It's based on our experience. Don't expect too much on this story. But it's kind a fun to read Hehe.
*
Mahigit sampung taon na rin ang nakalipas magmula ng mangyari ang aming kapanindignindig balahibong karanasan..
*
Ako si Trina Mendez 16 years old 4th year high school itago na lang natin ang tunay kong pangalan.
Nakatira kaming mag kakaibigan sa isang building na libreng pabahay ng isang kopmanya na pinapasukan ng aming mga magulang, may apat na palapag 'yong building na 'yon at may kalakihan, yung pang apat na palapag ay rooftop medyo luma na rin 'tong building, mukha itong abandonado kung walang nakatira, sa unang tingin mo nga dito ay parang isang haunted building dahil sa maputlang kulay nito. Kapag nga'y may groupings kami sa school at kailangan ng lugar, laging dito sa amin ang puntahan. Kapag may mga first time akong kaklase na nag pupunta rito, halos parepareho lamang sila ng reaksyon.
''Nakakatakot naman dito.''
''Ang tahimik masyado, nakakapraning''
"May multo ba dito?"
*
May anim akong mga kaibigan Cheska, Heidy, Anne, Faith, Andrea, Daine, at ako, bali pito kami at puro babae.
Summer ngayon walang pasok mag oover night kami sa isang bakanteng kwarto dito sa building, Papa ni Cheska tsaka Faith yung chairman dito, oo mag kapatid sila, pati si Heidy at Anne mag kapatid din. Pinaka matanda samin si Cheska sumunod si Heidy, halos tatlong taon lang naman ang tanda nila sa amin, tapos mag kaka edad na kaming lahat.
Alasais palang ng hapon nasa bahay na kami nila Heidy at Anne, tinutulungan namin silang magluto ng aming hapunan, nag ambagan kami sa lahat ng kakainin namin para sa sleepover mamaya, bukod sa kalderetang niluluto namin bumili rin kami ng mga chips at pizza para sa midnight snacks.
*
Nang matapos kaming mag dinner, nag kwentuhan naman kami patungkol sa mga kanya kanya naming buhay, na di kalaunan nauwi sa harutan.
"Daineee! Etong sayo!" hampas ng unan ni Heidy kay Daine.
"Aray! yari ka sakin Heidy!" Ganti naman ni Daine kay Heidy
Masayang tawanan lang namin ang ingay na maririnig sa buong kwarto, nakakapanibago dahil matagal na rin mula ng may huling umukupa sa kwartong ito, madalas tahimik at madilim lang dito dahil sa pagkakaalam ko ang huling tumira dito ay ang pamilya nila Manong Celso na siyang namatay din dahil sa katandaan.
Malinis pa rin naman itong kwarto, may nag lilinis kasi dito sa buong building kaya komportable naman itong tulugan. Madami ring sabi sabi na may nagpaparamdam dito, na may naririnig silang tunog ng umaagas na tubig mula sa gripo kahit wala namang tao, may upuan daw na inuusod, tunog ng tumatalbog na holen at kung ano ano pa, pero mas okay na rin dito kasi pag nakitulog kami sa isa sa mga bahay namin, limitado lang 'yong galaw namin at masyado kaming maingay, ayaw naman naming maka istorbo dahil may mga pasok pa sila kinabukasan.
"Napapagod na ako pahinga muna tayo." Reklamo ni Faith habang inaayos niya ang nagulong buhok.
"Bawal umayaw!" sabay hampas ng unan ni Daine kay Faith.
"Pahinga muna tayo, pansin niyo ba ang ingay natin masyado" ani ni Cheska.
"Wow parang may bago doon, di ka pa ba sanay samin?" Daine.
"Heidy kunin mo nga iyong mga chichirya doon sa lamesa, pakibilisan at ako'y nagugutom ulit." Pabirong utos ni Andrea.
"Wow naman, may taga utos ka ha! Ba't di ikaw kumuha ng mag kasilbi ka naman hahahaha " Sagot naman ni Heidy