Chapter 2

1.4K 24 4
                                    


(Daine POV)

Alas dos na at hindi pa rin ako makatulog, hindi kasi ako komportable dito sa aking pwesto.
Nakapikit lang ako na parang tulog, pero hindi talaga ako makatulog.
Nang biglang, napabalikwas ako dahil sa gulat ko ng may malamig na kamay na humawak sa likod ko, hindi ko nga malaman kung kamay ba 'to o kung ano.

Kanina ko pa ito nararamdaman,  imahinasyon ko pa rin ba ito? Nag sisimula nanaman akong pagpawisan ng malamig dahil sa kaba. Nararamdaman ko nanaman yung malamig na kamay sa likod ko o kung ano man ito.

Takot na akong dumilat baka mamalikmata nanaman ako at kung ano pa ang makita ko, pero kailangan kong lakasan ang loob ko para tignan ito, dahil sa may kakaibang malamig na kung ano ang dumadampi sa likod ko.

Unti unti kong pinihit ang ulo ko paharap sa pinto para makita ang likuran ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, parang lalabas na ata ito. Teka, may anino, anino ng lalaki nga.

Pumikit at dumilat ako ng ilang beses para masiguro na isa nanaman iyon sa imahinasyon ko.

Pag dilat ko, palabas na ng pinto ung anino at tumagos ito sa pintuan. Hindi na talaga ito guni guni. Pero ba't sakin pa nag papakita ito? May kailangan ba sila? Ako ba? Wag naman sana. Naramdaman ko nanaman na parang may dumikit sa likod ko. Mas lalong nadagdagan yung kaba at bigat sa dibdib ko.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nag kunwaring tulog na lamang.
Nang may naaninag akong liwanag, binuksan ko ang mga mata ko ng kaunti, si Trina pala.

(Trina POV)

Lumalalim na ang gabi, at hindi pa rin ako makatulog.

Nakaramdam ako ng uhaw, kaya nama'y tumayo ako para kumuha ng maiinom na tubig. Binuksan ko yung ilaw at napansin kong medyo nagising si Daine at Cheska, marahil nasilaw sila ng bahagya sa liwanag.

Habang naglalagay ako ng tubig sa aking baso, napansin kong biglang bumangon si Daine.

"Trina iyong nakita kong anino kanina, sigurado ako hindi na iyon malikmata o guni guni, nakita ko ulit ito." wika ni Daine na halata mong kinakabahan.

"Ha? Sigurado kaba?" Sagot ko kay Daine dahil wala naman akong napansin na anino.

"Oo Trina sigurado na ako, noong una akala ko namamalikmata lang ako, pero hindi eh nakita ko ulit." Wika ni Daine na bakas sa mukha ang labis takot nito.

"Kanina pa rin ako di makatulog pero wala naman along napansin na anino." Pilit kong pagkukumbinsi sakanya, dahil ayoko rin namang mag isip ng kung ano ano.

"Hindi rin ako makatulog, natatakot ako dito sa pwesto kong to. kahit anong posisyon ko parang ugh-- ewan ko ba" Sabi ni Daine na tila iritable.

"Baka kaya hindi ka makatulog kasi kung ano ano yang iniisip mo, wag mo na isipin yun para makatulog kana. Hindi rin ako makatulog, namamahay ako, malamang namamahay ka rin, papatayin ko na 'tong ilaw ha. Matulog na tayo." Sagot ko naman sa kanya para kahit papaano mabawasan ang takot niya.

"Sa tingin mo namamahay ka lang talaga? O baka naman ayaw talaga nila tayong patulugin dito?" Seryosong sabi ni Diane.

"Ay nako namamahay lang talaga ako, wag mo na nga akong takutin diyan. Matulog na tayo." Sagot ko naman at pinatay ko na rin ang ilaw, agad agad na rin akong bumalik sa pwesto ko.

Unti unti na akong dinadalaw ng antok ko, nang biglang..

"Psstt..."

Napabangon kaming tatlo, si Daine, Ako at si Cheska. Nag tinginan kami kung sino iyong sumitsit, nag kibit balikat lang sila gaya ko.

Anino ng lalake (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon