PROLOGUE

1 0 0
                                    

**5:00 pm**
Natasha's POV

habang ako ay naglalakad sa hall way ng aming school ay may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin dahil sa likha nyang kaluskos .... sa aking kaba ay hindi ko maiwasang hindi matakot at kabahan..

"M-may tao ba dyan??" Nangangatog kong tanong sa kung sino mang sumusunod sa akin..

"Natasha!!" Sa aking gulat ay muntikan na akong mapatalon..

Si Nicole lang pala...

"B-bakit??" Garalgal kong tanong

"Bakit ang putla mo?? At bakit pawis na pawis ka??"nag-aalala nyang tanong.

"W-wala" nanginginig ko paring sagot..

"Saan punta mo??"

"Sa building 2" sagot ko sakanya.. at ng dahil doon ay unti-unti nang natatanggal ang takot ko..

"Hmm.. pwede padala itong libro sa library please.. may pupuntahan kasi kaming importante ni mommy.."

Dahil sa sinabi nya ay bigla nanaman akong natakot dahil sa naramdaman ko kanina lalo't kokonti nalang ang tao dito sa school dahil mag-gagabi na..

"S-sige.." out of the blue kong sagot..

"Sige salamat!! Bye!!" Sabi nya at umalis na..

Habang ako ay naglalakad papunta sa library ay nakaramdam ako ng pangingilabot at panghihina ng aking mga tuhod na tila ba may nakahawak sakin.. at bigla nalang uminit ang aking batok na parang may hiningang bumabalot dito... hindi ko nalang pinansin iyon at dumaretso na ako sa library...

Habang nilalagay ko ang libro sa book shelf ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko..

Isang...

Isang...

Isang...

---Babaeng naka itim,,Maputla ang mukha at ang kanyang labi.. at mapupulang mga mata...

--"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!"

------------------------
Trexie0126

HAUNTED SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon