Chapter 2: Chasing

121 5 5
                                    

Naiwan sa school sila Hazel at Bianca dahil maraming pina-assign na gagawin sa kanilang dalawa dahil nga sa pagiging president nila. Madalas sila umuwi ng gabi kaya nahuhuli rin sila kapag dumadating na sila sa kanilang bahay. Mag-kapitbahay din silang dalawa kaya palagi silang sabay umuwi at pumunta ng school.

Nang matapos na nila lahat ng kanilang gawain, napag-desisyunan ng dalawa na umuwi na kaagad ng bahay dahil madilim na at alam nila na pagagalitan sila ng mga magulang nila kaya inayos na nila ng mabilis ang kanilang mga gamit. Ini-lock nila ang kanilang classroom at nagsimulang mag-lakad

Uy! Gusto mo kain tayo sa fast food chain?! Naeexcite na aanyaya ni Hazel. Huh?!! Eh gabi na eh, Sagot ni Bianca. Hayaan mo akong bahala. Gusto mo libre nalang kita? Naeexcite na tanong ni Hazel. Huh?!!! Ah-eh sige na nga nagugutom narin ako. Wika ni Bianca. Yehey!! Tara na. Masayang tugon ni Hazel.

Pumunta sila sa malapit na fast food chain. Masuwerte sila dahil sila yung unang umorder dahil madalas kasi palagi nalang mahaba yung pila dito tsaka gabi narin naman kaya natural lang na maunti ang tao sa fast food chain.Pagkatapos nila mag-order ay tumingin-tingin sila at namili kung saan sila pepuwesto.

Umm........Oh! Dun tayo oh. Hindi occupied yung table dun. Tugon ni Hazel. Ok. Mahinahon na sagot ni Bianca.

Pinuntahan na nila Hazel at Bianca yung table na napili nila. Inilagay na nila ang kanilang order sa table at umupo sila. Sabay silang kumain. Mabilis na kumakain si Hazel dahil gutom na gutom na siya. Habang kumakain silang dalawa ay tumingin-tingin si Bianca sa mga bintana ng fast food chain. Biglang may nakita si Bianca na isang tao na naka-hood at may maskara ito sa kaniyang mukha. Ipinikit na Bianca saglit ang kaniyang mga mata dahil alam niya na guni-guni niya lang ito. Dumilat siya at tinignan niya ulit ang bintana kung saan nakita ang misteryosong tao. Bigla itong nawala. Binilisan narin ni Bianca kumain.

Huy!! Hinay lang baka mabilakuan ka. Tugon ni Hazel. Ha?!! Pasensya na may kailangan pa kasi akong tapusin kaya binibilisan ko yung pagkain eh. Sagot ni Bianca. Ahh ganun ba, edi bilisan na natin may kailangan din kasi ako gawin eh. Wika ni Hazel.

Pagkatapos nila kumain ay nag-stay muna sila ng ilang minuto at nag-usap sila tungkol dun sa mga pinapagawa sa kanila. Pagkatapos nila mag-usap ay sabay sila pumunta ng C.R para maghugas at maghilamos. Pagkatapos nila gawin toh ay lumabas na sila ng fast food chain at nagsimula ng maglakad pauwi.

Habang naglalakad pauwi, nakaramdan ng nginig si Bianca. Malamig ang kaniyang nararamdaman. Walang tao sa paligid, silang dalawa lang ni Hazel ang makikita doon. Nakaramdam din ng takot at kilabot si Bianca, pakiramdam niya may nagmamasid sa kanilang dalawa o may sumusunod sa kanila. Tumingin si Bianca sa buong paligid. Kapansin-pansin wala talagang tao pero feeling niya may nagmamasid o sumusunod sa kanila. Nahalata ni Hazel na kumikilos na ng kakaiba si Bianca kaya tinanong niya ito.

Huy Bianca!! Ok ka lang ba?? Tanong ni Hazel. Biglang nagulat si Bianca dahil bigla siyang tinanong ni Hazel. Ha?!! O-ok la-lang ako. Nauutal na sagot ni Bianca. Eh bakit utal na utal ka magsalita?? Nagtatakang tanong ni Hazel. Ha!! Ah kasi malamig ka-kaya nauutal ako. Ah ganun ba tsaka oo nga naman malamig din dito. Gusto mo hiramin mo yung jacket ko?? Alok ni Hazel. Ha?? Okay salamat ha. Sagot ni Bianca at sinuot ang jacket na ipinahiram ni Hazel.

Habang naglalakad ay may napansin sila Hazel at Bianca na may tao sa dulo ng kalsada. Biglang naalala ni Bianca na siya yung tao na nakita niya dun sa fast food chain pero wala na itong maskara at walang nagbago dun sa suot niya at naka hood ulit siya kaya hindi makita yung mukha niya pero alam niya na ito talaga yung tao na nakita niya dun sa fast food chain. Nanginig ang katawan ni Bianca. Gusto niya sanang sumigaw pero alam niya na makakasagabal lang ito sa ibang tao na nasa mga bahay. Nagtaka lang si Hazel kung sino yung taong yun kaya naglakad siya papunta dun sa tao. Hinabol ni Bianca ang lakad ni Hazel at hinawakan ng mahigpit ni Bianca ang braso ni Hazel. Sinubukan tanggalin ni Hazel ang pagkakahawak pero mahigpit talaga ang pagkakahawak ni Bianca.

Ano ba bitawan mo nga ako!! Kumokontrang wika ni Hazel. Wag please!! Wag mo na siyang puntahan. Mapapahamak lang tayo kaya please lang wag mo na siyang puntahan. Nagmamakaawang wika ni Bianca. Nagbuntong-hininga si Hazel at sinagot si Bianca. Haaayy...ikaw talaga matatakutin ka talaga. Bitiwan mo ako. Ako ng bahala. Pero....paano kung-. Pinigilan ni Hazel si Bianca sa pagsasalita. Okay lang yan hindi kita iiwan. Kahit nasaan ka man nandun ako. Bestfriends tayo di ba?? Kaya please lang. Binitiwan na ni Bianca si Hazel si Bianca at wala narin siyang nasabi sa sinabi ni Hazel. Ngumiti lang si Hazel kay Bianca. Napaupo nalang si Bainca at nag salita sa isip.

Buti pa si Hazel ang tapang. Sana katulad ko nalang siya. Ang cool niya at ang galing galing niya. Ang sarap niya rin kasama kahit palabitro at mapangasar siya tsaka ang tali-talino niya. Please lang Hazel mag-ingat sa gagawin mo.

Habang naglalakad si Hazel ay may kinuha ang misteryosong tao na baril. Itinutok niya ito kay Hazel. Nagulat lang si Hazel at tumakbo pabalik pero huli na ang lahat, ipinutok na ng misteryosong tao ang baril at tinamaan si Hazel sa likod. Tumumba si Hazel at punong puno ng dugo ang damit. Biglang nanlaki ang mga mata ni Bianca at sumigaw ng napakalakas. Tumakbo siya papalapit kasi Hazel. Nagsalita si Hazel kay Bianca.

Bia-Bianca...patawad da-dahil hindi ako nakinig sayo. Pasenya ka na talaga. Nauutal na wika ni Hazel. Umiiyak si Bianca. Hindi niya na alam ang gagawin. Tinignan niya ang dulo ng kalsada pero nawala na yung misteryosong tao. Binalikan niya ng tingin si Hazel at nagsalita.

Ha-Hazel okay ka lang?? Please hold wag kang bibitaw!!! Di ba best friends tayo??!!! Ayokong mawala ka sa buhay ko kaya please lang!! Naiiyak na wika ni Bianca. Tatawag ako ng tulong! Hold on. Kinuha ni Bianca ang cellphone niya at tumawag sa landline ng hospital at ng pulis. Maya-maya may mga dumating na pulis at ambulansya. Chineck nila si Hazel at tsaka isinakay sa ambulansya at sumama rin si Bianca habang ang mga ng mga pulis ay inimbestigahan ang buong paligid. Nakarating na kami dito sa ospital. Ipinasok na ng mga doktor si Hazel sa ospital. Sumama muna ako sa kanila at iniwan ko na sila dahil nandoon na sila sa may emergency room. Umupo muna ako at pinapakalma ang sarili. Naghintay ako ng matagal at maya maya may dumating na doktor na papalapit sa akin at kinausap ako.

Kayo po ba ang kasama ng pasyente? Tanong niya. Opo kasama niya po ako. Sagot ko. What is her name? Tanong niya ulit. Hazel po bakit? Tanong ko rin. Well I'm sorry to say miss but Hazel didn't survive and took her last breath.

3rd Person's POV

Sa wakas! Patay narin ang pesteng Hazel nayan. Baka dahil sa kaniya mas napadali lang yung paghanap sa akin kasi matalino siya at siya pa ang president ng university. Buti nalang inuna ko yang lecheng yan. Mamatay na siya. See you in the other world bitch! Hahahaha!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon