CHAPTER 4

71 1 0
                                    

TIFF

"Bakit mo ako iniwan?!" sigaw ni Vee.

"Alam mo bang kinakabahan ako ng sobra sobra sa harap jusko parang malalaglag na puso ko!"

"Huy Vee, tahan."

"Grabe kumakabog parin!" tumahimik siya sandali ng parang galit na galit, tapos bigla nalang siyang sumigaw ng parang katapusan na ng world na ito. "YAAAAAAAH! Ang gagaling talaga nila! Yieeh! Every week may bago! OMG OMG ang galing talag--oomphf!"

Tinakpan pala ni Drake ang bibig ni Vee. "Thanks, Drake," tumango siya sakin bago tanggalin ang kamay niya sa bibig nito.

Tinanggal ni Vee ang kamay ni Drake. "Anong thanks? Nagawa mo pang mag thank you pagkatapos mo akong iwanan dun ha?"

"Peace on earth, please," comment ni Dja.

"Ang bipolar mo, swear," sabi ko kay Vee at nag roll eyes. "Going back, I don't like those people. Pangit sila."

"Maka pangit ka naman, Tiff," ang sabi sa akin ni Dja. Whatever! Totoo naman eh.

"Eh basta! Ayoko sila para sa benifit concert. Mag hire ka ng iba!"

"Hindi naman sa kinokontra kita, Tiff," simula ni Drake. "Pero parang nakukuha ko na kung bakit ganoon ang gusto ni Dja."

Napatingin kaming tatlo sa kanya. Siguro hindi man napansin ng dalawa kong kasama, pero medyo napatalon siya dahil sa gulat na may mga taong nakatingin sa kanya. Ayaw niya na tinutugunan siya ng pansin ng marami. "I-I mean, ah, yan lang ang nag iisang banda sa school natin na magaling."

"So?" I rolled my eyes.

"So, for sure maa-approve yan sa administration at staff ng school, mas lalo na ang Directress. Kung nakita sila ng mga tao, maraming magiging interested sa school and maybe maraming mag e-enroll. At sikat ang banda na 'yan dito, paano hindi makakakita ng ganun kalaking halaga ang Student Council?"

Tumango naman si Dja at tinignan si Drake ng nakangiti. "Wow, Drake! Thank you. Finally someone that understands!"

Hindi ko alam kung bakit ako nainis bigla sa pinag-gagawa nila. Namula pa si Drake ha! Nahiya ka pa. "No! Pag ginawa mo yun, what if lumaki ang ulo nila? Even Drake knows kung gaano sila kayabang. What if ganun ang magiging opinion sa atin ng mga tao? Eh di mawawalan din tayo ng enrollees!"

"She does have a point," tumango-tango si Drake.

"So mayabang nga sila?" Napasimangot si Vee doon. "Ganun. Okay. Why not try something new, Miss President? Yung tipong hindi pa nakikita ng mga students dati na maiintriga sila para makanood."

"Yeah! Like, amusement park sa school?" I suggested.

"Too expensive." sabi ni Drake at Dja ng sabay.

"School play?" Sabi ni Vee.

"Too boring."

"Wala na talagang ibang maisip!" Napaupo si Dja sa upuan sa labas ng cafè. Nakalimutan kong nandito pa kami. Umupo na rin ako kaya sumabay na rin sina Drake at Vee.

"Hi," napatalikod ako sa pumunta sa likod namin. Meron pa siyang sinabi kaso hindi ko na narinig. Hindi ako mapaniwala na si Adam Maniago 'to ng Millenium. Ang tangkad niya pala. Iba pa ang titig niya. Ang gwapo pala niya pag malapitan.

"Hello?" Nang-iba ang itsura, nakangunot ang noo. Huh? What? Oh. Um.

"OhIuhI'msorrywhat?" Sa sobrang bilis kong magsalita parang isang word lang ang sinabi ko. Oh gosh, nakakahiya. Napatingin ako sa mga kasama ko. Naka-smirk si Vee at si Dja habang si Drake naman nakangunot ang noo na parang naiirita.

FAME (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon