TAKSIL

1.1K 4 0
                                    

Luha'y pumatak na parang ulan

Umagos patungo sa dalisay na damuhan

Walang patid, walang putol sa pag uunahan

Sa wari'y dinidilig yaring halamanan

Nagiging luntian bawat madaanan

Binibigyang buhay tuyot na kagubatan

Ngunit di mapalitan yaring kapighatian

Dulot nito'y biglaang paglisan

Itinuring kang isang kaibigan

Bawat problema  ika'y tinutulungan

Subalit di hiniling na ganto ang kalabasan

Ito ba ang gusto mong gawing kabayaran?

Tila nauubos na aking pasensya

Kaya isang pasya ang ikinasa

Di na babawiin pagkat tama na

Pag titiis na ito'y kahangalan na...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKSILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon