ONE

3 0 0
                                    

[Phoebe Daphne]

-May 2014

Bakasyon pa din ngayon at malapit na rin magpasukan. Kaya andito ako sa probinsya namin sa Batangas.




May paliga nga pala sa baranggay namin tuwing bakasyon. At heto kami ngayon ng tatlo kong pinsan na babae na nasa basketball court habang pinapanood ang mga players.


"Ate Phoebs ang gwapo talaga ni Luigi ang galing nya maglaro!" Kilig na kilig na sabi ng pinsan ko habang ngiting ngiti dun sa lalaking binanggit nya. Sya si Ysabelle.

"Hayy nakoo Belle walang mararating yang kilig mo. Ni hindi ka nga kilala ni Luigiboy ehh. Ligawan mo hahaha." Tawang tawang sabi naman ni Danica.

"Iadd mo sa fb tas ichat mo ayiiee!" Sya naman si Carmella.

"Kayong tatlo mga baliw talaga kayo!" Ngiting sabi ko sa kanila. Tawanan kami habang tuloy sa panonood ng basketball game.




Silang tatlo ang palagi kong nakakausap at halos nakakasama ngayong bakasyon. Bukod kasi sa mga pinsan ko sila, magdedebut na kasi ako kaya pinaghahandaan namin ang mga kaganapan dun kaya halos araw araw kami magkasama. Nag-oovernight pa nga silang tatlo sa bahay tapos tabi tabi kami sa kwarto ko. Parang magkakapatid na din kami kung tutuusin.



Isang taon lang naman ang agwat ko sa kanila. Lahat sila 16 years old ako naman 17 years old at yun nga malapit na mag-18 :) Nagstart kami magkasama sama nung April dahil dun nagstart ang mga practices.



Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Phoebe Daphne Alcantara. Labing pitong gulang mula sa Batangas. Isa akong incoming 3rd year student sa kilalang university. Ang course ko ay may kinalaman sa Math subjects. Kaya ayun puro numbers laman ng utak ko hahahaha.




At isa akong babae na hindi pa nagkaboyfriend. Maraming nagsasabi na maganda ako, matalino, mabait, friendly, approachable, at madaling mahalin. At isang DYOSA ^__^




Kaya nga marami din ang nagtataka kung bakit wala pa din akong boyfriend. Isa lang ang sinasabi ko kapag nagtatanong sila. "Bawal pa ehh."




Oo tama kayo. Strict ang parents. Hahahahaha! Pero ayun nga bawal pa 'daw' kasi magboyfriend hanggat hindi pa nakakagraduate sa college. Kaya ang focus ko muna ay ang pag-aaral mga friends at ang family ko.




Pero dun na pala magsisimula ang lahat. Bago matapos ang bakasyon. Nakilala ko na sya.





















Si Blue Zachary Hernandez.















Ang dahilan kung bakit I took the risk of love..

She who takes the RISK of LOVEWhere stories live. Discover now