Chapter 1: Let everyone know

227 12 21
                                    

Hindi talaga mantanggal sa utak ni Ericka ang text message na natanggap niya kanina. Hindi siya mapakali, hindi rin siya makasagot sa tanong ng mga teachers tuwing tinatawag siya sa recitation. Nag recess na at lahat ng estudyante ng pilot section ay nagsipuntahan sa kantina maliban kay Ericka. Paalis na sana sila Althea at Heleinah nang bigla nilang napansin si Ericka na hindi kumikibo at kanina pa nakaupo. Na-curious sila Heleinah at Althea at nilapitan at kinausap si Ericka.

Hoy Ericka! May problema ka ba ha?? Ba't ayaw mong kumilos diyan ha?? Wika ni Heleinah. Oo nga. Bakit may nangyari ba? Dagdag ni Althea.

Hindi makapagsalita si Ericka. Inilagay niya ang kanyang kamay sa tenga niya at bilang sumigaw.

Ano ba!! Tumigil ka nga ang ingay mo. Nakakainis na wika ni Heleinah.

Biglang umiyak si Ericka. Kinuha ni Ericka ang cellphone sa bag niya at pinabasa ni Ericka ang text message kela Althea at Heleinah. Nagulat ang dalawang dalaga nang mabasa ang text message at napasigaw silang dalawa.

Kaya ka pala nag kakaganyan. Naawang wika ni Althea. Kailangan natin ito sabihin sa buong klase. Let everyone know this. Dagdag ni Heleinah.

Tumigil sa pag-iyak si Ericka. Ngumiti siya at nag-salita. Alam niyo, imbes na pag usapan natin ito pumunta nalang tayo sa canteen kasi kanina pa ako nagugutom eh. Masayang wika ni Ericka. Oo nga eh pati ako nagugutom narin. Pabiro ni Heleinah. Oh ano? What are we waiting for? Tara na guys. Wika ni Althea.

Pumunta ang tatlong dalaga sa canteen. Maingay, masikip at madaming bumibili ng pagkain. Bumili na ang tatlong dalaga ng pagkain. Pagkatapos nila bumili ay naghanap sila ng table pero wala ng bakante. Nakita nila si Andrea, yung silent nerd ng class nila. Maganda naman siya pero ang tahimik niya. Shy type siya kaya minsan lang siya nakikipag usap. Mag isa lang si Andrea sa kaniyang table at meron pang tatlong upuan sa table niya. Nilapitan nang tatlong dalaga si Andrea para makiusap

Hi Andrea. Pwede bang maki upo diyan sa table mo?? Wala na kasing iba pang bakante eh please?? Nagmamakaawang wika ni Heleinah. Oo nga eh please payagan mo na kaming tatlo. Dagdag ni Ericka.

Uummm....sige pwede. Nahihiyang tono ni Andrea. Yehey!! Thanks ha. Masayang wika ni Ericka. Tara na! Sabay sabay ns tayong kumain. Gutom na talaga ako eh. Pabiro ni Heleinah.

Hahahahaha!! Ikaw talaga. Tara kain na tayo. Natatawang wika ni Althea. Sabay-sabay kumain ang mga dalaga. Masaya silang nagtatawanan, nagkwekwentuhan, nagchichismisan at kung ano-ano pa ang pinaguusapan. Tumunog na ang school bell na sumesenyales na tapos na ang recess.

Guys tara na. Time na eh. Sabay sabay na tayong pumunta ng classroom. Wika ni Althea. Tumango ang tatlong dalaga at nagsimula nang mag lakad papunta sa kanilang classroom

Naglalakad sila papunta sa kanilang classroom nang biglang dumating si Levi na mukhang pagod na pagod kakahanap yata sa kanila

Oh? Ba't mo kami hinahanap? Bakit masyado ba akong maganda? Hahahaha!! Pabiro ni Althea. Mukha mo! Wag ka ngang assuming! Meron kasi akong mahalagang sasabihin. Wika ni Levi. Che! Nagpout si Althea at inirapan si Levi.

Oh? Akala ko ba may sasabihin ka? Wika ni Heleinah kay Levi. Oh eto sasabihin ko na. Merong patay na babae doon sa may third floor at pinagkakaguluhan na ito ng buong estudyante! Wiks ni Levi.

Nagulat ang tatlong dalaga nang marinig nila ang sinabi ni Levi. Sinamahan ni Levi ang tatlong dalaga papunta sa third floor at nagmamadaling tumatakbo. Nang mapuntahan na nila ang third floor, nakita nila ang bangkay ng babae sa sahig na duguan. Napahawak sa bibig ang apat na dalaga.

Hindi nila makilala ang babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha neto. Maraming umiiyak at napasuka naman ang iba dahil sa pandidiri. Dumating ang principal at nagulat din sa nakita. Nag announce ang principal na suspendido ang klase dahil sa pangyayari at para nadin mag imbestiga.

Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa nangyari at pinaguusapan na nila kung sino ang pumatay sa babae sa third floor. Madaming estudyante ang sinisi ang pilot section dahil nga sa masamang nakaraan nito.

Sabay umuwi si Althea at si Heleinah papunta sa kanilang bahay. Malapit lang ang bahay nila mula sa kanilang school kaya sila naglalakad lang. Magkapitbahay kasi silang dalawa kaya sabay sila palagi pumunta sa school at umuwi ng school. Habang nag-lalakad sila ay nag-uusap sila tungkol sa nangyari sa school at padilim narin ng padilim ang langit.

Nakakainis talaga yung mga estudyante sa school!! Porket may namatay tayo kaagad sisihin. Mga leche sila. Naiinis na wika ni Heleinah. Bayaan mo sila, basta ako i-memaintain ko tong pagiging Campus Princess ko. Hahahaha!! Pabiro ni Althea. Aba!! Nagagawa mo pang mag-biro kahit may nangyayaring masama na. Sagot ni Heleinah. Siyempre, kasi nga Campus Princess ako hahahahaha!! Pabiro ulit ni Althea. Che! Tara na nga nagdidilim na eh. Wika ni Heleinah.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang dalaga. Habang naglalakad sila ay biglang nag-ring a cell phone ni Heleinah. May nag-text sa kaniya ng message na galing kay "Unknown" ulit.

"I'am following the both of you" nakalagay sa text message sa cellphone ni Heleinah. Nakaramdam ng takot at nerbiyos si Heleinah. Hinila ni Heleinah si Althea at mabilis itong naglakad. Nanginginig ang binti ni Heleinah pero nagmadali parin itong naglakad. Itinanggal ni Althea ang pagkakahawak niya mula kay Heleinah. Nagsimulang magsalita si Althea kung bakit ito nagmamadaling maglakad.

What the?? Ano bang problema mo ha?? Sagot ni Althea. Wa-wala. Meron pa kasi akong ga-gawin. Nauutal na wila ni Heleinah. Ah ganun ba. Oh edi tara na. Wika ni Althea.

Nagsimula ulit mag-lakad ang dalawa. Hindi talaga matanggal sa isip niya yung text message. Nakarating na sila papunta sa kanilang bahay. Nagpaalam na si Althea kay Heleinah. Pumasok na si Heleinah mula sa kanilang bahay. Nakita niya ang kaniyang magulang at binati niya ito at nag-mano. Nagmamadali siyang umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Nagtataka ang mga magulang kung bakit siya umakyat kaagad ng kwarto dahil madalas kasi tumatambay muna ito sa sala at manood muna ng T.V. pagkagaling sa kaniyang school. Nakarating na si Heleinah sa kaniyang kwarto. Hindi muna siya nag-shower at humiga na muna sa kaniyang kama inaalala ang text message

Sino ba kasi tong lokong toh?? Bakit niya kaya ako tinext. Baka siya yung killer. Wait replayan ko nga. "Hoy sino ka ba ha?? Stalker mo ba kami ni Althea o ikaw yung killer dun sa school?? Ang masasabi ko lang sayo F*ck you b*tch Go die!! Wala akong pakialam sayo kaya tigil-tigilan mo ako!! F*ck you* Nakalagay dun sa reply box ni Heleinah at sinend niya kaagad ito. Naghintay siya kung mag rereply pa ba ito pero hindi na ito nag-reply. Nag-shower nalang siya at nag-palit ng damit. Pinatay na niya ang ilaw at humiga ito sa kama at natulog na may malamig na aircon. Tulog na siya ng mahimbing nang biglang nag-reply sa kaniyang cellphone. "Hahahaha!!! Ulol mukha mo hindi pa ako mamatay ikaw ang mauuma. F*ck you bitch! Nakalagay dun sa reply na galing dun sa "Unknown" kung saan nag-reply si Heleinah kanina.

3rd Persons POV

Hahahaha!! Tigas talaga ng mukha netong babaing toh. Ang tapang!! Oo nga pala warfreak nga pala itong babaing toh. Ayan na pilot section. Ayan na. Sinisumulan ko na ang laro natin. Swerte kayo dahil wala sa inyo ang namatay. Isinesenyales ko lang na magsisimula ang laro natin. Alam niyo pilot section, masyado kayong pathetic!! Hindi niyo alam na isa na sa klase natin ang Secret Killer at ako yun!! Humanda kayo pilot section dahil maglalaro na tayo ng laro, isang laro hindi pang ordinaryo. Tignan natin kung sino ang maka survive at kung sino ang mamamatay. Hahahahaha excited na ako!! Now pilot section, let the fun begin!

Secret KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon