[Phoebe Daphne]
Gabi ngayon pero hindi kami ngayon nanood ng basketball dito samin. Hindi kasi maglalaro ang players ng crush ni Belle. Kaya heto ako ngayon nakadapa habang nagfafacebook sa laptop ko. Nang biglang may nagchat sakin.
"Hello po. Pwede po ba makipagfriends?" Sino naman kaya 'to. Inadd pa ako. Ehh di tiningnan ko ang profile nya. Justin ang name nya. Hmm okay lang may itsura naman hahahahaha. Tsaka taga kabilang baranggay lang sya. Pero hindi ko inaccept ang friend request nya. Bahala sya.
"Bakit naman? Sino ka? Saan mo ako nakilala?" Ayan tinadtad ko ng tanong hahaha.
"Ang ganda mo po kasi. Dyan sa basketball court nyo nakita kita." Ahh so nakita na ako ni koya. Aheemmm sino ba naman hindi mabibighani sakin hahahaha. Hindi ko na nireplayan.
Kinabukasan sinabi ko kay Nica kung may kakilala syang Justin sa kabilang baranggay. Kasi dati nagagawi sya dun ehh. Aba nga naman kapag sinuswerte kilala nya daw yun kilala din sya. Aba biniro pa ako na crush daw ako nung Justin hahahahaa. Sabi ko sino ba naman hindi magkakagusto sakin ehh dyosa ang kagandahan. Tapos tinawanan lang ako. Pero iba talaga tong si Nica aba may nireto sakin mas gwapo daw dun sa Justin na pinsan daw nun.
"Nakuu ate Phoebs gwapo yun! Bagay kayo sigurado. Sana lang walang gf hahahaha. Search natin sa fb friend ko yun tas ireto kita." Kumikinang pa ang mata ni Nica habang sinasabi sakin.
"Hala wag na uyy para naman atat na atat ako magkalovelife pagkaganyan. Yaan mo sila ang lumapit." Sabi ko naman sa kanya. Pero sa loob loob ko gwapo ba talaga hahahaha.
"Nakuu naman Ate Phoebs ang dami kaya nagkakagusto dun. Malay mo sya na pala ang para sayo. Tsaka pano lalapit sayo kung hindi ka kilala. Kaya magfirst move na tayo." Pagkumbinsi nya sakin. Eto talagang batang to ganun ba talaga kami kabagay sa isat isa nung lalaking yun. Ayy hindi pa pala sinasabi ni Nica ang pangalan nya.
"Nica, ano ba pangalan nung tinutukoy mo?"
"Ang pangalan ng lalaking bagay na bagay sayo ayy Blue. Ang ganda ng name ano hihi." Kilig na kilig pa sya. "Search na natin ha ate phoebs dali na! Papakita ko lang sayo. Kaclose ko yun hihi." Dugtong pa nya.
" Ohh sya sya sige tingnan natin yang pinagmamayabang mo sakin." Syempre curious din naman ang inyong dyosa. Wala naman mawawala kung istalk yun.
Ayuun na nga sinearch na ni Nica. Tapos kinlick na nya ang profile. Ayan na nasa harapan na ng screen ang 'para-daw-sakin'. Hindi nga maipagkakaila na gwapo yung lalaki. Tinitigan ko talaga. Iba yung aura nya lalo na ang mata ang ganda. At mas maputi pa sya sakin ha kakahiya naman sa balat ko. Habang tinititigan ko biglang may nag-aheeem sa tabi ko.
"Ang gwapo ano ate Phoebs! Punta tayo mamaya sa basketball andun yun palagi hihi. Nakita ko dati nung andun tayo. Pero hindi sya nagbabasketball nakikinood lang din." Paliwanag sakin ni Nica.
"Nyaaaay bakit naman hindi nagbabasketball? Ano sya bakla hindi maalam maglaro nun."
Tapos pinalo ba naman ako ni Nica. "Hindi ah straight yun ano. Baka nakakalimutan mo taga kabilang baranggay sya kaya hindi kasama sa liga ng basketball ng baranggay natin duuuuh. Ano ba yan ate Phoebs nakita mo lang ang man of your life sinabihan mo na agad sya na bakla tsk tsk."
"Oyy hindi ah malay ko naman. Nawala lang sa isip ko."
"Asuus maya maya nyan kinikilig ka na pala kapag nakita mo sa personl si Blue." Ngiting ngiting sabi ni Nica sakin. Napailing na lang ako.
Kinagabihan..
Andito na ulit kaming magpipinsan sa basketball court. 7pm pa lang pero andami ng tao. Maganda kasi ang maglalaban ngayon ehh. At syempre andun ang ultimate crush ni Belle na si Luigiboy. At alam nyo ba nagfriend request ang koya kay Belle aba aba nga naman. Napansin ang beauty ng pinsan ko. Kaya eto kilig na kilig ang pinsan ko.
Maya maya pa bumulong sakin si Nica.
"Andito na Ate Phoebs si Blue! Grabe ang gwapo nakasalamin sya nerd kunwari. Parehas kayong nakablue! Hihihi ayiiiieee. Kaso ano ba yan nagyoyosi pala. Ayuun ohh nasa may paitaas kasama pati mga pinsan nya at yung kapatid nya si Ralph." At tinuro sakin kung nasan nga yung Blue at mga kasamahan nya. Ayuun nga at busy sa pagyoyosi ang koya.
Ano ba yan gwapo nga nagyoyosi naman. Yun ang ayaw ko may bisyo tsk tsk. A big NO NO.. Turn off agad sakin. Kaya hindi na ulit ako nag-abalang tumingin pa sa kanya it finocus ko na lang sa panonood ng basketball.
Maya maya pa may tinawagan si Nica ang lakas kasi ng boses ehh. Yung Ralph ata yung kapatid nung Blue. Tapos lumapit si Nica kay Ralph kasi hindi mapakinig nung binging lalaki hahahaha. Tapos may binulong si Nica na biglang tingin namin nung Ralph sakin. Like the hell anong pinagbubulungan nila. Maya maya may binulong si Ralph dun kay Blue. Kaya lumaki ang mata ko. What the-!! Ano ba pinapag-usapan nila.
Hindi ko na inantay pa ang mga susunod na pangyayari kaya hinatak ko yung dalawa ko pang pinsan at inilayo dun sa paningin nila. Pumunta na lang kami sa may mga street food at bumili ng isaw hihi. Habang kumakain ako biglang may bumangga sakin.
"Aray ko naman hindi nag-iingat." Iritang sabi ko dun sa bumangga sakin. Sabay tingin ko sa nakabangga. 0_0
"Ayy sorry Phoebs!" Ngiting ngiti pa ang mukha ng mokong. Walang iba lang naman kundi yung kapatid ni Blue na si Ralph. Ugggghhhh!!
Umiiwas na nga ako..
YOU ARE READING
She who takes the RISK of LOVE
RomancePaano kung naiba ang goal mo sa buhay dahil may isang lalaking dumating sa buhay mo? Nagset ka na para sa gusto mong maging future. Kaya naturingan kang isang NBSB - NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Kahit maraming lalaki ang nagkagusto sayo at nagustuhan m...