Chapter 1: Boy Who Fall In Love With A Boy

11 3 1
                                    

Nag simula ang lahat nung tumuntong ako ng college, maraming nagsasabi na may itsura daw ako na may kahawig dw akong artista, marami rin nagtatanong sakin kung sino dw ba crush ko or nag ka GF na dw bako, may nanligaw na dw. Marami ding nagkakacrush sakin pero di ko sila pinapansin parang dedma lang ganon. Nung mga panahon na yun napapaisip din ako kung bkt hindi ko pa naranasang mag kacrush o manligaw kaya sinabi ko na lang sa mga nagtatanong sakin na masyado kasi akong nag - fofocus sa pag - aaral.

November 15 2013 naghihintay ako ng masasakyan pauwi sa may bus stop ng UST. Dahil rush hour wala na ngang masakyan traffic pa. Kinuha ko earphones ko sa bag tapos nag - patugtog ako habang marami pang taong nag - papatayan makasakay lang. Marami din umuupo at umaalis sa kinauupuan ko.

Hindi kalayuan sa kinauupuan ko may pumukaw ng attention ko. Isang student lalake at base sa kanyang sinabi nag - hihintay din sya ng masasakyan at mukhang pagod na sya kasi nakatayo lang siya. Hindi maalis yung tingin ko sa kanya nung mga panahon na iyon pero binalewala ko nalang. Hindi nagtagal umalis na rin ung mga katabi ko kaya medyo lumuwag na ung kinauupuan ko, umupo sya sa tabi ko kaya't laking gulat ko na rin hindi ko mawari. Napapansin din nya siguro na parang ilang ako na katabi ko sya kasi sa tuwing nagbabaga yung braso namin may kakaibang kuryente akong nararamdaman. Merong pagkakataon na napapatingin ako sa kanya at napapatingin din sya saakin, masabi kong may itsura itong lalake na katabi ko kasi marami din babae na napapatingin sa kanya.
Nagtagal kaming dalawa na nakaupo lang sa may bus stop at hanggang sa nabawasan yung mga taong papauwi saka ako unang tumayo at pagtataka ko na tumayo din sya. Siguro nahihibang na ako kaya binalewala ko nalang ung nasa isip ko.
Una akong pumasok sa Bus at nagulat ako nung sumunod sya sa sinakyan ko ng bus.

A Gay Love StoryWhere stories live. Discover now