Chapter 2

57 4 0
                                    

<Ara's POV>

♪She lives in a fairytale,
Somewhere too far for us to find.

Napamulat ako nung tumunog ang cellphone ko. Sino ba tong hampaslupang tumatawag sakin?! Sarap ng tulog ko oh! Badtrip naman.

♪Forget now the taste and smell--♪

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumawag. Naknang! Alarm lang pala. Enebeyern 😑 Pagtingin ko sa oras, asdfghjklpoi!!!!!!!! LATE NA KAMI NG BULLIES SA TRAINING!!!! 5:30 pm na at 5:00 ang start ng training namin! At mahigit 30 minutes na ding tumutunog ang phone ko. Argh! Anubanamanyanoh!

"Mika! Gising! Late na tayo sa training!!! Hala lagot tayo kay coach Ramil nyan eh!" Agad kong ginising si Mika kasi, sya ang pinaka-madaling gisingin sa lahat. Minulat nya ang mata nya na halatang antok na antok pa.

"Huh? Anong oras na ba?" Tanong nya sakin. HAY NAKO! KUNG ALAM MO LANG ANG ORAS YEYE! MAGHY-HYSTERICAL KA!

"5:30 na Ye! 5:00 ang training natin! 30 minutos na tayong late!" Pagkasabi na pagkasabi ko nun, nanlaki ang mata nya. "Sh*t!" Sigaw nya at tumakbo papuntang CR at nagbuhos. Nakaligo nanaman sya kanina kaya okay lang na magbuhos na lang sya.

Agad ko nang ginising ang iba pang bullies lahat kami nagmamadali. Ayaw naming maparusahan at mag-double training hirap kaya kapag nagpa-double training si Coach. Habol dito, spike doon at block naman dyan. Dinodoble ang one-man defense, usually kasi 20 rounds ang one-man, edi forty na. Pagoda ang lola mo. Nangyari na samin yun kaya ayaw na naming ma-late ulit o um-absent sa training. Mahirap na.

After 5 minutes, tapos na lahat kaming mag-ayos. "Ang gym bag?" Tanong ni Mika. Sya ang taga check kung may naiwan o maiiwan ba dito sa dorm o kung may hindi naayos or magulo or what. Kahit naman Athletes kami ay disiplinado pa rin naman kami kahit papaano. Hindi namin iniiwanan ang room namin na makalat. Laging malinis yan kapag umuuwi kami. Yun ang rules nila ate Cha, ate Paneng (Mercado), ate Jacq (Alarca), ate Liss, ate Michele at ate Aby. Pag iniwan mong madumi ang room nyo, at umalis ka dito sa dorm, may parusa ka. At hindi ko alam kung ano man yun.

"CHECK!" Sigaw namin. Dahil lahat naman kami ay may dalang gym bag.

"Yung kama na pinag-higaan natin?"

"Okay na. Walang gusot." Sabi ni Cienne. Sya ang in-charge dun.

"Yung mga tuwalya? Nabitin mo na sa labas Carol?"

"Oo pero yung sakin hawak ko. Ako huling nag-CR eh." Si Carol ang taga-bitin ng mga tuwalya namin.

"Okay, sige ibitin mo na yan sa labas ah. Lagot tayo kela ate Aby pag nagkataon. Kim, yung mga cabinet natin? Hindi ba magulo yung mga damit dun?"

Played by Fate (an Ara Galang-Thomas Torres Fanfictional Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon