Chapter 1

24 3 0
                                    

   ZAINA MENDEZ POV              

       Hi Ako nga pala si Zaina Mendez... 18 years old... Mataba, nerd,bsduy, pangit yan ang sabi nila... Pero para sa akin maganda ako... at sa sobrang ganda ko siguradong maiinlive sakin si Zander.... Hahahaha...

Matagal ko na siyang gusto.Bata pa lang kami gusto ko na siya kahit na pinagtatabuyan niya ako... siguro torpe lang siya kaya siya ganun sakin, alam ko naman na gusto din ako nun pakipot lang siya...

Waitttt nandito nga pala ako sa school ngayon inaabangang lumabas si Zander sa classroom niya.

"Ayyy kuya wait si Zander po nasaan?" tanong kjo sa kaklase niya na kalalabas lang..

"Nako miss. Piggy nasa canteen na siya" tama ba yung narinig ko tinawag niya akong piggy? abahhh loko tohhh... pero wala akong time makipag-away ngayon kasi ihahatid ko pa yung food ni Zander.. OO pinagluluto ko siya.. hehehe...



Lakad lakad lakad hay nako pagod na ako nasaan ba si Zander wala naman siya sa canteen eh...Aha baka nasa rooftop...

masaya akong patungo duon ngunit nawala ang aking ngiti sa mga nakita ko.

"Hoy MALANDI bakit mo hinahalikan ang future husband ko?" sigaw ko sa babae para maagaw ang atensyon nila..



"Ano? ako? Malandi? at saka future hasband? sino si Zander? Kapal mo girl dream on girl. tsk stupid.." sabi ni malandi .. magsasalita pa sana ako kaso nagsalita si Zander my loves.


"Anong problema mo taba? Don't you ever shout to my girlfriend stupid" awwww sakit girlfriend niya tong hipon na toh?



"Pero tayo ang para sa isa't-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si my loves

"Stop it Taba... hindi tayo para sa isa't isa i will never love you... Will You please get lost"

"Hindi ako sususko Zander kasi mahal kita at balang araw mamahalin mo din ako" pilit akong ngumiti at saka umalis sa harap nila... Pagkababa ko ng Rooftop umiyak ako ng umiyak... Masakit oo masakit... 10 years ko na siyang minamahal... pero hindi ako susuko... Nakaya ko siyang mahalin kaya kakayanin ko ding maghintay....


**********

          "Zainaahhhhhhh" tawag sa akin ng kaibigan ko sa may canteen ... "Oh bakit na naman ba Kim?" naiiritang tanong ko sakanya... "Alam mo na ba yung balita?" tanong niya sa akin.

"Anong balita?" nagtatakang tanong ko sakanya...

"Si Zander may bagong whore" sabi niya

"Sus... alam ko na yan" walang gana kong sabi.

"Oh? di ka ba gagawa ng paraan?" tanong niya..

"Hindi kasi alam ko naman na hihiwalayan niya din yun" sabi ko sakanya.. pero di ko maiwasang maiyak...

"Bakit ba kasi patay na patay ka sa lalaking yun?" tanong niya

"Hindi ko din alam ehhh pero basta hindi ko siya susukuan kasi mahal ko siya" sabi ko sakanya na maluhaluha na ang aking mata..

"hay nako tama na nga ang drama halika sa bar mag party tayo"  sabi niya

"Ihhh bakit naman tayo mag pa-party?" tanong ko 

"para naman makalimutan mo yung sakit" sa sinabi niyang yun ay napa-payag na ako....







Nag suot ako ng maluwang na T-shirt saka palda tapos nike na sapatos hihih siyempre pati yung favorite  kong salamin hihihi.... Ohah diba ang cool ko? wag kang kokontra mababaog ka...

               "Kim punta lang ako ng CR ah" paalam ko sa aking kaibigan..

               "Ah cge ingat ka ah, balik ka kaagad" sabi niya...

  



Papasok na sana ako sa loob ng cr ng bigla akong may nakitang nakahiga sa may sahig malapit sa cr... Nagulat ako ng makumpirmang si Zander pala iyon at lasing na lasing na.. "Nako my loves bakit ka naman nag lasing? masama sa health mo yan my loves" kinakausap ko siya kahit alam kong hindi niya ako naiintindihan dahil lasing na siya...

         Binuhat ko siya para dalhin siya sa kotse niya" Zander na saan yung susi ng Car mo?" tanong ko saknya pero di siya sumagot at nagulat ako ng bigla na lang niya akong halikan.... oh my gosh he is my first kiss... This is heaven.. i can feel the butterflies in my stomach...

     Pero agad din naputol ang halik na iyon ng bigla siyang natumba.. "Haysss cge hahanapin ko na lang yung susi mo" saka ko kinapa ang mga bulsa niya at nang mahanap ko na tinulungan ko siyang tumayo par ipasok sa loob ng kotse... "Uuwi na tayo my loves... Magkatapat lang naman ang bahay natin eh"



Nang makarating kami sa bahay nila agad ko siyang inihiga sa kama niya...Nakakatuwa na kasama ko siya ngayon... Pero nakakalungkot kasi ibang babae ang binabanggit niya habang natutulog...    Hmmmm paano ka ba magiging akin Zander? Sisiguraduhin ko na mapupunta ka sa akin

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon