The Dream Chapter 2

19 0 0
                                    

[Enna's POV]



Krriiiiing krriiiing krriiiing! (Alarm 5:30am)


"(Yawn) Haaay, sarap ng tulog ko. Makabangon na nga."


Another day of hell nanaman. HAHA. Kapagod din kayang pumasok. -_-


Ligo. Bihis. Kain.


Aw, oo nga pala. 'Yung nangyari kahapon. 'Yung kay Heath. Grrrrr, lagot ako nito mamaya. Hindi ako lalabas ng classroom baka mapahamak pa eh.


"Hoy, Enna 'bat ka natulala diyan? Tara alis na tayo."


Sabi ni ate. Nagmamadali talagang babaeng to pumasok sa school. Syempre, makikita niya ulet 'yung kanyang boyfriend. Inspired lang talaga siya. HAHA. Maka-alis na nga.


"Eh kasi may naisip lang ako."


"Eh, sino naman 'yang iniisip mo ha? May nanliligaw na sayo noh? Ayieee. Ikaw ha. (Blink)"


"Ate naman eh! Wala ho! Wala po 'yun! Wala po talaga! Yuck, ayoko pang magboyfriend noh."


"Pakilala mo siya sakin ha? Sure ako pogi 'yun. Maganda ka eh. Mana sakin. Chos. Haha. Alisin mo na kasi yang nerdy look mo. Makinig ka naman."


"Tara! Alis na tayo! Sige ka mallate ka. Naghihintay na boyfriend mo sa school oh."


"Ay oo nga pala! OMG."


HAHAHA! Galing ko noh? Bigla kong iniba 'yung topic. Papunta na kami ngayon sa school. 'Di talaga mawala sa isipan ko 'yung nangyari kahapon. 'Bat kasi ganun? Hindi ko maintindihan 'yung sarili ko.


Dumating na pala kami sa school. Grabe, sobrang malinaw sa mata ko yung grupo nila Heath. Eh kasi naman halos lahat ng kanilang miyembro nang-bbully eh. Parang sila 'yung may-ari ng trono dito sa high-school ha? Ayun si Heath, nakaupo lang sa ilalim ng puno. Nagtataka nga ako kung bakit siya lang magisa doon habang ang kanyang mga kaibigan may pinagttripan. May lumapit isang lalaki sa kanya. Siya yata 'yung taong ng hi sakin kahapon ah at tinawag akong nerd. OMG OMG OMG, tumingin sila sakin. Ayun, umiwas ako at binilisan kong lumakad papunta ng classroom. 

[Heath's POV]

Nakita ko yung babaeng sumira ng araw ko kahapon. Ang sama ng tingin niya samin. Sa totoo lang, wala lang naman talaga 'yun sakin kahapon eh. Nabigla lang talaga ako at nadumihan pa 'yung uniform ko. Ngayon, okay na ako. Puntahan ko kaya siya mamaya at humingi ng pasensya. Siguro tatanggapin niya rin naman tutal gwapo at cute naman ako eh. HAHAHA.

"Bro, nakita mo si Enna? Ayun siya oh." Sabi ni Derick.

 

 

"Sinong Enna? 'Di ko kilala yun ah."

 

 

"Basta, medyo nerd 'yun bro pero sure ako maganda 'yun pag nakaporma ng maayos."

 

 

"Enna? Hmmmm, ah 'yun bang si Anne Suites? Kaklase ko pala 'yun eh. Sige babantayan ko siya bro para sayo kahit may nagawang mali 'yun sakin kahapon."

The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon