Book 3

1.7K 89 33
                                    

Omg!! I'm so excited!! Pupunta si DJ dito sa bahay at manonood kaming movie! Tapos mag b-brown out at babagyo kaya mag s-sleep over siya! Kyaaaaaaaaa! Na e-excite ako!!

*ding dong!*

Ayan na!

Nakalimutan ni Author na mahirap pala kami kaya naglagay ng doorbell!

Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan 'to. Bumulaga sakin ang isang mala adonis na lalaki! Matangkad, moreno, matangos ang ilong at abs na tinabunan ng taba!

"DJ!" sigaw ko sa tuwa.

"Hi babes!" bati niya sabay smirk. Biglang nagbago ekspresyon ng mata niya.

"Oh? Okay ka lang?!" tanong ko.

"Hindi ko maibalik bibig ko" hindi masyadong klaro ang pagkakasabi niya dahil naka smirk parin siya.

"Hala!" humalagakpak ako sa tawa. "Na stroke ka na ba?!" tawang tawa kong tanong. "Ayan! Smirk lang kasi alam gawin ng labi mo! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Sinubukan niyang sumimangot pero naka smirk parin kaya naman mas lalo na kong natawa. Na iimagine niyo ba? Laughtrip kaya!

"Oh pasok ka! Pasok!"

Pagkapasok niya ay agad ng nag fast forward ang oras! Magkayakap kami ng babes ko sa sofa habang nanonood ng horror movie kasi yun lang naman ang available palagi na movie sa mga fanfic na katulad nito. Ajujuju scary!!

Biglaang kumidlat at napatalon ako sa gulat! Naka kandong na ako kaagad kay DJ. "Lakas manchansing ah." bulong niya sa tenga ko kaya naman hinampas ko dibdib niya.

"Hindi ah!"

Kaming dalawa lang sa house ngayon kasi you know wala ang parents ko at nag disappear ang kapatid ko kaya naman na normal lang para imbitahan ko ang isang binata sa bahay ko lalo na't may relasyon kami at malakas pa ang bagyo! Ahihihi :")

Green green green shrek shrek shrek.

"Ahuhu, takot ako. Tara! Tulog na tayo, dito ka na at tabi tayo sa kama kasi normal lang yun."

"Osige babes tara, kahit alam kong mali 'to gagawin ko at kunwari walang malisya."

Aaaaaaah! Omg omg omg dito matutulog ang boyfriend ko! At tabi pa kami!

"Dapat tumanggi ka muna!" banggit ko sakanya. "Kunwari sa couch or sahig ganun!"

Humiga siya sa tabi ko at hinila ako papalapit sakanya. "Dami mong alam! Dito parin naman bagsak ko"

Iniyakap ko nalang siya pabalik "Wag mo ko iiwan ah?"

"Promise"

At dun, nakatulog na ko! Kaso pagka gising ko, wala na si Daniel?!

May nakita akong letter sa cabinet ko kaya agad ko 'tong tinignan at binasa.

"Nagpunta na ako ng america. Sorry di ko nasabi. Babye labyu" -Daniel xoxo

HUWAAAAAAAAT??!! HUHUHU DANIEEEEEEEEEEL!!!!

Madedepress ako ng ilang years dito dahil hindi ko talaga kayang magmove on! Huhu okay bye

Worst KathNiel FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon