CHAPTER 1

8 2 0
                                    

Nagkakagulo ngayon dito sa langit.Paano ba naman kase, kasalanan ko to eh ! 😭 nakakainis ! Bat ba kase hindi ko sinunod si Papa God? bakit ba kase natukso akong pitasin ang mahiwagang bulaklak na iyon?

"Ngayon alam mo na ang kinahinatnan ng ginawa mo Angelique?" Tinig iyon ng panginoon. Hindi ko sya magawang titigan sapagkat hiyang hiya ako sa sarili ko.

Ang bulaklak na iyon ang nagpapanatili ng kahalimuyakan at kagandahan ng hardin dito sa langit.Iniingatan ito ng lahat, pero mula nung pinitas ko ito ay bigla nalang nalanta lahat,nawalan ng kulay at nalagas.

"Patawad po papa God, please susundin ko po lahat ng utos nyo mula ngayon!"

Nagsusumamo na ako. alam kong labis ang kasalanan ko subalit sana naman ay huwag nya akong ipatapon sa lupa.Ayoko! Masasama ang tao doon.

"Binalaan kita ng maraming beses Angelique,Subalit hindi mo ako sinunod. Ihanda mo na ang sarili mo sa pagpapatapon ko sa iyo sa lupa, Huwag kang mag alala makakabalik ka naman,May misyon ka lang na nararapat magawa bago ka maka balik.

Bigla akong napa luha.Wala na talagang babago sa desisyon ni papa God.

"Ano po ang kailangan kong gawin papa God?"

Ths time, tumingin na ako sakanya.

Then biglang humawi ang mga ulap na inaapakan namin.May imahe ng isang napakamatipuno at gwapong lalake ang lumabas.

"Siya,misyon mong baguhin ang magulo at miserable nyang buhay,Misyon mong baguhin sya lahat sakanya"

"Po?!Pero sa nakikita ko po delikado syang tao Papa God! Hindi kaya mapatay nya ako?!"

"Anghel ka Angelique,Hindi ka mamamatay kailanman.Magkakatawang lupa ka lamang,Sira ang buhay ng lalaking iyan, Nais kong tulungan mo sya"

"Opo"
wala akong ibang magawa. I just let out a deep sigh

"Tandaan mo Angelique, bwal kang mahulog sa taga lupang iyan"

natawa ako sa sinabi ni papa God.
"Papa God naman!Hindi ko iyan type no, tingan mo nga, bad boy sya! ang sama sama nya! muka syang adik!"

"Wag kang magsalita ng tapos,Ipapasunod ko sayo si Andyson upang sumubaybay sa iyo, kapag may tanong ka ay tawagin mo lamang sya,bukas na bukas din ay bababa ka na sa lupa"

Siguro nga kelangan ko na tanggapin na mula bukas, papasok na ako sa ibang mundo. Mundong puno ng dumi,gulo,at away. Nako nako Angelique! kanino bang kasalanan? Iyo rin naman diba! Tsk..

The Disguise of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon