos eh.”
Ganto talaga pag walang dial tone yung telephone, wala ring internet.
Ano kayang pwedeng gawin? Hmmmm… Makapagdrawing nga muna ng malibang ako. Kung nasa sa akin lang talaga ang cellphone ko, dun na lang sana ako nag facebook kaso wala eh, sa sembreak pa daw isasauli ni mama.
Mga ilang oras din ako nagdrawing at sa wakas, sinabi na rin ni mama na may internet connection na.
Nag log in na rin ako sa facebook
Username: aliajh
Password: christianmaylabs
Oo, tama kayo, crush ko si Christian.Siya lang naman ang pinakagwapo sa school kaso alam ko na wala akong pag-asa dun. At saka crush ko lang yun kasi magaling siya sa sports. Kahit na mas gwapo siya kay Vince, nakakasuka naman yung ugali niya. Akala mo naman forever yung kagwapuhan niya. Mas gwapo nga siya pero mas malakas ang appeal ni Vince.
Mamaya nga ay babaguhin ko na yung password ko. Nakakasuya eh.
Hinanap ko kaagad yung Mela Quinitio na sinabi ni Kevs. Tama nga siya, nagiisa lang ito dito.
Clinick ko naman yung profile niya at tinignan ang profile picture. Ang dami nila dito. Sino kaya siya sa mga ‘to? Hinalungkat ko yung mga photos niya dun pero bigo akong makakita niisang picture niya. Nakaprivate kasi yung iba eh. Ayoko namang iadd, baka makahalata pa yung iba. Yung iba namang pictures na nandito ay tags lang pero puro anime pictures. Hindi ako nawalang ng pagasa. Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng makakit ako ng ….. isang video. Si Vince at si Mela ata ito.. Ito na nga siguro yun.
Mahaba ang buhok. Magada. Pero mas maganda ako syempre! Kung mahaba din ang buhok ko, syempre mas maganda ako lalo! Haha! Sorry ha, nagpapataas lang ng self confidence.
Plinay ko na yung video.. 5 minute video lang naman ito at mukhang patagong kinunan.
Yung mga kaklase niyang lalake nakahelera tapos nakablindfold si Mela. Tinanggal naman ng kaklase niyang babae yung blindfold at nandun si Vince, sa dulo ng mga nakahelerang lalake.
Habang dumadaan si Mela sa mga nakahelerang lalake ay binibigyan siya ng rose, fresh pa nga ata yung mga yun, hindi artificial. May mga messages pa ha! Hanggang sa nakarating na nga siya sa dulo, kay Vince.
Lumuhod ito at iniabot ang isang maliit na bouquet of roses. Kahit maliit ito ay cute pa ring tignan. Ang sweet naman. Kainggit!
Tinanggap naman ito ni Mela. Tinitigan niya si Vince, nginitian at nagthank you.