Chapter 2

60 4 2
                                    

dedicated to zariLovesYou.. my sissy!!!

Chapter 2 - Aya

-          So far nakapag-upload na ako ng Chapter 1... and tinatamad ako... haha

Time check... 4:28pm.... katapos lang ng Ed3... at syempre uwian na nila... pero dahil malakas ang ulan, andito pa rin ako sa school.. kaya heto... mag-u-update na muna ako...

 _______________________________

“the plane is now ready for take-off... please fasten your seatbelts....”

Ilang sandali na lang... heto na ako sa bansang pinaggalingan ko... Namiss ko ang lahat.... ang lahat lahat... Yung pagkain, yung hitsura at higit sa lahat

Si kuya Jed...

4 years...

Apat na taon na nag nakaraan nung huli akong nakatuntong sa Pilipinas at nagpunta ng Amerika para doon na tumira... Wala naman talaga akong balak bumalik... wala na akong balak balikan pa yung lahat dito... wala naman akong naiwan... matagal ng natapos yung isang Fairytale book na nagsimula noong bata pa ako...

At ang ending...

Walang happy ending...

Hindi naman gaya ng mga fairytale ng walt disney na lahat ay nagkaroon ng happy ending...

Hindi na ako dapat maging malungkot kagaya nung umalis ako...

Eh sino ba namng hindi malulungkot eh kasi naman yung prinsipe ko hindi tumupad sa usapan... yung prinsipe ko na nagsabing sya ang prinsipe ko forever ay naghanap ng iba nyang prinsesa na aalayan ng happy ending...

Pero hindi ko naman sya masisi... Siguro nga maga bata pa kami noong mangako kami sa isa’t isa... Sino nga bang bata ang seryoso sa mga pangako na nabitawan nila??

At ako naman, sineryoso ko lahat ng yun... kahit alam kong mga bata lang kami noon... Dahil noon pa man, mahalaga na sa akin si Jed...

**

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang malaking tapaulin na may nakasulat na “Maya Louise Real”

Wow grabe lang sa laki ang tarpaulin ha?? Parang gusto yata nila lahat ng makakabasa eh i-add ako sa FB.. hahaha

Pero hindi ko naman kita kung sino yung may hawak noon... medyo makapal kasi ang tao sa gawing iyon... Pero hindi na rin ako nagtaka nung nakita kong si kuya Jed ang may kapit noon.. at kasama nya si Gino... yung isa pa naming kabarkada

Abot-tenga na ang ngiti ko... nakow.. pssh.. masama yan Aya.. may asawa na yung tao oh.. hayy... baka yung isa din meron na

Sabihin na natin na kahit alam kong may kanya-kanya ng buhay tong mga kolokoy na to eh namiss ko talaga sila... Lalo na si Jed... kahit may asawa na sya eh lagi ko pa ring naiisip yung mga nangyari dati...

Isang hakbang

Dalawa

Tatlo...

Apat..

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan...

Nakalapit na ako sa kanila pero hindi pa rin ako pinapansin ng mga loko...Haizt... kinalimutan na ba talaga nila ako??? Nakow.. mababatukan ko sila!!!!!!

“tara na...”

Hinila ko si Gino... Alam kong parehong nagulat yung dalawa... sauce!!!!! Hindi yata ako namukhaan eh

“huh? Miss, wait.. teka lang --- ”

Tinitigan ko yung dalawa.. tapos nginitian ko... yung ngiting sarcastic ha???

“ako to... si Aya”

“weh??” at talagang nastarstruck pa yata si Gino...

“Aya ikaw nga!!!” at niyakap na ako ng tuluyan ni Jed

Ang saya.. kung ganito ba lagi pag uuwi ako ng Pilipinas eh di ayos.. hahaha pero nailang naman ako... may asawa na kasi sya... baka lang naman kasi pagmulan pa ng away nila [kelangan ko ba paulit-ulitin na may-asawa na si Jarred aka Jed???”]

“oh tama na... wag masyadong O.A. sa pagkakayakap tol... nayuyupi na si Aya oh...”

“ai sorry huh??? Namiss lang talaga kita eh...” at kumalas na rin sya sa pagkakayakap...

Ako din naman namiss kita ehh... sobra nga... yung tipong gusto ko sumakay sa eroplano pag may nakikita ako... tapos ihuhulog na lang ako sa Pinas para makita kita... pero hanggang sa isip ko lang yun.. naku Aya... layo-layo ka ng konti.. wag kadikit sa may-asawang tao... baka ka madeport.. tandaan mo, American citizen ka na rin.. hahaha

“shall we??? Halatang napagod ka kasi sa byahe... speechless ka kasi eh...” sus.. nahalata pala ni Gino na nastarstruck ako sa kaharap ko...

“hindi naman masyado Gino...” palusot ka Aya

Tapos naglakad kami ni Gino papunta ng kotse...

Alam kong walang direksyon tong pagbabalik ko sa Pilipinas... dahil sa totoo lang, wala akong pamilyang tutuluyan dito...

Nasa States na ang pamilya ko... and sad to say, wala na akong ibang kamag-anak na kakilala ko ang nakatira dito...

At yung tutuluyan ko, magche-check-in na lang siguro muna ako sa isang hotel... Ayun naman ang bilin ni Mama eh...

Kung hindi daw sa mga kaibigan ko, eh sa hotel na lang... Kaya lang, hindi pwede kina Jed.... May-asawa na nga kasi sya (kailangan bang paulit-ulit???)

Nang nakasakay na kami ay dinaldal ako ni Gino habang si Jed ang nagdadrive...

“Ui tol, musta ka na huh?”

“ok naman... ayun... medyo nahirapan ako nung umpisa doon. Kasi naman, grabe yung discrimination na inaabot ng mga kababayan natin doon...”

“ai ayoko ng ganyan... ang gusto ko magkwento ka ng tungkol sa’yo... yung ginagawa mo doon lagi...”

“ah wala naman akong masyadong ginagawa doon... ayaw kasi ni Mama na magtrabaho ako maghapon... after ng trabaho sa morning, free time na sa hapon...”

“talaga?? Eh bakit naman daw?”

Haizt... mauungkat na naman tong lovelife ko dahil sa tanong na yan... nakow.. gawa ka ng paraan para iiwas ang topic Aya!!!

“eh kasi daw, babae ako... at kultura pa rin ng mga Pilipino na ang lalaki ang bumubuhay ng pamilya... wag daw ako masyadong workaholic”

“tama yun... at saka dapat sa pagtira mo doon ng apat na taon eh may boyfriend ka ng kano!”

“whooosh.... wala nga eh”

“weh? Wala man lang nanligaw sa’yo?”

“meron...”

“eh ayun naman pala eh... don’t tell me, nagpakatomboy ka na naman? Sa ganda mong yan?”

“hindi tol... sadya lang yatang pihikan tong pusong to...”

Galit ako sa topic na lovelife... Ayoko talaga nun... bitter ba??? Hindi naman sa tomboy ako or what... Wala ako sa mood pag-usapan yun...

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpikit ng talukap ng aking mga mata..

How Can I Fall (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon