Your Name

288 7 7
                                    

Ako si Tristan,nakagraduate na ng kolehiyo at naghahanap ng trabaho,pero sa bawat job interview ko,hindi ako natatanggap.Ang mga kaibigan ko na si Daniel at Neil ay nakatanggap ng 2 job offer at 8 job offer.

Pero sa aking paghahanap ng trabaho bigla kong naalala na mayroon nga pala akong hinahanap na babae pero pilit kong tinatandaan ang kanyang pangalan.

Dito nagsimula ang aking kwento.Noong ako ay 3rd year highschool at nakasakay sa tren papuntang school may isang magandang dalagang tumawag ng aking pangalan pero hindi ko siya kilala.

Pababa na ako ng tren pero nahihila siya palayo sa akin dahil masyadong marmaing tao.Pasigaw kong itinanong ang kanyang pangalan pero hindi ko maintindihan at may inihagis sya sa akin na braid mula sa kanyang buhok at ngayon ginawa ko itong bracelet bilang isang alaala ko sa kanya.

Makalipas ang tatlong taon.Nagising ako dahil ako ay nalaglag sa kama,pagmulat ng aking dalawang mata para akong naninibago at parang wala sa sarili baka ito ang bunga ng aking misteryosong panaginip na nakipagpalit daw ako ng katawan mula sa babae.

Tumingin ako sa aking Relo at napansin kong malelate na pala ako sa school. 'Oh shit.' nagmamadali akong maligo at magbihis.Paglabas ko ng kwarto ko nakita kong nakahanda na pala si Daddy at hada nang umalis para pumasok sa kaniyang trabaho.

Lunch break na ng makapasok ako sa school dahil ako ay naligaw pa ako at parang nakalimutan kung saan ang daan baka ito rin ang bunga ng aking panaginip. Nagulat ako nang may umakbay sakin. Pagtingin ko sa kanan ko ay si Neil pala ito.

"Wow naman Tristan lunch kana pumasok. Bakit ka ba late?" Tanong nito.

"Nakalimutan ko kasi ang daan papunta sa school natin." Sabi ko ng seryoso.

"Hahahah grabe Tristan ano ba ang ginawa mo kagabi at hindi mo na alam ang daan papasok sa school natin ha?"Natatawa tawang sagot sakin ni Neil.

Hindi ko na lang siya pinansin at iniwan na sa kinatatayuan niya habang siya ay tawa pa rin ng tawa.

Pagkatapos mag Goodbye ng teacher namin ay lumabas na ako ng classroom at dumiretso na ako sa part time job ko. Niyaya nila ako mag café pero hindi ako pumayag.

Maraming nangyari sa restaurant na pinapart-time job-an ko.

Paguwi ko sa bahay binuksan ko ang aming telebisyon at nanood ng balita at inulit muli ang tungkol sa isang Comet na bumagsak sa ibang lugar at ang ibang parte nito ay nalaglag sa isang lawa.

Marami ang namatay, nawawala at marami din ang nasirang mga bahay at buildings sa lugar na yon.

Isa na ito sa ating kasaysayan pero itinulog ko na lang ito dahil ako'y pagod sa trabaho at mamaya pa ang dating ng tatay ko.

Paggising ko ng umaga ako'y naninibago na naman iminulat ko ang aking mata at para akong nasa ibang bahay napansin ko din na may kakaiba sa dibdib ko hinawakan ko ito at ikinagulat ko ito. Lumakad ako papunta sa harap ng salamin para tiyakin kung totoo nga ang kutob ko.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko na ako ay nasa katawan ng babae napasigaw ako sa takot na baka ako ay di na makabalik sa aking katawan.

May bumukas ng pinto,isang batang babae rin at kamukha ko na para bang kapatid ko siya,sabi niya sa akin na kumain na daw ako at magbihis dahil mahuhuli na sa klase.

Ako ay kakain na ng almusal pasimple kong itinanong ang pangalan ng batang babae nagitla siya dahil hindi ko siya kilala sinabi nya na siya ang aking kapatid na si Rose natawa na lamang ang lola na nasa tabi ko siya ata ang aking lola nagtataka rin ako dahil hindi ko makita ang aking ina at ama.

Your nameWhere stories live. Discover now