Nung tumigil ang sasakyan ay agad na tumakbo ako sa kinaroroonan nilang dalawa at agad kong niyakap si Majeah.
"Maj..okay ka lang??" At muli ay niyakap ko sya. Umalis nanaman yung kotse. sabagay wala naman syang sagutin dahil wala syang nabangga.
"Yung babae, okay lang ba sya??" di ko pinakinggan yung sinabi ni Majeah at agad ko syang dinala sa bahay. I never look back to that crazy girl even a single glance. She said she's an angel, napatigil nga nya ang kotse. Kaya na nya ang sarili nya, psh.
Nang makarating kami sa bahay ay hindi umimik si Majeah.
"Yung babae kawawa sya"
yan ang paulit ulit nyang sinasabi. ang lakas lakas ng baliw na yun, pano sya magiging kawawa? Tsk Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naisipan kong magluto ng sopas para naman kay Majeah. Gutom na siguro to
"Majeah, tikman mo tong luto ko"
sinubuan ko sya hanggang maubos nya iyon.Mukhang sarap na sarap ang mahal ko."Grabe ang lakas ng ulan, asan na kaya yung babae na yon Gelu?"
"Bat ba sya ang bukambibig mo ha?"
Pero ang sunod na narinig ko ay ang hikbi nya. sht para akong dinudurog
"Gelu, Y..You don't understand,Yung ka..kamay nya, please tignan mo sya. hindi basta bsta yung impact nung kotse sakanya"
Hindi ko na sya pinatapos, Why am I a jerk! ugh, nagiguilty ako. nilalamon ako ng konsensya knowing na narealize ko kung gaano kabilis yung takbo ng kotse kanina"
Bato na ang puso ko, batong bato na ito. Pero nung makita ko yung babaeng anghel na iyon na nakahandusay sa kalsada at basang basa ng ulan. Babaeng walang malay, babaeng pinrotektahan ang babaeng mahal ko nahabag ako sa sitwasyon nya. Halos masuntok ko yung sahig !
"So..sorry" dali dali ko syang binuhat at dinala sa bahay. hindi ko alam na ganito, Im sorry
Angelique's POV
Nung makita kong masasagasaan na yung babae. Tumakbo ako, pumikit at nanalangin na sana mapigilan ko iyon, tatanggapin ko yung sakit mapigilan ko lang. Hindi ako binigo ni Papa God. But after that, I collapse wala na akong maalala nagising nalang ako sa bahay ni Gelu at halos mamatay ako sa ginaw.
"G..gelu?" nilibot ko ang tingin ko at babangon sana pero biglang kumirot yung mga kamay ko.
"aww! ansakit!" Bigla namang may pumasok. si Gelu pala, may hawak syang tray ng pagkain. anong pagkain kaya yan?
"Ano ba! wag ka ngang malikod! may bali yang kamay mo!"
"sungit mo talaga,okay lang naman ak---"
"shut up!--
"and just eat this,I mean susubuan nalang kita tsk"
Hindi ko alam pero napangiti ako, Sabi sayo papa God hindi ako mahihirapan sakanya e.
"Anong pangalan mo?" Tanong nya saakin habang sinusubuan ako.
"Angelique" Saka ngumiti ako sakanya.
"Stop smiling! It annoys me tsk"
Awkward.. Hindi ko maintindhan kung bakit di ako komportable sa sitwasyon naming ganito..
"Ang gwapo mo Gelu" Napaiwas sya ng tingin. Hahaha nahihiya siguro si Gelu papa God.
"Matulog ka na"
"ayoko"
"matulog ka sinabi!"
"ayoko sinabi" Ganyan lang kami ng ganyan ng biglang pumasok si Majeah. Napatingin kami pareho
"ahh. eeh, sorry akala ko nag aaway kayo,ah ano Gelu mauna na ko ha hinihintay na ko ng fiancee ko" Then Majeah just closed the door.I heard a silent weep. Yes she cried
"psh" naibulong nalang ni Gelu. Nasasaktan sya, alam ko :(
A/N: Itutuloy Haha 😂
The Characters were Lee min ho && IU 😘
BINABASA MO ANG
The Disguise of an Angel
Teen FictionThis is completely a fiction and is purely based on my very wide imagination.A story of an angel kicked out of heaven after disobeying God. As her punishment, She has to be with a Jerk,and a guy with a life full of mess. The only thing she could go...