The Dream Chapter 3

13 0 0
                                    

[Enna's POV]

Wala akong masabi. Nagulat lang talaga ako sa kanilang dalawa. Biglang inalis ni Heath 'yung paghawak niya sa kamay ko.

[Derick's POV]

"Let's go Anne. Bro, sama ka?"

"Ay sige bro." Heath.

"Okay."

[Heath's POV]

Inalis ko kaagad 'yung paghawak ko sa kanyang kamay dahil kay Derick. Hindi ko alam 'bat ginawa ko 'yun. 'Bat hinawakan ko 'yung kamay niya. Siguro nga yayain ko siya sa canteen at doon kami mag llunch kasama si Derick. Sana nga. Pero bakit parang may iba akong nararamdaman kay Anne? Parang naiilang ako pag kasama ko siya. Tama nga tong si Derick, iba talaga si Anne. Iba siya compared sa mga babaeng puro malalandi lang 'yung alam. Simpleng tao lang siya.

[Enna's POV]

Yehey! Nasa canteen na kami at ang daming tao dito! Grrrrr, nagugutom na talaga ako. Syempre, gusto kong kumain ng rice, ulam at syempre dapat may kasamang ice cream. HAHAHA.

Lumapit si Jenna samin. Ano kayang gusto nito? Alam ko may gusto 'yun kay Heath o kay Derick eh. Kita mo ang landi nito sa kanila.

"Heath, Derick, 'Bat kasama niyo siya? Jenna.

"Gusto kong kasabay namin siyang mag lunch." Derick.

"Ah. Iwan niyo na yan, let's go guys. Marami pa tayong pupuntahan." Jenna.

"Hindi namin basta't basta maiiwan si Enna dito. Ikaw na lang kayang umalis." Galit na sinabing ni Heath kay Jenna.

"Okay, fine." Jenna.

Nakakagulat naman yung sinabi ni Heath. Hays, ang lakas ng tibok ng puso ko sa kanya. Hindi, hindi, bawal ako. Nakakainis naman!

"Tara na nga kumain na tayo!" Derick.

Ayun, kumain na ngang kaming tatlo. Hindi ako masyado nagsasalita. Oo, kinakausap ako, sinasagot ko naman pero hanggang 'dun lang. Hindi ako 'yung nagsisimulang magbigay ng topic.

Tinitignan ko si Heath. Hindi ako mapakali bakit kasi ganito yung nararamdaman ko sa kanya. Iba siya sa isang lalaking nakilala ko. Malapit nang mag time at bumalik na kami sa aming room.

Pagkatapos ng school namin.

"Enna, gusto mo bang ihahatid kitang pauwi sa inyo?" Derick.

"Ay huwag na po. Nakakahiya naman."

"Sige na minsan lang naman to eh, isasama ko na rin sa bro." Derick.

So it means kasama niya si Heath mamaya. Sige na nga papayag na ako.

"Sige na nga, 'di kita matiis eh."

Nasa sasakyan na kami nila Derick, ang awkward naman. Huhu sinama niya kasi si Heath eh. :/ Si Derick nasa driver seat habang kami ni Heath ay nasa likuran. Ano ba 'tong meron sa kanya? 'Bat ayaw niyang tumingin sakin?

"Heath, are you okay?" Sabi ko sa kanya.

"Yup, I'm fine. How 'bout you?" Heath.

"Never been better."

Ang tahimik talaga ng atmosphere dito.

"Ito na ba Anne 'yung bahay niyo? Ang laki ah." Derick.

"Oo hehe. Sige, baba na po ako. Salamat sa pag hatid!"

"You're always welcome Anne." Derick.

Bumaba na nga ako sa kanilang sasakyan. Si Heath, nakatulala lang. Ano kayang iniisip 'nun? Pasok na nga ako sa bahay.

[Heath's POV]

Hindi ko kinakausap si Enna baka kasi magselos yung kapatid ko. Hays, mahal ko siya pero di ko kayang sabihin sa kanya. Natatakot kasi ako baka 'di niya rin ako mahal. Baka ifriendzone niya lang ako. Baka iiwan niya lang ako.

Ayun, bumaba na siya. Gustong gusto ko siyang yakapin pero 'di ko magawa. 'Bat ko naman kasi siyang yakapin eh hindi naman kami? Ni-hindi niya nga yata alam na gusto ko siya eh. Kailangan itong malaman nang kapatid ko kaso pagnalaman niya, magagalit talaga 'yun sa akin. Mag aaway lang kami.

"Bro, may problema ba?" Tanong ni Derick sa akin.

Nakatulala nga lang ako sa labas. Siya lang talaga yung iniisip ko eh. Si Anne ang laman ng puso ko. Siya yung hinahanap ko. Pero 'bat ganun. 'Bat ayaw kaming mapalapit sa isa't isa. Siguro hindi pa ngayon 'yung tamang panahon.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba?" Derick.

"Ah, wala, pasensya may iniisip lang."

"Bro, tulungan mo naman ako, ano kaya magandang iregalo sa mom natin? Malapit na diba birthday niya?" Derick.

"Bukas, bili tayo. Sasamahan kita. Isama kaya natin si Enna? Siguro mas maganda siyang pumili ng regalo. Alam niya yung taste ng mga babae."

"Okay bro, aasahan ko yan ah. Oo nga pala, ikaw na magyaya mamaya kay Enna ha. May gagawin lang kasi ako." Derick.

"Itetext ko na siya ngayon. Meron kabang number niya? Penge naman ako."

"Sige, ito phone ko. Hanapin mo na lang number niya diyan. May pupuntahan lang ako." Derick.

"Ingat."

Ano kayang itetext ko kay Enna. Hmmm, ah ganito na lang.

To: Anne <3

Hi Miss, pwede ka bang sumama sa amin bukas? <3

Nilagyan ko pa talaga ng heart eh noh. HAHA. Eh mahal ko siya eh.

After 20 minutes. Hays, wala paring reply. Mag bbasketball na nga lang ako.

[Enna's POV]

From: Unknown Number

Hi Miss, pwede ka bang sumama sa amin bukas? <3

Sino nanaman kayang lokong 'to ha? Bago kasi siyang munang magtext magpakilala siya. Hindi 'yung puro heart heart kaagad. Ew, kadiri. Makareply na nga.

[Heath's POV]

After nang laro namin. Tinignan ko ulit 'yung phone ko kung meron nang nagtext. Meron nga! Si Enna! Open ko na nga 'to.

From: Anne <3

Who you po?

Kahit kailan talaga hindi marunong 'tong mag hi hello. HAHA tapos ang sungit sungit pa. 'Yun talaga 'yung gusto ko sa babae eh.

To: Anne <3

Si Heath to. Haha. Sasama ka bukas ha sa amin ni Derick. May bibilhin tayo. Salamat. <3

From: Anne <3

K.

To: Anne <3

Sungit. :*

From: Anne <3

K.

Makapagpahinga na nga. Kapagod eh. Hays, pero medyo nabawasan yata dahil sa kanya. <3

[Enna's POV]

Si Heath pala 'to eh. Kinilig ako bigla sa mga text niya. HAHA. Pero bawal ako. :( Nangako ako sa sarili ko na bawal akong mag boyfriend. Tulugan ko na nga ito. Kapagod isipin eh. Nakakasakit. Nakakabuset. Nakakainis. Nakakabaliw. Nakakakahit ano! HAHAHA.

END OF THE CHAPTER.

***

Hi mga pare ko! <3 Nagustuhan niyo ba? Hihi, sana nagustuhan niyo po! Sorry ha, medyo nalate 'yung pagupdate ko. Pero sulit naman diba? Haha sana nga. <3 If meron po typo errors, paki message niyo na lang po ako or just leave a comment.

Naging busy ako kaya 'di ko siya kaagad naupdate 'yung chapter na ito at nawalan pa kami nang connection. Nagloloko kasi eh. Hays. :'(

Feel free to ask questions ha if meron po misunderstandings about sa story. <3 Huwag pong kalimutan mag

VOTE. COMMENT. FAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon