Statue
Eliza's POV
"Girl, tingnan mo si Jay, tulala na naman." Bulong sakin ni Rina habang nakanguso sa lalaking katabi ko. He's Jay Ferrer. The Statue man. The man who can't be moved ang peg niya araw araw. Statwa nga ang tawag sa kanya eh. Sobrang tahimik pag nasa room, o snober lang yata? Serious type siya pero gwapo!
"Shhh. Ang ingay mo talaga. Baka marinig ka niyan, naku." Saway ko kay Rina. Seatmates kasi kami. Siya yung nasa kanan ko, si Jay naman sa kaliwa, sa may aisle.
Sa tagal na naming seatmates, hindi niya pa ako nakakausap, ang lupit no? Hindi yan magsasalita kung hindi mo kakausapin. Di kaya bakla to? Naku, sayang!
Nakita ko si Jay sa canteen at kasama yung mga kaibigan niya, si Rem at si Kris. Oh, bakit dumadaldal si Mr. Statue? Aba, tumatawa pa! Ang gwapo niya ngang talaga.
"Rina, wait lang ha. May sasabihin lang ako kay Jay." Pagpapaalam ko kay Rina. Tumingin at ngumiti lang siya ng nakakaloko.
"Gaga! Tungkol lang to sa activity sa mapeh!" Sigaw ko sa kanya sabay tawa. Loka talaga, ilalaglag pa ata ako nito.
"Kala ko magtatapat ka na ng lihim mong pagtingin eh!" Sabi niya. Napatingin naman yung ibang mga estudyante sa loob. Lokang to! Ilalaglag nga ako!
"Shat ap bits." Tumawa lang siya kaya napairap ako. Huminga nalang ako ng malalim bago pumunta sa table nila. Hay nako Eliza, ipapaalala mo lang naman sa kanya yung activity niyong by pair sa mapeh eh. Yun lang! Chillax ka lang!
"Uhmm, Jay. Bukas ha. Dapat ready ka na." Sabi ko nang tuloy tuloy. Napatigil naman sila sa pag uusap at ayun na naman, naestatwa na naman siya. May lahi ba tong bato?
"Oy ano yan? May date kayo--Aray naman pinsan!" Piningot ko si Rem. Siraulong to, ibubuking talaga ako eh!
"Tanga, hindi ikaw ang kausap ko. So Jay, sure na ba sa kanta?" Tanong ko. Tangnang yan. Tulala na naman! Ganun na ba talaga ako kaganda? Haha!
"Oo daw." Si Kris na ang sumagot. Tumawa naman si Rem.
"Pano kasi, naeestatwa kapag malapit yung---Oo na!" Biglang siniko ni Kris si Rem habang pinanlalakihan ng mata. Ano kaya yun? Mga buang eh.
"O-kay? Ge, alis na ko." Sabi ko sabay balik sa table namin nang nagtataka. Weird huh.
Minsan talaga naweweirdohan na ako dyan sa Jay na yan eh. Nabubwisit din at the same time dahil pagdating sakin lagi nalang siyang natutulala. Nakadrugs ata yun eh? Pag kinakausap ko, hindi sumasagot tapos sa iba, tumatawa pa?
Nagkwentuhan lang kami ni Rina tungkol sa kung saan saan. Kami yata ang pinakamaingay sa canteen kahit dadalawa lang kami. Eh wala eh. Masaya kami eh.
*****
"Uy, ready ka na?" Tanong ko sa kasama ko. Kakanta po kami, dami kasing kaechusan ng teacher ko. Kakaloka. First time to! First time! Di kasi ako singer, di rin ako dancer. Frustrated singer pwede pa. Hahaha.
As usual, naestatwa na naman ang kaharap ko. Eh kung sapakin ko kaya to ng matauhan? Ay kaya lang masisira ang face niyang gwapo. Haha.
"Huy, Hello? Earth to Jay?" Natauhan siya nang ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya tsaka tumalikod. Napansin kong namumula yung tenga niya. Galit? O kinikilig? Haha! Echusera ko talaga.
Nagsimula nang tumugtog yung kanta namin pero nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Hindi siya kumakanta! HALA! Kumunot yung noo ng teacher namin! Baka i-zero kami nito sa performance!
"Huy! Bat di ka kumakant---"
"Shhh." Sabi niya kaya napatahimik ako. Baka may gagawin tong commercial. Haha. Ge pagbigyan.
"Palagi akong natutulala kapag nasa harap kita. Ang ganda mo kasi. Pakiramdam ko, nawawalan ako ng dila kapag kausap mo ako. Pakiramdam ko maiistroke na ako kapag nasa paligid lang kita. Hindi na ako makagalaw at makahinga kapag katabi kita. Umuurong ang buntot ko pag andyan ang presensya mo. Naeestatwa ako kapag andyan ka. In short, mahal kita." Sabi niya. Wait, Ano ba to, mag aadlib ba kami? May acting muna bago kumanta, ganon? Naku! Gusto ko to! Baka sakaling tumaas ang grades namin, ang talino niya talaga!
"H-ha?"
"Mahal kita, Eliza Martinez." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Ano ba yan, naiilang na ako. Feeling ko totoo to eh! Kaya lang wag mag assume girl, baka masaktan.
Hindi ko na kaya to.
"Huy, kumanta na tayo. Wala akong talent sa acting eh." Napasapo sila Rina sa noo. Bakit ba kasi?
"Anong acting?" Takang tanong ni Jay. Aba, kinakausap niya na ako! Nagsalita na siya! Halleluj---
"Gaga! Totoo yun!" Sigaw ni Rina. Nanlaki ang mata ko ng maalala ulit yung sinabi ni Jay.
Totoo?
"Di nga?" Tanong ko. Napakamot sila sa ulo. Nainis siguro?
"Tanga talaga." Bulong ng pinsan ko kahit dinig ko naman.
"Totoo yun?" Tanong ko kay Jay. Patuloy lang sa pagtugtog yung kakantahin sana namin na Statue ni Lil Eddie. Aba, bagay sa kanya yun ah!
Tumango siya. Napangiti naman ako.
"MAHAL DIN KITA!" Sigaw ko.
At ang reaksiyon niya?
Ayun, naestatwa na naman! Statue man talaga to!
*****
Ness' NOTE: Hey guys! Eto ang naging resulta ng paulit ulit na pagpapatugtog ng kapatid ko sa kantang yan. Haha! Pati ako na-LSS eh. So yun, don't forget to vote! Thanks for reading! :**
BINABASA MO ANG
My Playlist
Teen Fiction"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent." ---Victor Hugo. This is a compilation of my one shots stories inspired by my favorite songs. Enjoy! :* ©IzaBagamasbad