Chapter I: Ang Simula

19 0 0
                                    

•••Aliajh’s POV•••

Nasa katapusan na kami ng 2nd Quarter pero lintik yan! Yung teacher namin sa Filipino ay nagpaproject ba naman na kailangan daw naming pumili ng apat na stanza sa Florante at Lauraat imomonologue. Kahit daw hindi magkakasunod yung mga stanza basta dugtong-dugtong ang ideya. Kung kalian naman na field trip na lang ang aatupagin namin oh. Ang malala pa ay ngayon na ang monologue kaya ginagahol na ako sa oras! Ilang segundo na lang ay papasok na si ma’am!

“Uy! Tago na libro! Andian na si ma’am!”

Hay bahala na nga kung anong makuha kong grade..

Pinasulat ni ma’am sa amin sa isang ¼ na papel ang aming pangalan at yung criteria para sa monologue.

“Ang mahuhuli na magpapasa ang siyang mauuna at ang mauunang magpapasa ang siyang mahuhuli” Hala putik!! Kailangan ko ng magpasa para bandang huli ako magperform at may time pa para magready ako.

Kumaripas ako ng takbo paharap. Nasa bandang likod kasi ako eh. Madadaya yung mga nasa harap kasi iaabot na lang nila yung papel nila. Buti na lang at mabilis ako magsulat.

At yun! 7th to the last ako. Yung sina Rin at Nhea na yung nag momonologue, aba! Grabe! Standing ovation si ma’am! Nakakapanindig balahibo daw! Magaling naman talaga sila eh. Idol ko yung mga yun sa ganito. Mahina kasi ako sa mga ganitong bagay at sports. Sa mga ganitong bagay, wala akong self confidence at sa sports naman, hindi kakayanin ng katawan ko, weak eh..

Back to the topic. Nung ako na ang magpeperform, ginalingan ko talaga. Kahit na di ko masyadong matandaan yung sasabihin ko, binigay ko pa rin ang best ko. Sayang naman kung hindi di ba? Grade din to. At dahil sa pagsisikap kong tapusin yon, nakakuha ako ng 95! Ok na yun!! Hahaha!!

Malapit na matapos ang pagmomonologue. Isa na lang ang hindi nakakapagperform at yun ay si Vince Merzio Dizon. Sa lahat ng nandito sa classroom, siya lang ang hindi ko ka-close pero ka-close niya naman yung mga bestfriends at close friends ko lalo na si Elio at Kevin.

Nung nasa harap na siya, huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita. Nung nagpeperform na siya, nadala ako sa mga sinasabi niya! Parang siya talaga si Florante. Napa ‘Florante, ikaw ba yan?’ pa ako sa sarili ko. Ibang-iba na nga yung nararamdaman ko ngayon eh. Alam niyo yung tinamaan? Ako yun eh. Tinamaan na nga ata ako sa taong to. Ang ganda pa ng boses, talented at ang gwapo. Complete package in short. Bakit ngayon ko lang nadiskubre na may ganitong tao dito sa classroom?

“Ms. Alfonso, may problema ba?” sabi ni ma’am.

“B-Bakit po?” sagot ko.

“Bigla-bigla ka na lang tumayo. Nadistract tuloy si Mr. Dizon sa’yo.” Teka, nakatayo nga ako ah.

“Sorry po ma’am” sagot ko at umupo na rin.

“Best, ano ba nangyayari sa iyo at bigla kang tumayo?” tanong ni Elio, isa sa mga bestfriends ko.

“Eli, alam mo ba, na love struck ako sa kanya..”

“Huh? Kanino?”

“Eh di kay Vince!”

“Nako naman Aliajh! Nalilito ka lang kasi di ka pinapansin ni Christian.”

“Hindi bespren! Ibang iba talaga to sa nararamdaman ko kay Christian eh. Mas malalim to.”

“Haaaaay… Bes, ngayon pa lang ay binabalaan na kita.”

“Bakit? May masama ba kung magkagusto ako sa kanya?”

“Wala!! Pero masasaktan ka lang. Masasaktan at masasaktan ka lang kung hindi mo yan pipigilan”

“Handa naman ako magrisk para sa kanya eh..”

“Hindi mo naiintindihan Aliajh, may minamahal na si Vince, at yun ay ang babae sa dati niyang school. Gusto mo ba na maging sabit sa kanila?”

Aray ko po.. Ganun pala.. Nasaktan nga ako dun ah. At tama nga si Eli, baka maging sabit lang ako at baka makasira pa ako ng relasyon.

“Hayaan mo bespren, pipigilan ko hanggang kayo”

“Nako! Siguraduhin mo lang! Ayokong nakikita kang umiiyak”

Sino kaya yung babae na yun? Nooooo! Nacu-curious tuloy ako! Kailangan kong malaman kung sino. Kahit ito lang…

•••Elio’s POV•••

Hello! Ako nga pala si Elio Brice Corpuz. Bestfriend ako ni Aliajh. Elio ang tawag nila sa akin pero Eli ang tawag sa akin ni Aliajh.

Ngayon ay namomroblema ako sa sinabi ni Aliajh. Ayokong mainlove siya kay Vince dahil may Mela na yun. Mela yung pangalan nung babae na minamahal niya. Pano ko nalaman? Simple lang, sinabi lang naman samin ni Vince nung 1st Quarter. Kaya ayokong mapalapit si Aliajh sa kanya. Concern citizen of the Philippines lang naman ako pero wala akong gusto kay Aliajh.. Tapat ako kay Candice ko no. Kahit long distance relationship kami, kinakaya ko.

Balik na nga sa sinasabi ko, baka makwento ko pa yung buong buhay ko eh. Kailangan kong sabihin ito kila Rin, Nhea at.Mariel.

•••Aliajh’s POV•••

Naman oh! Pano ko malalaman kug sino yung tinutukoy ni Eli na babae! Ni hindi ko nga man lang alm yung pangalan eh. Alangan naman na si Vince pa ang tanungin ko tungkol dito. Baka isipin niya na nagkakandarapa ako sa kanya.

Sino kaya ang pwede kong pagtanungan??.... Hmmmm…. Alam ko na kung sino!

“Hoy! Kevin! Kevin! Kevin Rey Hate!” sigaw ko.

“Ano na naman ba yun Aliajh?” tanong ni Kevin.

“Ssssshhhhhh!!!! Wag ka maingay lapit ka na lang dito.”

“Ikaw nga yung sigaw ng sigaw diyan eh!”

“Ay! Sasagot ka pa? Sasagot ka pa? Kaltukan kita diyan eh!”

“Sorry na! Ano bay un?”

Tinanong ko sa kanya kung sino ba yung babae na minamahal ni Vince.

“Ah… Yun ba.. Bakit mo naman natanong Ayen?”

“Psh! Wag mo nga akong tawagin sa 2nd name ko. Kakaltukan na talaga kita! Nacurious lang ako at tama na nga ang tanong! Sagutin mo na lang kung sino..”

“Ito na ito na, bayolente ka masyado. Search mo sa facebook, Mela Quinitio, siya lang nagiisa na Mela Quinitio dun.”

“Sige salamat Kevs!”

“Kevs ka dian! Dun ka na nga!”

Yes! Pagkauwing pagkauwi ko, hahanapin ko kaagad yung Mela na yun. Bwahahaha!!!

•••Kevin’s POV•••

Yo! Ako pala si Kevin Rey Hate. ‘Ha-te’ ang pagbigkas sa surname ko ah, hindi po ‘heyt’.

Nagulat naman ako sa tanong ni Aliajh kanina! Akalain mo yun, kalian pa siya naging interesado kay Vince. Sa pagkakaalala ko, devoted na siya sa Christian niya. Pinagseselosan pa ata ni Aliajh si Mela. Pero sino nagsabi kay Aliajh ng tungkol kay Mela? Baka makasama ito kay Vince lalo na sa darating na fieldtrip! Lagot na, kailangan kong sabihin to sa kanya..

Pero mukhang magiging masaya to. Hahaha!!!

------------------------------------------------

a/n: Hindi pa po ito edited. Sorry kung may erros :( Gaya nga po sa author's note ko sa prologue, hindi ako laging makakaupfate kaya lulubusin ko na :) Sige po, ilalabas ko na rin ang chapter 2 :D

♥♥♥ Je ♥♥♥

We Were Never Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon