(A/N:Karaniwang nagsisimula ang istorya sa unang araw ng klase, diba?
Kaya minsan nakakasawa na? Tama ba? So, magsisimula din ako sa first day pero hindi sa paaralan. Enjoy reading.)
Vein's POV
Bakit ba kung kailan may aasikasuhin ako, ngayon ka pa nagsimula? Sh*t kaya ayoko maging babae. Tss. Bakit ba naging babae pa ko? Tss.
Dumiretso na ko sa banyo para maglinis ng katawan, dahil 'di talaga ako kumportable kapag meron ako. Mabilis akong naligo dahil masama daw maligo ng matagal kapag meron ka. Is that true? Well, wala namang mangyayari kung gagawin ko.
Pagkatapos na pagkatapos ko sa pagligo ay nagbihis na agad ako. Nagsuot lang ako ng isang simpleng white t-shirt at maong pants. Tinernuhan ko lang ito ng rubber shoes at ready na ko para pumunta sa mall. Tsk. Kung 'di lang ako nahihiyang mag-utos sa pamilya ko ay baka sila na ang pinabili ko, kaso ayaw ko maging pabigat pa sakanila.
Dali-dali akong bumaba upang kumain ng agahan. Sakto namang pag-baba ko ay kumakain na sila.
Hindi man lang ako tinawag?
Inaamin ko na masaya naman kami dati pero iba na ngayon. Wala na silang pakialam sa akin, wala na silang pakialam kung ano ng pinag-gaggawa ko sa buhay ko. Wala na silang pakialam kaya dapat wala narin akong pakialam.
Dumiretso na ko sa may hapag at nagsimulang ng kumain. Sumandok na ko ng kanin at kumuha ng isang sliced ham at hotdog. Gutom na talaga ko pero 'di ako makakain ng maayos dahil nakatitig sila sakin at parang nagpa-pakiramdaman sila kung anong sasabihin o kung sino man ang unang magsasalita.
"Uhm, Vein anak?" Panimula ng aking ina. Hindi ko siya sinagot at nagdiretso lang sa pagkain.
"Ate, kinakausap ka ni mama." Dugtong naman ng aking butihing kapatid. Tss. Hanggang kailan ba siya ganyan? Walang kwenta. Pero sabagay, wala naman mawawala kung papansinin ko siya.
"Oh?" Walang gana kong sagot.
"Pasukan na bukas. May nabili ka na bang gamit?" Tanong naman ng aking BUTIHING ama. Hindi na kasi tinuloy ng aking ina ang sasabihin niya kaya tinuloy na niya, what's wrong with them?
Umiling na lang ulit ako bilang sagot. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming hapag. Inangat ko ang aking paningin upang sana'y magpaalam na aalis ngunit lahat sila'y nakatitig sa akin na parang may nagawa na naman akong mali.
"Ehem, gusto mo bang samahan kita ate?" Putol ng bunso kong kapatid sa katahimikan.
"Huwag na, kaya ko nang mag-isa."
Hindi na sila nagtanong muli kaya dumiretso na ko palabas para makauwi naman ako ng maaga. Agad akong pumara ng jeep at sumakay sa may bungad lang para 'di pahirapan sa pagbaba.
Inabot ko na agad ang aking bayad dahil baka makalimutan ko pa. Medyo mapupuno na ang jeep kaya nagpaharurot na ang tsuper.
Makalipas ang labing-limang minuto ay nasa mall na ako. Actually, napakalapit lang nito kung lalakarin mula sa amin kaso nga lang ay traffic. Ayoko naman ang maglakad kaya nagcommute na lang ako, okay na ko sa traffic basta 'di ako maglalakad.
YOU ARE READING
Be Mine Ms. Siga
Roman pour AdolescentsWarning: 1. It's my first time to write a story so I'm not that good. 2. Please do appreciate this piece of writing. 3. Sorry for every mistakes you will encounter. Remember, nobody's perfect. 4. If you don't want the story from the very beginning...
