Stronger
Britt's POV
"Britt, you're crying again. Hanggang kailan mo ba iiyakan yung gago mong ex? Ha?" Mia scolded me. I know. I'm so weak.
"Mia, you can under--"
"I can't understand? BRITT NAMAN! Ako pa ang hindi nakakaintindi sayo? Hindi ba kita pinagsasabihan? Hindi ba kita pinagdadamayan sa pag iyak mo? Hindi ba ako nakikinig sa mga kwento mo? HINDI BA KITA SINASAMAHAN AT PINAPATAHAN? Ako pa ang hindi makaintindi? Tsaka mo nalang ako kausapin kapag maayos ka na." Mangiyak ngiyak na sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya. Naglakad na siya palayo...Wala na siya...Iniwan na ako ng bestfriend ko.
Umiyak lang ako ng umiyak sa bench.
Kenneth, what I have done for you to end our relationship?
I thought, you love me....very much.
Andito lang ako sa may field, tinitingnan siya, sa malayo. Ang saya saya niya. Samantalang ako, hindi parin makapagmove-on at nagdurusa mag isa. Ganun na lang ba yun? Pag sawa ka na, break na agad? Wala manlang explanation? Diba may karapatan akong malaman yung rason niya?
Bakit ganon?
Diba, dapat ako yung may karapatang makipagbreak dahil ako ang niligawan niya?
Niligawan niya ako dahil gusto niya ako. 3 years na siyang nanligaw sa akin at talagang pinagsumikapan niyang makuha ang matamis kong oo, pero bakit ganon? Siya pa ang nakipagbreak sakin?
Ang tigas naman ng mukha niya!
Siya, halatang nakamoved on na agad. Ako, umiiyak parin at patuloy na binabalikan ang kahapon. Am I not enough?
Ano pa ba ang hanap niya? Maganda? Matalino? Maputi? Makinis? Sexy? Matangkad?
Alam ko wala ako niyan. Talino lang ang maipagmamalaki ko.
Pero ano naman ang laban ng maganda sa matalino diba? What is beauty if your brain is empty? What is beauty if your attitude is not pretty?
Yan ang hindi ko maintinndihan sa mga lalaki. Ang bilis nilang magsawa. Bakit, ang babae ba, parang damit? Itatapon nalang pag may bago ng uso? Ang galing naman niya!
Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi nalang ako nakinig kay Mia. Una palang, hindi niya na gusto ang ugali ni Kenneth. Pero anong magagawa ko? Tinamaan na talaga ako ni Kupido eh.
Pero ano ba ang nagawa kong mali para makaranas ng ganito? First heartbreak ko to eh. FIRST HEARTBREAK! Masakit eh. Masakit na masakit. Lalong lalo na kapag nakikita mo siya na masaya at parang nakalimutan na ang lahat.
Sana, magkaamnesia nalang ako. Walang ng sakit, wala ng alala. Kaya lang hindi eh. Hindi pupwede yung hihiling ka, matutupad agad. Kailangan ko lang tumayo mula sa pagkakadapa at tumingala na parang walang nangyari.
Kailangan kong umalis sa nakaraan at mag move forward.
Pero kailangan ko ng panahon para makapag move on.
*****
Ilang araw ko ng tinry na kausapin ang bestfriend ko pero palagi siyang umiiwas. Hindi niya din sinasagot yung mga texts at tawag ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil si Kenneth lagi ang iniisip ko. Sarili kong bestfriend, napabayaan ko na.
Nandito ako ngayon sa school. Recess time na namin pero nandito ako sa rooftop. Gusto ko kasing makapag isip isip muna. Gusto kong mag isip kung paano ako makakapag move kay Kenneth.
Narealize ko lately na hindi ko na pala siya mahal. Sadyang nasaktan lang ang ego ko kaya masyado kong dinamdam. Pinagkatiwalaan ko siya pero ginago niya ako. Hindi ko alam kung nagchi-cheat na siya sakin habang may relasyon pa kami.
BINABASA MO ANG
My Playlist
Teen Fiction"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent." ---Victor Hugo. This is a compilation of my one shots stories inspired by my favorite songs. Enjoy! :* ©IzaBagamasbad